Kabanata 1

89 1 0
                                    

Napakatirik ng araw. Halos pagpawisan ang buong katawan ko sa pagbubuhat ng dalawang timba "Kainis naman oh dapat si Kuya nalang yung pinagawa nito nag-dadahilan pa kasi para di mautusan!"

Speaking of Kuya ay nabuhayan ako ng makita siyang naglalakad palapit sa akin. Sana naman ay tulungan niya ako rito hirap na hirap nako eh
"Hoy bruhilda, mamaya papakainin mo yung mga baboy ha."
bigla naman akong nadismaya. Akala ko pa naman tutulungan niya ako. Ang masaklap pa dun ay nilagpasan niya lang ako. Walang hiya.

"Hoy! di mo ba ako nakikita ha?" irita kong tanong "Anong tingin mo sa akin bulag? Kung di kita nakita edi hindi na kita kinausap" depensa pa niya

"Kuya naman di mo ba ako tutulungan dito. Ang bigat kasi, di ko na kayang buhatin."

Tiningnan niya lang ako at tinalikuran. Ang angas talaga ng lalaking toh porket siya yung nakakatanda gaganituhin niya na'ko. Aba! nagkakamali siya humanda ka ngayon sa gagawin ko.

Kinuha ko yung tabo at nilagyan ko ng tubig mula sa timba na pinag-igiban ko at ibinuhos ito sa kanya.
"Buti nga sayo!" sabi ko pa at binelatan siya.
"Aishh. Kebago-bago ko palang nagbihis" inis niyang sabi
Bubuhusan na sana ako ng tubig ni Kuya pero agad naman akong nakailag at sa di inaasahang pagkakataon ay nabuhusan niya si Lola Amelia na kararating lang.

Napatingin ako kay Kuya na hanggang ngayon ay gulat parin sa nangyari.

"Santisima, ano ba namang kalokohan to?!"

"Ummm... Lola ano po....kasi.....yung ano.....yung..." ughh ba't di ako makapagsalita ng maayos

"Si Estelle po yung may kasalan" sabay turo sa akin
Hala. Akala ko pa naman ipagtatanggol ako ng mokong nato. Psh malamang, gusto niya na pinapagalitan ako.

"Tingnan niyo naman po yung t-shirt ko binuhusan niya, eh wala naman po akong ginawa" dagdag niya pa
Aba ang OA naman neto.
"Ano ba naman yan di na kayo mga bata. Hindi man lang ba kayo nagtanda?!nakapamewang niyang sabi
"Lola hindi ko naman po sinasadya." sinabi kong nakayuko
Napabuntonghininga at umiling nalang si Lola Amelia.

• • •

Jusko naman po. Ilang minuto lang kaming nakaluhod dito sa monggo ang sakit sakit na ng mga tuhod ko.Nangangalay na rin ang dalawang kamay ko sa pagbuhat ng dalawang libro na nakapatong.

"Psst. Kuya buhay kapa ba riyan?" mahina kong sabi

Tiningnan niya lang ako ng masama. Well, okay lang naman sakin na kaming dalawa ang pinagawa nito kaysa naman AKO LANG. Pagtatawanan pa ako ng mokong na to kung nagkataon. Wala na kaming kawala rito eh pano ba naman nasa harapan namin ngayon si Lola na nagbabasa ng libro.

Nangangalay na ang mga braso ko kaya napapikit nalang ako para mainda ito....nang biglang "poooooot" kaagad kong iminulat ang aking mga mata  sa tunog na narinig ko at ngumisi naman ng bahagya si kuya at mga ilang sandali pa ay nakaamoy nako ng di maganda "Kuya?! ang baho ng utot mo! Kadiri" bigla kong naibagsak ang mga libro sa sahig
"HAHAHAHAHAH" may gana pang tumawa ang mokong nato juskooo ang baho hindi ata siya tumae yung amoy nakamamatay

Mga ilang sandali pa ay naalala ko na nasa harap lang pala namin si lola Amelia tiningnan ko ang mga libro na nakalatag lang sa sahig pati na rin kay kuya at dun ko nalang napagtanto na pareho naming nahulog ang mga libro na pasan namin kanina.
"Lagot na" mahina kong sabi dahilan para tumigil si kuya sa kakatawa at dun niya lang din napansin yung mga libro sa sahig.

