Kabanata 3

26 1 0
                                    

Pagkauwi namin ay nagtataka kami sa sasakyang nakaparada sa labas ng bahay ni lola

"Kanino naman kaya toh? May bisita ba?" aniya ni Anna

Binuksan ng may-ari ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakatitig lang kami sa kung sino ang ba-baba at hindi ko inasahan na si kuya Bryce lang pala, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa

"Tsk tsk tsk .... Estelle Jane bakit basa yang buhok mo ha? San ba kayo pumunta?"

"Kailan kapa naging pakealamero ha? lumabas lang naman kami gaya ng sinabi mo"

Sumingit naman si Anna "Maiba nga ang usapan.... san mo naman nakuha yang sasakyan na yan Bryce? "

"Maganda ba?"

"Yung sasakyan oo pero ikaw? hindi" napatawa nalang si Anna sa sinabi ko

"Talaga? kahit anong panlalait mo sakin di na kakagat sakin yan alam ko naman sa sarili ko na gwapo talaga ako. Pinagpala nga eh kaya niregalo sakin tong sasakyan" wawex kapal naman ng mukha at kailan pa siya niregaluhan ng sasakyan aber? lakas rin ng trip. Sa pagkakaalam ko yan yung bagong sasakyang bili ni papa.

"Andito sila papa kararating lang" sinabihan naman ako ni kuya na nasa hardin daw sila at kausap si lola Amelia kaya iniwan ko muna sila Kuya at Anna na nag-uusap

Dali-dali akong pumunta sa hardin nang narinig ko silang dalawa na nag-uusap kaya hindi muna ako lumapit sa kanila "Ma, kailangan mong magpakatatag" sabi ni papa kay lola
Ano kaya ang ibig niyang sabihin? may nangyari ba?

"Andito lang ho kami" sabi naman ni mama habang pinapakalma si lola

Hindi ko na napigilang magtaka kaya nung umiiyak na si lola ay lumapit na ako sa kanila. Nagmano ako kay papa at mama. Nilapitan ko naman si lola "La ano po bang nangyari?"

"Ang lolo Felix mo"
"Ano pong nangyari sa kanya?" hindi na makapagsalita ng maayos si lola kaya si papa nalang ang sumagot
"Wala na siya. Dead on arrival." nakayuko niyang sabi at bahagyang pinunasan ang kanyang luha na kanina niya pang kinikimkim

Masakit man sa kalooban pero wala na kaming magagawa. Wala na siya.



Andito kami sa bahay ni lolo Felix nakaupo lang ako sa sala na kung saan nakalagay ang kanyang kabaong. Habang pinagmamasdan ko ang litrato ni lolo ay narinig ko ang usapan nila tita Cericia ang panganay na anak ni lolo Felix.

"Nung nasa loob na kami ng ambulans- " nagsimula na naman siyang umiyak at napatigil sa kanyang sasabihin.

Hinagod naman ni kuya ang likod ni tita para pakalmahin siya. Kahit pulang-pula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak ay nagawa niya paring tapusin ang kanyang sasabihin
"Ang huli niyang sinabi sakin ay iligtas daw ang dalawang bata. Hindi ko naman alam kung ano yung tinutukoy niya"

"Baka gusto niya pong ipahiwatig na alagaan niyo ng mabuti ang mga anak ninyo" usal naman ni kuya

Habang hawak-hawak ni lola Amelia ang litrato ni lolo Felix ay umupo siya sa tabi ko at nagsalita
"Alam mo nung mga bata pa kami napakabait ng lolo mo kahit tumanda na wala paring nagbabago sa kanya. Ako naman pati si ate Remilda ay parating pinapalo ng tatay eh pano ba naman parati kaming nagbabangayan dati. " nakangiti niyang sabi at pinunasan ang kanyang luha

Tatlo silang magkakapatid nina lola Amelia. Sina lola Remilda na panganay, lolo Felix at si lola Amelia na bunso sa pamilya.

Pagkalipas ng siyam na araw ay nailibing na si lolo Wilbur marami rin ang nagsidatingang kamag-anak galing pa sa iba't-ibang lugar. Buong araw lang kaming tahimik at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

                   •            •             •

Bumisita kami sa bahay nina lolo Felix at pagkarating doon ay nakita namin ang asawa niyang si lola Delia na kinuha ang isang sungay ng usa na nakasabit sa dingding ng sala.

"La, magandang araw po. " panimula ni kuya at nagmano kaming dalawa sa kanya
"Magandang araw din sa inyong dalawa  pasensiya na at abalang-abala ako rito sa mga gamit ng lolo Felix niyo" kahit nakangiti si lola ay halata parin sa kanyang mga mata ang lungkot

"Umm La san niyo po ba yan ilalagay?" turo ni kuya sa sungay
"Ahh ito? Itatago ko nalang sa bodega."

"Puwede po bang akin nalang? Sayang naman po niyan gusto ko pong idisplay sa kuwarto ko"

"Oo naman" walang alinlangan niyang sabi
" at tsaka mag miryenda muna kayo rito dun muna kayo sa hardin umupo."
Ngumiti naman kami ni kuya bilang pagsang-ayon sa sinabi niya

Inilapag na ni lola Delia ang dalawang turon at isang ube halaya na may kasamang pomelo juice

"La, may langka po ba rito sa turon niyo?" tanong ni kuya at pagkatapos ay uminom na ng juice
"Meron. Hindi ka ba kumakain niyan?"

"Ahh mahilig po kasi si kuya sa langka" tiningnan ko si kuya na masarap na kumakain. Ang baboy talaga ng lalakeng toh hindi man lang ako tinirhan ng turon "Kuya inubos mo na yung turon. Wala na akong makain niyan"

"Gutom ako eh. " tinaasan ko siya ng kilay
"Hindi ka ba naawa sa kapatid mo?" sinubukan ko talagang magmakaawa sa harap niya pero patuloy parin siya sa kanyang kinakain

"La puwede po bang makihingi pa ng turon?"

"Oh sige kukuha pa ako ng turon sa kusina. Mukhang wala talaga atang plano kuya mo na bigyan ka" nakangiti niyang sabi at umalis na

"Ew hindi ka man lang ba nahiya Elle? Nakikikain ka lang napaka demanding mo pa"

"Hiyang-hiya naman ako sayo kuya. Sino bang hindi nagbigay ng turon at kaagad nalang inubos? Diba ikaw? So malamang hihingi ako ng turon kay lola dahil hindi pa ako nakakain. Madamot ka!"

"Asus nagpuputak na naman ang manok. Ang bagal mo kasi."

"Panget mo!"
"Panget ka rin"

Back In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon