AnswersTwo weeks earlier
Paolo Enrique Arandia's
I woke up at three am without Clarita by my side. I wondered where she is and I really want to find her it's just that I woke up and I realized that I have to do something.
I stood up, took a shower, get dressed and packed some of my things. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa silid na ginagamit ni Spica. I was relieved when I saw Clarita on the bed – asleep. Si Spica ay nakaharap sa laptop niya. She looked at me.
"Ohhh round seven?" She asked me. Napangisi lang ako. "Bihis na bihis ka, Gago ha! Saan ka pupunta?"
"Someplace. Can you do me a favor? Can you please look after here for a while? Say a week or two? Baka kasi mahirapan ako sa gagawin ko." Sabi ko pa sa kanya. Mataman niya akong tiningnan, saka ngumiti.
"Okay. Alam kong babalik ka pero hindi ko sasabihin sa kanya." Napatango na lang ako. Nilapitan ko si Clari at saka hinaplos ang mukha. I gave her a light peck on the lips saka tinitigan muli siya.
"I love you." I whispered to her. I kissed her forehead and her tummy. "Take care of Mom, alright Peanut. H'wag masyadong sisipa, nahihirapan ang Mommy mo."
Nakatingin lang si Spica sa akin. I smiled at her. Hinalikan ko rin siya sa noo saka ako umalis na. Naroon na si Yves sa kotse ko. Nang makasakay ako ay agad ko siyang inutusang paandarin iyon. Habang nasa daan papuntang airport ay tinawagan ko si Molly.
"Paolo, it's four in the morning, what's wrong?"
"I need you to find me a buyer."
"Of what?"
"My house. I need to sell it Molly."
Natahimik siya sa kabilang linya. Maya-maya ay nagsalita siya.
"I wll text you in the morning. I will find someone."
"Yes, please message me on my viber. Thanks, Mols. I love you. How's the biker guy who ruined my house a bit?" I asked.
"MIA. Bye, Paopao. And please whatever you do, be careful."
"I will. I love you."
Nakarating kami ni Yves sa airport. Tinulungan niya akong ibaba ang gamit ko.
"Passport mo?" He asked me.
"Nandito na. Yves, kayo na ni Mama ang bahala sa bahay na pinagagawa ko. Make sure that everything is okay. Sinabi naman ni Architect Sanggalang na within two eeks time patapos na sila. Make sure that everything is in it's place."
"Two weeks talaga? Ganoon katagal?"
"You know how Kairos Vejar gets, right? Swerte na kung dalawang linggo lang iyon. Take care, bro."
Tumalikod na ako at tuluyan nang pumasok sa airport. I am just a chance passenger and I paid a lot of money just to get in tht plane pero sa totoo lang wala naman akong pakialam lalo na at kung pagkatapos nito, maayos ko na ang lahat.
After almost sixteen hours, nakarating ako sa Arizona.
I settled in a hotel first. Natulog muna ako. Kailangan ko noon para maayos kong makausap ang mga dapat kong kausapin.
After almost six hours of sleep, napagpasyahan kong lumabas muna ng hotel. Hinihintay ko ang iyong message ng EA ko para malaman ko kung saan eksakto naroon si Kairos Vejar at ang pamilya niya.
BINABASA MO ANG
In love but I hate it
General FictionGago raw si Paolo Enrique Arandia. Gago raw siya kasi hanggang ngayon, gumagawa siya ng paraan para maagaw ang babaeng mahal niya kahit may asawa at mga anak na ito. Gago raw siya kasi hindi siya maka- move on sa pagmamahal niya para sa babaeng iyon...