Chapter Five

358 30 0
                                    

          "Mama, am I beautiful?" tanong niya. She was sitting and facing the mirror while I'm combing her hair. She studied herself again in the mirror.

          "Aba, syempre naman! Mana ka kaya sa'kin." napataas ang kilay ko. "Ba't mo pala natanong?"

          "Kasi.."

          "Anong kasi?"

          "Well, because... Abraam."

          "Abraam?" pag-uulit ko. Jusko. Namula pa ang pisngi nito.

          "Oh, anong mayro'n sa kanya? 'Wag mong sabihing crush mo 'yon siya?" pagbibiro ko pero wag naman sana. But this is me asking her to make her feel that she can tell me everything.

          Abraam is Mr. and Mrs. Tate only son. Ang bait ng mag-asawang 'yon. They made a surprised visit today and welcomed us to the neighbourhood. Nagkakwentuhan pero 'di naman sila nagtagal. I think there's nothing to worry about of making friends with them. They seem like the kind of people you'd like to get to know.

          "Crush agad mama? Kanina lang nga kami nagkita eh. Pwede po bang sana playmate muna?" asik naman niya.

          "Sana? Ba't 'di pa ba kayo magkaibigan?" pang-uusisa ko pa.

          "I think so. Kanina kasi, he told me t-that... he wouldn't play with me cause I’m not beautiful enough." malungkot nitong sabi.

          Saan kaya nagmana ang batang 'yon? Napailing ako. Mga bata nga naman. They can be mean, not always in an intentional way but it happens. Nakakagawa at nakakapagsabi sila ng mga bagay na hindi nila nare-reliazed na nakakasakit na pala sila ng kapwa. As a mother, nasaktan ako. Nasasaktan ako kasi sa unang pagkakataon, she questioned her self-worth and value to others.

          Inikot ko ang upuan niya paharap sa'kin. "Tumingin ka sa mata ni mama at makinig ka. Maganda ka. You're beautiful on the inside and out. Palagi mong tatandaan na ang pagiging maganda ay pagiging totoo sa sarili mo. You don't need to impress anyone other than yourself. Maging maganda ka para sa sarili mo 'di para sa ibang tao. Naiintindihan mo?" sunod-sunod siyang tumango. "Kung ayaw niya, edi 'wag mong ipilit ang sarili mo. Saka nandito naman ako. I can be your playmate."

          She nodded, her eyes are bit swollen. "Thank you mama. Labs na labs po kita." niyakap niya ako at ginantihan ko rin siya nang isang mahigpit na yakap at halik.

          Nasa gano'n kaming posisyon nang makarinig kami ng pagbukas ng pinto. Our eyes snapped to the door. It slightly opened and his face came into view.

          "Tito Cheeef!" takbo agad ni Betchay sa kanya. Just like that, agad bumalik ang sigla niya. Kinarga siya nito. "Namiss po kita sobra!" 

          "And I miss you more, pumpkin. Let's go to the kitchen? I'll cook whatever you want as I promised to you."

          Betchay became impatient waiting for three days. At dahil mayro'ng landline dito, 'di talaga siya tumigil sa pangungulit sa'kin na makuha ang number nito.  Tumingin siya sa'kin na parang hinihingi ang permiso ko. Tumango ako bilang tugon. Pagkalabas nila ng kwarto sakto namang nagring ang cellphone ko.

         "Clarrie napatawag ka?" sagot ko.
     
          "Gaga ka! Nagpa-canada kalang halos kalimutan mo na ako." arteng sumisinghot pa'to.

          "Wag ka ngang magdrama. Nagkatawagan lang tayo kagabi. Anyway, anong balita diyan? Kamusta si Nicholas?" tanong ko.

          Tukoy ko sa kanyang nag-iisang anak na lalaki. Sampung taong gulang na 'to at kababata ni Betchay. She's a single mom like me. Nakapagtrabaho siya no'n sa Hongkong bilang isang performer. 'Don niya nakilala ang kanong tatay ng anak niya pero nang mabuntis ay iniwan din. She decided na umuwi nalang dito sa Pinas at dito palakihin ang anak. Ang naipon nitong pera ang ginamit sa pagpapatayo ng sariling Bar.

Chasing Astrid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon