Kapitulo Quince

104K 3.6K 613
                                    

Advice

Maria Clarita Sihurano's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maria Clarita Sihurano's

Ibinato ko iyong phone ko sa couch. Inis na inis na naman ako nang umagang iyon. Alas nuebe nang umaga na, pero hanggang ngayon, hindi sinasagot ni Paolo iyong mga texts at tawag ko. Kanina ko pa siya pinapupunta dito sa office ko. Kailangan nandito siya. Kung naiirita ako kapag nandito siya, mas lalong naiirita ako kapag wala siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kung bakit hindi niya masagot – sagot iyong tawag ko.

Nakakabwisit! Sa inis ko ay si Spica na lang ang tinawagan ko.

"Nasaan ka?!" I hissed at her. Iritable talaga ako nitong mga nakaraang araw. Madali akong mainis. Madali rin akong mabwisit. Basta nagsimula noong umaga, buong maghapon na akong irritable.

"Nasa bahay. Bakit mo ba ako sinisigawan?" She asked me.

"Wala si Paolo dito!" I groaned.

"O, baka naman may ginagawang mahalaga iyong tao."

"Mas may mahalaga pa sa paglilihi ko? Kailangan nandito siya dahil gusto ko!" Binabaan ko siya nang phone. Muli kong tinagawan si Paolo pero patay na ang phone niya. Napatayo ako. Nabigla nga kaya feeling ko na-strain iyong tyan ko pero binalewala ko, lumabas ako ng office ko. Pupuntahan ko si Paolo Gago sa bahay! Naiinis akong isipin na nagpapakasarap siya sa kandungan noong Molly na iyon! Alam kong magkasama sila. Habang naglalakad ako, nasalubong ko bigla si Cornelius. He was with his assistant. Wala naman akong balak na pansinin siya kundi lang niya ako tinawag.

"Where are you going, Miss Sihurano?"


"Sa impyerno. Sama ka?" I asked in a sarcastic tone. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. Huminga ako nang malalim at saka nanghingi ng tawad sa kanya. "Sorry, I am just really in a bad mood."

Napatango naman siya. "Would you care for a cup of..." He trailed off. Napatingin kasi siya sa tyan ko. "Anything that a pregnant woman can drink?"

"Tea woul be nice." I said.

"Okay. Tea it is." Ibinigay niya sa assistant niya iyong dala niyang folder at saka niyakag na ako pasakay ng elevator. This is kind of weird dahil na rin kaaway ang turing ko kay Calimbao pero I am about to have tea with him. Paglabad ng elevator ay sinalubong kaagad kami ng mga bodyguards niya. Sumakay kaming dalawa sa kotse niya. Wala naman kaming kibuan habang magkatabi at magkasama. Nakikiramdam lang ako sa kanya.

"So... uhm... where's your boyfriend?" He finally said something.

"Wala akong boyfriend. If you're talking about Paolo, he's just the Gago father of my child." I answered truthfully. "Okay naman iyon sa panahon ngayon diba? Sa totoo lang dapat ikakasal kaming dalawa but I guess that's on hold because Daddy didn't want me to suffer. Okay naman daw sa kanya na buntis lang ako at walang daddy ang baby ko – well may daddy pero hindi kami kasal. Okay lang daw iyon, it would never hurt his reputation. That's what I am really worried about kasi."

In love but I hate itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon