SatisfiedPaolo Enrique Arandia's
"What happened to the girl, Paolo?"
Clarita is now sleeping inside one of the guest rooms in this house. Balak ko sanang mag-stay lang doon sa kanya para mabantayan siya dahil partly, kasalanan ko kung bakit siya nabaril. Hindi ko naman talaga inaasahan na babarilin nila kami, noon ko naisip na talagang seryoso ang problemang pinasok ko. Hindi ko dapat ginawa iyon. Wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko.
"You wrecked the boundary, Paolo." Sabi pa ni Uncle Paeng. He is my father's brother. Siya ang namamahala dito sa hacienda ng buong pamilya naming. "Anong ipapaliwanag ko sa taga – kabilang lupain?"
"I'm sorry, Uncle. But I was desperate. I need to get here in time kundi baka mamaya maubusan ng dugo iyong pasahero ko."
"That is exactly what I am asking you. Anong nangyari sa pasahero mo?" He asked again. Lalong hindi ako nakasagot. "Bakit siya nabaril? Mabuti at nandito si Mona, kaya niyang tanggalin ang bala. Iyong pinsan mong iyon, kung pinagpatuloy niya lang ang pagdo-doktor." There was a hint of sadness in my Uncle's voice. Ako naman ay iniisip ko pa kung sasabihin ko sa kanya kung anong nangyari kay Clarita but then, he's my Uncle, kakampi ko siya kaya sasabihin ko na rin.
"Hinahabol ako ng mga tao ni Senator Sihurano at ni Secretary Rojas." Paliwanag ko. "Even Kairos Vejar's men are after me."
"And why is that?"
I took a deep breath. I will be getting the beating that I don't need after this but hell, I need help. Ngayon ko naiisip na hindi safe ang buhay ko. I need a shelter at si Uncle ang makapagbibigay sa akin niyon.
"I almost raped Mariake Rojas. I swear Uncle, hindi ko naman po sinasadya. Lasi ako – that's not enough reason but I didn't know what exactly happened, I just wanted to talk to her and make her remember that she loves me—"
Napansin kong pinindot ni Uncle Paeng ang intercom at saka siya nagsalita.
"Mona, papuntahin mo dito ang Kuya Sabelo mo." Wika ni Uncle. Kumunot ang noo ko pero hindi naman ako nagtanong, hindi naman nagtagal ay dumating nga ang pinsan ko.
"Yes, Pa? Oy, Paolo." Bati niya sa akin. Sabelo is Uncle Paeng's second child. Ang buong akala ko nasa Australia siya ngayon. May maliit na farm kasi siya roon kaya doon na siya namamalagi, siguro umuwi siya para magbakasyon.
"Magkasing edad kayo ni Paolo, anak. Pakibigyan mo ng isa. You know that I am having a hard time punching worthless people." Wika pa ni Uncle. Ngumisi lang sa akin si Sabelo saka ako biglang sinapak. Nalaglag ako sa kinauupuan ko.
"Tapos na, Pa? Balik na ako, nagalaro kami ni Crisanto." Tukoy niya sa kakambal niya. I just looked at Uncle Paeng. He doesn't look pleased. Itinayo ko ang sarili ko saka ako bumalik sa kinauupuan ko kanina.
"Your father talked to me and Lemuel about your obsession with Kairos Vejar's wife---"
"I am not obsessed!"
"You are! Hindi na simpleng pagmamahal iyan, Paolo! You are destroying yourself!"
"I am just trying to get the girl I love back!"
"Then it's not working so just stop!" Singhal niya sa akin. Nagkatitigan kami ni Uncle. Bigla ay may naalala ako.
"Ikaw, Uncle, didn't you try getting back the girl you lost?"
It was his turn para matigilan.
"I did, Paolo pero walang magandang kinalabasan iyon. Maraming nasaktan, may mga nasirang relasyon. Doon ko na-realize, na ang mali ay mali, kahit anong gawin, hindi ito magiging tama. Kaya tigilan mo, Paolo. I am calling your dad. He needs to know that you're here."
BINABASA MO ANG
In love but I hate it
BeletrieGago raw si Paolo Enrique Arandia. Gago raw siya kasi hanggang ngayon, gumagawa siya ng paraan para maagaw ang babaeng mahal niya kahit may asawa at mga anak na ito. Gago raw siya kasi hindi siya maka- move on sa pagmamahal niya para sa babaeng iyon...