Erika's PoV
Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng gate ay agad akong ngumiti sa driver at nagpasalamat. Nang makaalis ang shuttle ay agad akong tumungo at pumasok sa loob ng gate. Alas tres na ng hapon kaya medyo mainit na ang panahon.
"Magandang hapon po." ngumiti ako sa babaeng may katandaan na na nagwawalis sa tapat ng apartment niya.
"Magandang hapon rin," ngiti niya pabalik. "Ikaw lang mag-isa diyan, Ineng?"
Tumango ako at saka kinuha ang susi ng bahay sa bag ko. "Opo,"
"Ngayon lang kita nakita, kailan ka lang ba lumipat?" tanong niya.
"Nung Wednesday po last week lang, hehe.."
"Ikaw lang mag-isa?"
"Opo eh,"
"Kung gano'n ay palagi mong ikandado ang pintuan mo ha? Tawagin mo lang ako kapag may problem, magkatabi lang naman ang tinutuluyan natin.." ngumiti siya kaya ay nangiti ako ng malapad.
"Maraming salamat po. Sige po.."
"Ako nga pala si Josel, anong pangalan mo, 'neng?" tanong niya na itinigil muna ang pagwawalis.
Ibinaba ko muna ang susi at saka lumapit sa kaniya. "Ako po si Erika,"
"Kagandang dalaga naman. Ingatan mo ang sarili mo ah? Eh kegandang dilag naman.." puri niya kaya natawa ako.
"Maraming salamat po!" natutuwang sabi ko.
"Lola! Sinong pong kausap mo diyan?" napalingon ako sa babaeng kaedad ko lang na lumabas ng bahay nila.
Nakasando lamang ito at saka naka-shorts na hanggang tuhod habang nakatali ng mataas ang buhok. Nahinto siya sa paglalakad papunta sa kaniyang Lola ng makita niya ako.
"Sino ka?" tinaasan niya ako ng kilay.
Ngumiti ako. "Erika po,"
Umismid lamang ito kaya napapahiya akong tumungo.
"La, 'di ba sinabi ko naman sa 'yo na 'wag kang basta basta makipag-usap sa hindi natin kaanu-ano?" sabi nung babae na sinulyapan ako habang papunta sa kaniyang Lola.
Nagitla ako pero hindi ako nagsalita.
"Ano ka ba naman, Trixie. Mabait naman si Erika, naku! Paniguradong magiging magkaibigan kayo!" masayang sabi ng kaniyang Lola kaya napangiti ako sa kaniya.
Umirap naman 'yung Trixie. "Tara na, La. Pumasok ka na po sa loob, ako na lang ang magwawalis."
"Sige, apo. Nangangawit na rin ang balakang ko eh.."
"Ang sabi ko naman po kasi sa inyo ay manood na lang kayo sa loob, ang tigas ng ulo niyo eh." sermon nung Trixie.
"Pasensya, apo ko. Nabobored kasi ako e sa loob.."
"Sige mamaya, La. Gagala tayo du'n sa parke, basta 'wag ka na munang makulit ha?"
"Sige hahaha!" tumawa si Lola Josel at saka pumasok sa bahay niya.
Nang makapasok ay taas kilay akong tinignan nung Trixie. Nagitla ako ngunit pinilit kong ngumiti.
"Hi. Ako nga pala si Eri--" hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng talikuran niya ako at saka pumasok sa bahay niya at pagsarahan ako ng pinto.
YOU ARE READING
Redamancy
Romance"Loving does not always circle around happiness, sacrificing is not happy but it is a way of loving. " "Love takes time and time needs patience, also, moving on takes time before it gets done." "When you're in love, pain doesn't matter but when you'...