Tumingin si lola sa kinaroroonan namin at napatawa sa nangyari na siyang bumasag sa katahimikan. Hoo! kala ko pa naman pagalitan ulit kami tumawa nalang ako ng pilit baka naman itigil niya na yung parusa samin. Sana lang talaga.

"Hayy naku Bryce hindi ka parin nagbabago" nakangisi niyang sabi
"Sooo tapos na po ba parusa namin???" mabuti naman at natanong ni kuya ayoko na talagang lumuhod sa monggo ang sakit na

*cross fingers****

"Iligpit niyo na ang mga libro at monggo. Bryce, magbawas ka rin minsan ha. Makamandag ang amoy ng utot mo" natawa nalang ako sa huling sinabi ni lola nag-inat na ako at tsaka na tumayo
"Hay salamat" sabi ni kuya habang pinapagpag ang mga tuhod
"Huwag kaagad mag-saya pinatigil ko lang kayo hindi ko pa sinabing tapos na ang parusa kailangan niyo pang paliguan ang mga baboy"
Okay na sana eh. Hayssss
"Punta muna ako sa palengke at dapat pagbalik ko malinis na." ma-awtoridad na sabi ni lola

Masama akong tiningnan ni kuya  tinaasan ko nalang siya ng kilay. Kung tinulungan mo sana ako kanina di mangyayari lahat ng toh.

"Kuya pano yan? Umaambon na oh"
"So?"
"Anong so? Omg! nakalabas yung isang biik" naku naku mahihirapan ata ako neto pano ba naman maputik tsaka yokong madumihan😟
"Jusko naman Elle ang bagal mo" waw may gana pa siyang sabihin sakin yan ha
"IMBIS NA MAGREKLAMO KA TULUNGAN MO KAYA AKO RITO" goshh kung saan-saan nalang ako napadpad kakahabol lang sa biik nato

Mga ilang sandali pa ay nahuli ko ang biik pero agad ko naman itong nabitawan dahil ang ingay. Ughh wala naman akong alam dito eh. Saan ba si kuya dapat tulungan niya ako rito.

"Elle tabi!" tumabi kaagad ako sa gilid nasa likuran ko lang pala siya
"Huli ka" pagtingin ko sa kanya buhat niya na yung baboy na hawak ko kanina buti naman may silbi pa pala ang mokong nato.

Paglagay ni kuya sa biik sa kulungan ay bigla naman kaming nagulat na isa nalang yung meron  sa loob na apat dapat silang lahat. Nagtinginan naman kaming dalawa na para bang nag-uusap ang mga mata namin na kailangan na naman naming hulihin ang tatlo pang mga biik.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naibalik na namin yung mga biik sa kulungan at nalinisan narin yung lungga nila. Mabuti naman at natapos na. Marumi narin tong suot ko kaya sakto lang na maliligo na ako.


Kinabukasan, nagising ako ng may kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa'kin si Iris ang batang alalay ni lola "Magandang umaga po ate Elle" masaya niyang bati sa akin

"Anong maganda sa umaga? Matutulog pa sana ako eh" kinukusot ko pa ang aking mga mata na halatang pagod dahil sa mga pinagawa ni lola sa amin kahapon.

"Hehe pasensiya na kung naistorbo ko ang iyong tulog. Pinapasabi sa'kin ni Lola Amelia na mag almusal na raw po kayo sa baba" agad naman niyang sinara ang pinto at umalis. Pagkasara niya ng pinto ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin mula ulo hanggang paa.

Napakalosyang kong tingnan bahala na. Normal lang naman talaga na ganito itsura kapag bagong gising maghilamos muna ako at magsipilyo.

Pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko sila Kuya at lola na kumakain na ng almusal

"Morning!" masigla kong bati

"Apo, kumain ka na rito at may pupuntahan pa tayo"

"Saan po tayo pupunta?" umupo na ako at kinuha ang kanin na iniabot ni lola sakin at ininom ang mainit na gatas

"Baka nakalimutan mo ata na linggo ngayon" sabi ni Kuya at pagkatapos ay kumain na

"Bilisan mo ng kainin yan. Maliligo at mag-aayos ka pa. Ayokong mahuli tayo sa unang misa" aniya ni lola

Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon