Grabe ah! Ako yung pagod, ako pa yung pinaghihintay. Ganyan talaga yang mga lalaki, paasa.
Sorry kung medyo senti.
Alam mo na nauuso.
.
.
Well hindi naman ako BH.
Ito nga hinihintay ko yung boyfriend ko si Stephen a.k.a Teban.
Pag lapag kasi nung eroplano na sinasakyan ko tinawagan nya na ako. Syempre miss nya na ako ng sobra. Charing Lang!Humihingi kasi ng ideas from my empty brain, para daw pang regalo nya sa girlfriend nya. Playgirl kasi ako. Kaya madami dami akong boylet, yun nga lang lahat sila may jowa.
So bago ko pa magkilimutan I'll introduce myself.
Ako pala si Zyon Mae Alcantara, 27. Simpleng babae lang ako kutis pinoy in short morena/tan kapag susyalen, ewan ko lang sa ilong, pero pagdating sa height d ako papatalo, 5 flat. Diba, BINGO!!
Pero kung may pangit na parte meron ding maganda katulad ng kilay kong makapal, mapupungay na mata, atsaka labi kong handang handang mag pahalik. Hehehe! Echos.
Well maayos naman yung pangangatawan ko.
Pangalawa din ako sa aming apat na mag kakapatid at syempre lahat kami girlalush.Someone is about to interrupt my introduction so bye for now.
"Zy!" Ayon na yung hinhintay ko.
"Kuya Teban!" Patakbo akong pumunta sa kanya atsaka yumakap."Kamusta na? Atsaka sinong sumundo sayo kanina sa airport?" nakangiti nyang tanong.
"Wala" ang tanging sagot ko sabay ngiti.
"Paanong wala?" Nag aalala niyang tanong habang naka kunot ang nuo
"Wala as in wala. Nag taxi lang ako pauwi ng bahay, busy kayong lahat, wala din sila mama nung umuwi ako kaninang madaling araw." malungkot kong sagot.
Niyakap ako ni kuya Teban ng mamahigpit atsaka nag sorry.
🤔
🤔
🤔
🤔
🤔
🤔
🤔
"Kuya Teban?" Malambing kong pagtawag sa kanya. Pero iniwasan niya ako ng tingin
"Kuya Teban!!" Muli Kong pag papabebe, pero bigla siyang kumalas sa pagyakap at tumalikod sa akin na tila bang hindi ako naririnig.
"kuya Teban, uuuiiii! Ano ba hindi mo ba ako papansinin" inaalog alog ko siya para pansinin niya ako. Pero wala, walang effect hindi niya pa rin ako pinansin."Bilisan na natin pipili pa tayo ng regalo para kay Jeana." Muli niyang pagsasalita. Ngumuso ako atsaka nagsalita "Ganyan naman talaga kayo pag may kailangan kayo atsaka niyo lang ako naalala. Wala na nga kayong time makipag video chat sa akin pag wala ako sa Pinas tapos di niyo pa ako sinundo!" Tumingin ako sa sahig atsaka suminghot-singhot para kapani paniwala. HE HE HE! 😈😈
"Oo na, eto na bumili ka na ng gusto mo hintayin na lang kita dito." Pag suko niya atsaka nag abot ng 5,000 sa akin "kuripot" pabulong kong pagsasalita.
"May sinasabi ka ba?" Nakakunot noo niyang pagtatanong.Hindi na ako sumagot at tumakbo patungo sa NBS, Book Sale, atsaka Toy Kingdom. Namili ako ng mga libro atsaka laruan na hindi ko nabili habang nasa barko ako. Yes! Taong dagat po ako ganoon din si kuya Teban, pero minsan lang kami magkasabay sa iisang barko.
Pagkatapos kong mamili bumalik na ako kung saan ko siya iniwan. "Kuya Teban!!" Pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ata ako narinig kaya linapitan ko siya at yinakap.
"Zy, ginulat mo naman ako! Tapos ka na ba mamili?" Nakangiti niyang pag tatanong.
"Yup!" ang tangi kong sagot.
Tapos biglang nagsalita yung kausap ni kuya Teban."Hi Mae!"
😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱
YOU ARE READING
Magkabilang Mundo
RomanceMasaya at successful na si Zyon Mae Alcantara. Kuntento na rin siya sa buhay niya at sa pagiging single niya. Pero paano kung sa kanyang pag uwi ay may Tao pa lang gusting bumalik?