Three

4.6K 20 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Eto nga't mag-iisang taon na kami ni Laryx.



Kung seswertihin ka nga naman oo, yung matagal ko nang pangarap ay abot kamay ko na ngayon. Pwedeng pwede ko nang akinin ang lalaking ito dahil may karapatan na ko!



Oh how I love this feeling.


Nakatingin ako sa kanya habang nagdadrive siya ng kotse. Kotse ko ang dala namin, papunta kami ngayon sa Baler dahil dun icelebrate ang 1st anniversary namin.



"What?" Nakangiti niyang tanong sakin.



Ngumiti din ako sa kanya. Di ko mapigilan e. Ang yummy naman kasi tapos ngingiti pa! I'm melting!



"Wala! I just realized how happy I am with you." I'm so lucky to be with you. Jusko!



Iniligtas ko ba ang bansa nung nakaraan kong buhay para mapasaakin ang lalaking to?



I just can't believe the feeling. Feeling ko isang buong taon akong nanaginip!



Ganito pala ang feeling kapag yung taong matagal mo nang hinihiling at ipinagdadasal ay nasa piling mo na.




"I'm more lucky to have you babe. Sino lang ba ko kumpara sayo. Dukha lang ako e" pabiro niyang sabi na may halong pait na nakaguhit sa kanyang mga labi.




Di naman totoong dukha sila Laryx. Actually, medyo above middle class naman ang family nila ngunit kung ikocompare kasi sa pamumuhay namin na nasa high class ay may kalayuan ang agwat namin.




Maliit lang kasi ang business ng parents niya na balang araw ay balak niya na ding manahin upang siya ang magpatakbo. Nag iisang anak kasi ang baby ko.




Marami siyang pangarap para sa business nila. Balak niya itong palaguin at palakihin. Di naman malabong mangyari yun dahil masipag at matiyaga si Laryx, nangunguna din siya sa eskwela.



"Baby please. Not again! Di ka dukha. Alam nating dalawa yun." Napatingin ako ng masama sa kanya.



Minsan kasi ay nakita niya na kausap ko si mommy sa skype at sakto naman ang pagkakasabi niya na 'Wag kang tutulad sa mga kaibigan ng kuya mo na puro nga dukha!' Nasa Estados Unidos kasi ang parents ko upang ihandle ang branch ng business namin doon.



"I bet, your mom won't like me pag nameet niya ko. Kaya I just want it to be secret from everyone. I'm sorry. Di kita maipagmayabang sa ibang tao kasi naman baka malaman ng mommy mo at ilayo ka niya sakin." Malungkot siya habang binabanggit iyon.



Yes, we are in a secret relationship. Close friends ko at family niya lang ang may alam na may relasyon kami.


Even my kuya doesn't know about us!



Mahirap na baka madulas kay mommy.


"Aww. It's okay. Feeling ko naman love mo ko e." Kiniss ko siya sa pisngi ay hinug ko siya habang nasa passenger seat ako.




"Anong feeling? Love talaga kita!"



"Of course you are! Ipapa-assasinate kita pag hindi!" Biro ko



Napalunok siya ng mariin. At butil butil ang naging pawis niya sa noo. Alam niya kasing kaya kong gawin yon sa pitik lang ng aking mga kamay.



"Alam mo namang mahal na mahal kita! Diba feeling mo nga?" Kabado niyang sagot.




"Wag mo namang gawin sakin yon! Kawawa naman parents ko babe." Natawa nalang ako sa kanya. Di ko alam kung naniwala ba siya or nakisakay lang siya sa trip ko.




InseparableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon