KATHRYN'S POV
Ang pagiging fangirl parang GLOBE, GO lang ng GO basta para kay Idol.
Ang pagiging fangirl parang BDO - Na "WE FOUND WAYS" ang peg makarating lang sa mga mall shows, concerts, TV guesting, at iba pa ni Idol. Iyong tipong di kakain tuwing recess, maglalakad papapunta at pauwi ng school, magpapalibre sa mga contributions at iba pa, makatipid lang para sa ticket.
Para din itong PAGHINGA - Na bakit ko ititigil kung alam kong DI KO KAYA?
Para din iyang NESCAFE - Na 'Let's make every moment perfect' kapag nakalapit si Idol. Iyong mga pagkakataong todo picture dito, papicture diyan, pose doon, at wacky riyan kahit na marami pang nakapila na magpapapicture sa kanya. Iyon bang walang inaaksayang oras habang kasama siya.
Ang pagibig ng mga fangirls ay parang LANGKA: LANGkatapusan kahit na ano pa mang problema ang dumaan.
At palaging sinasabing: "Kung araw-araw ko ba namang makikita ang pagmumukha ng idol ko, edi sana wala ng malungkot na araw ang dadaan sa BUHAY KO."
Being a fangirl is not easy nor boring.
Being a fangirl is not a bad influence instead it makes us inspired everyday.
And as a fangirl the most precious gift that we can offer is our presence. When mindfulness embraces those Idols we love, they will bloom like the FLOWERS in the shinny morning.
I am Kathryn Bernardo. I am a certified avidfan of DANIEL JOHN FORD PADILLA. There's a lot of people who hate him but I'm here to protect and defend for him. There's a lot of issues to hate him but I'm always here, keeping my promise that I will always love him. No one can stop me, because I love what I'm doing.
_________
Pagkauwi ko agad galing sa school ay nilapag ko iyong bag ko sa couch at nagbihis agad-agad sabay salpak ng puwet ko sa upuan sa harap ng computer.
Tabs: Twitter / Facebook / Wattpad / Tumblr / Soundcloud
---------
Kathryn Bernardo @bernardokath
Goodafternoon! Don't forget the concert of DANIEL PADILLA tomorrow! :D
---------
Binuksan ko muna iyong tab ng Facebook at inopen lahat ng groups at fanpage ni DJ. Lahat din ay di magkanda-ugaga sa concert bukas ni DJ.
Inopen ko iyong soundcloud. Baka kasi may bagong cover na tugtog si Daniel e. :') Kaso wala. Tsss.
Dumiretso na ako sa wattpad at agad pumunta sa profile ko.
Tiningnan ko ang message board ko at BOOM! Sabog sa mga messages ng mga fans at readers ko.
----------
LoveDJ : Ms. Author! Kailan ka po mag-UUD sa Fangirl's Dream mo? Exciting na kasi iyong mangyayari e.
----------
----------
DJFPFTW: Update na po kayo sa Fangirl's Dream. Sobrang nakakarelate po talaga ako sa story niyo.
-----------
-----------
AdikkayDJFP: Ate author! Super ganda po talaga ng story niyong FD. Sana di na matapos iyong story na iyan.
-----------
Binasa ko pa ang ilang comments na puro papuri lang ang sinasabi. Pero may isang comment na umagaw ng atensiyon ko.