Cute POV
Isang linggo na din ang nakalipas simula nung dumating sila ni Lovely at ngayon kaylangan na nilang umuwi kasi may pasok pa raw siya.May tumapik sa likod ko at pagharap ko si Lovely lang pala.
"Ito oh para sayo." Saad niya sabay abot nung cute na singsing.
"Para saan naman to?"kunot noo kung tanong.
"Remembrance lang,dimo ba nagustuhan?" Sagot niya with matching sad face pa.
Ibabalik niya na sana yun sa bulsa niya kaya Hinablot ko na agad.
"Akin na nga yan,salamat!" Pagpapasalamat ko.
"Pahingi ng cellphone number mo para matawagan kita!"saad niya
"So may kapalit pala tong singsing nato.?" Tanong ko sabay wagayway ng singsing
"Hindi sa ganon,gusto ko lang na maka txt at maka tawag ka at isa pa wala namang masama dun.Unless nilalagyan mo ng Malaysia?" Napaisip ako. Tama naman siya.
"Oh eto,kunin mo!" Sabi ko sabay abot sa kaniya ng cellphone."Basta magpakilala ka agad at dapat libre mo ako ng load mamaya o bukas." Dagdag ko pa
"Oo Cute! Kahit ako na mag papaload sayo araw-araw." Sagot niya with matching kindat pa.
"Edi maganda para maka save ako?" Pagtataray ko.
"Kaylan kayo babalik?" Out of nowhere kong sagot.
"Diko pa alam,bakit? Mamimiss mo ko nuh?" Pang aasar niya sabay kindat.
Uuwi na nga lang,nang aasar pa."Che! Miss mo mukha mo!" Sigaw ko at nag walk.
Natatameme talaga ako pag siya na yong kaharap ko. Nakakainis! Pero hindi bale may maganda pa rin siyang side yung hindi kuripot.Libre na ang pang load ko,ganun na ba niya talaga ako ka gusto??
Wait! I am saying bad? OMG! So nag eexpect ako?
"Ano bang nangyayari sa akin? Hindi pwedeng mainlove ako sa kanya kasi pareho kami ng kasarian at ang malala pa mag pinsan kami." Bulong ko sa sarili ko.
Mababaliw na ata ako nito.
Nandito ako ngayon sa school at kanina pa ako tinatadtad ng tanong ni BFF at ang malala,lahat ng tanong niya ay tungkol kay lovely,nahihibang na ba siya.
Kesyo baka daw mainlove ako sa pinsan ko,paano na daw pag umuwi si papa papagalitan niya ako,at si ate ko daw baka kamuhian ako.Hayst."Tama na nga yan BFF,nakakairita din pala yang bunganga mo!" Eh sa naiirita na ako eh para kasing lahat ng sinasabi niya nakakasakit para bang dumudugo yung puso ko. Hahahaha OA ko talaga.
Maya-maya,pumasok na rin si sir.Yung terror na teacher namin sa Filipino.
"Magandang umaga class" .Tanong lang sir,anong maganda sa umaga? Tsk'-
Tumayo naman kaming lahat at binati siya.Nagsimula ng maglecture si sir tungkol sa matatalinghagang salita.
"Laging tatandaan na ang mga matatalinghagang salita ay ang mga salitang nakatago sa likod ang kahulugan,blah blah blah blah."
Lumulutang na ang isip ko.Tsk! Gusto ko ng umuwi.
Naalala ko tuloy si Lovely,yung pilosopo at makulit kong pinsan.I wish na magka schoolmate kami.Ang layo naman kasi ng school niya sa Laguna pa.
Naiimagine ko pa lang na magkasama kami dito sa Aqua University siguro magiging exciting ang bawat araw ko at hindi ako ma bobored.
Napabalik ako sa Realidad ng sigawan ako ni sir.
"Ms. Cute? Are you listening?"
"Yes-s,s-sir!"nauutal na ako sa kaba itong mga kaklase ko naman tawa lang ng tawa.
"Ano ang matalinghagang salita?" Simpleng tanong niya.
Tumahimik naman lahat ng kaklase ko,hinihintay kung ano ang sasabihin ko.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot."Matalinghagang salita ito ay mga salitang nakatago ang kahulad,halimbawa: May balat sa pwet ba ang ibig sabihin ay MALAS."
"Very good,Ms. Cute! Yan ang gustong-gusto ko sa isang estudyante." Commento niya sabay palakpak at lahat na din ng kaklase ko sumabay na din.
(FAST FORWARD)
Nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan ni BFF sa Cafeteria.Sobrang boring ng University nato ang makikita mo lang dito mga nagbabasa ng libro sa may hallway,sa canteen at mga nag dadate sa mga punong kahoy.Bawal kasi dito ang cellphone at iba pang gadgets kasi nakakadistract lang daw yun sa pag aaral.Hayst sana yung mga pag dadate ng mga lovers ang binabawalan nila. Kaloka sila.Paano naman kaming mga single?
"Ang KJ naman ng school natin beshy." Sabay naming sabi.
Natawa na lang kami pareho.(Fastforward ulit)
Uwian na at nandito na ako sa bahay wala na akong takdang aralin kaya pwede na akong gumamit ng cellphone,pag open ko 49 missed calls at 35 messages. OMG! Tinignan ko kung sino? Si Lovely lang pala.
HUWAAAT? LOVELY?
Lahat ng missed calls kay Lovely galing.
Don't tell me pati messages sa kanya galing.Pag open ko ng inbox ko,sa kanya nga.
"Hai crush"
"Kain kana"
"Pansinin mo naman ako oh"
"Reply naman o"
"Crush,bakit dimo sinasagot tawag ko?"Hindi ko na binasa pa ang iba,paulit ulit lng din naman.
DINGDONG DINGDONG
Dalidali akong lumabas at binuksan ang gate si yaya pala.
"Hai yaya" bungad ko sa kanya sabay yakap.
"Hello baby,kumuzta ka? Nasaan si ate Mae mo?" Tanong niya.Hindi pa ako kumakawala sa yakap namin,namimiss ko talaga siya 2 months din siyang wala dito.
"Okay lang po yaya,si Ate po nandoon sa Beauty parlor niya."
Sagot ko habang inaalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya."Pasok na po tayo,yaya."aya ko.
"Nasaan ang daddy mo baby?"
"Nasa New York po siya,inaasikaso niya po yung business namin doon."
"Kaylan uwi niya baby?"
"Yaya,wag na po niyo akong tawaging baby,Cute na lang po.Hindi na ako bata eh" sabay puot lips pa.
[Now playing: Chasing pavements by Adele] ringtone ko.
"May tumatawag ata sayo,baby"
"Sandali lang yaya hah." Dalidali akong pumunta sa kwarto ko at sinagot ang tawag sa phone.
"Hello!"
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Cousin (GxG)
RomanceAng story na ito ay tungkol sa mag pinsan na nag iibigan,sabihin na lang natin na may Babaeng nainlove sa kapwa nya babae at sa kasamaang palad pinsan niya pa,tinatawag din ito kadalasan na "Unexpected Love". Girl to Girl story (GxG) po ito at may m...