Kabanata 7

13 1 0
                                    

"Si Seven yung isa sa mga sumali kanina...Si Seven yung isa sa mga sumali kanina...Si Seven yung isa sa mga sumali kanina"
'Mula pa kahapon ang mga salitang yan ay hindi parin maalis-alis sa isipan ko bigla nalang akong natauhan nang humalakhak si Anna na kaharap ko lang ngayon
"HAHAHA nung nasa backstage kami hindi talaga namin inexpect na siya pala yung isa sa mga sumali. Kung nakita mo lang yung mukha ni Estelle parang nakakita ng multo."

"Anna! Huwag mo ng sabihin sa kanya"

"Nasabi ko na eh. Tsaka wala namang masama dun kung gusto mo siya diba?" panunukso niyang sabi at kinain ang panghuling chichirya

Napatingin si Kuya sakin at nagsalita "Na turn-off ka?"

"Hindi ah! wala namang problema sakin na sumali siya kahit magsuot pa yan ng pambabaeng damit o kung ano-ano and besides hindi ko siya gusto" depensa ko

"Nagtatanong lang naman ako.. eto oh palamig ka muna" agad niya akong inabutan ng isang chocolate ice cream at kinuha ko naman ito sa kanya. Alam niya kasi na ito lang ang nagpapakalma sakin sa tuwing naiinis ako.

"Hay nako Estelle huwag mo ng ideny obvious naman na gusto mo siya. Kung makatitig ka..ang wagas."  tinaasan ko nalang ng kilay si Anna. Binaling ko nalang ang atensiyon ko sa pag ubos ng ice cream baka ma hot seat pa ko neto eh.

Paglipas ng ilang minuto ay binasag ni kuya ang katahimikan "Gusto niyo bang maligo?" kaagad ko naman siyang pinaningkitan ano ba namang klaseng tanong yan?

"For your information tapos na akong naligo at tsaka.....hindi ako mabaho ah" sambit ni Anna habang inaamoy ang t-shirt niya at tumingin sakin
"Oh? Bakit? Naligo kaya ako" depensa kong sabi

Napakamot si kuya sa kanyang ulo at nakangiting nagsalita "Ang ibig kong sabihin.. gusto niyo bang pumunta sa beach presko kasi ang hangin dun"

"Ang layo naman ata dun sa sinabi mo kanina. Kung gusto niyong pumunta gora lang ako. Oh ano g?" bigla na namang tumahimik ang paligid, ang mga mata lang namin ang tanging nag-uusap at nagsisingitian kaming tatlo


Isa-isa kong inayos ang tuwalya, sunscreen at extra na damit sa bag ko nang biglang sumigaw si kuya mula sa labas  "Estelle halika na!" bumababa na kaagad ako para puntahan sila. Pagdating ko ay nakaparada ang isang berdeng multicab
"Soo... sinong mag d-drive niyan?" tanong ko sa kanila
"Ako" masiglang sabi ni Anna. Bumuntong hininga siya nang makita niya ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko naman alam na may alam pala siya sa pagmamaneho noh.
"Huwag kang mag-alala pro na ko rito. Pramis makakarating tayo dun ng ligtas kaya sumakay ka na"

"Sure kaba?" pag-aalinlangan kong tanong

"Iiwan ka namin dito kung ayaw mo"

"Oo na sasakay na. Madali lang naman akong kausap"

Medyo kinabahan ako nang inandar na ni Anna ang  sasakyan pero di kalaunan ay naging komportable naman ako sa buong biyahe. Kanina lang nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay at ngayon biglaang trip papunta sa beach at speaking of beach ay natatanaw ko na ang mala paraisong ganda nito. Nang pagbaba ko sa sasakyan ay kaagad akong umupo sa puting buhangin at dinama ang sariwang hangin. Napakaganda ng dagat lalong-lalo na kumikinang ito sa mainit na araw. May iilang mga bata akong nakikita na gumagawa ng sandcastle kaya gumawa rin ako dito sa puwesto ko. Habang abala ako rito sa ginagawa ko ay agad namang tumakbo si kuya at nagtampisaw sa dagat.

"Elle nilagay ko na yung mga bag natin dun sa cottage ha baka hanapin mo mamaya" pumunta si Anna sa harapan ko at tsaka tinulungan ako sa paggawa ng castle

Nakapamewang pa siya at taas baba niyang tiningnan ito "Parang may kulang. Teka, lagyan natin yan ng mga shells" giit niya pa at tsaka na nilagyan ng mga designs sa harap. Mga ilang sandali pa ay natapos na namin itong buuin at pumalakpak pa kaming dalawa sa tuwa.

"Kuya halika rito dali!" agad naman siyang umahon at lumapit samin

"Anong masasabi mo sa sandcastle namin?"

"Okay lang" tipid niyang sagot

"Anong okay lang? Nilagyan pa namin toh ng mga designs. Maganda kaya"

"Alam niyo... may mas igaganda pa niyan"

"Ano?" interesadong tanong ni Anna

Bigla nalang hinigaan ni kuya ang sandcastle namin at agad siyang tumakbo kaya sinubukan namin siyang habulin

"Oi ba't mo yun ginawa? walang hiya! Lagot ka talaga sakin kapag mahuli kita!" sigaw ni Anna

"Kuyaaaaa!!!"

Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon