JIA
"Jia!!"
Walang humpay na pagkatok sa aking pintuan ang maririnig sa buong kabahayan, samahan mo pa ang napakatinis na sigaw ni Manang Cedes sa aking pintuan."What manang? Let me sleep!" Antok na antok pa ko dahil anong oras na kong nakatulog kakababad sa internet at kakanood ng Kdrama.
"Naku bata ka! Bumangon ka na. Alas dose na ng tanghali!"
Patuloy pa din siya sa pagsigaw ngunit ayoko pa ding bumangon.
"Sge ka, di mo maabutan si Papa Laryx. Ang hot pa naman niya habang nagbabasket ball hihihi" bulong niya sa pintuan
Napabalikwas ako ng bangon at padaskol na binuksan ang pinto.
'BLAGGG!' Malakas na tunog na tila ba may bumagsak na kung ano sa sahig. Tiningnan ko kung ano yun.
Si Manang Cedes!
"Aray ko! Ang aking balakang! Deputris kang bata ka!" Daing niya habang nakahiga sa sahig at hinihimas ang balakang.
"Ay sorry manang. Wag kang haharang harang sa pinto sa susunod ha? Asan na ang Laryx ko? Nagbobola pa ba?" Oo laryx ko dahil balang araw ay mapapasakin na din siya.
Pero sa ngayon ay ok lang na di niya pa napapansin ang alindog ko.
"Silipin mo diyan sa veranda." Tinulungan ko siyang tumayo. "Ang macho niya juskooo. Napapatulo nga ang laway ko habang pinapanood siya! Ang hawwwttt! Ilab et!" Gigil na bigkas pa ni Manang cedes.
Tiningnan ko siya ng masama habang ang kamay niya ay hawak ko pa din gawa ng pagtulong ko sa kanya sa pagtayo.
Ang matanda talaga na to. Uugod ugod na ay lumalandi pa. Di pwede to, akin lang si Laryx.
Pinilit kong magtimpi dahil kahit papano ay may galang pa din naman ako sa matatanda.
Sabay kaming napasilip sa pinto sa veranda at tinignan si Laryx habang basang basa ng pawis gawa ng paglalaro ng basketball.
NAPAKAGWAPO!
Kahit na pawisan ang kanyang buong katawan. Hinubad niya na ang tshirt niyang pawisan na lalong nagpanganga at nagpatulo sa laway ko.
Omg he's so....
"HOT" pagsasatinig ni manang na dapat ay sasabihin ko na. Napatingin ulit ako ng masama kay manang. Aba't ang matanda ay nakakagat pa sa mga kuko niya at parang nanggigigil. Putris!
Umatras ako ng konti at naiwan si Manang Cedes na nakadungaw sa bintana na nakalawit ang ulo. May naisip ako. Unti unti akong lumapit, hinawakan ang doorknob at hinila.
INIPIT KO SI MANANG!
"Ay deputris! Jiaaaaaaaaaaa!"
_____________________
Mabilis akong naligo at nagbihis. Patakbo akong bumaba ng hagdan at kung suswertihin ka nga naman. Nalaglag ako sa hagdanan at gumulong ako. Buti nalang at tatlong baitang na lang ang natitira bago ako mahulog.
'Ayan kasi! Kalandian mo Jia Trixie literal na na-fall kang bata ka' bulong ko sa sarili.
Hinimas ko ang ulo ko at ang aking pwetan habang unti unting tumatayo.
Nakita ko ni manang Cedes at nahuli ko siyang tumatawa habang hinihimas ang leeg.
"Biruin mo nga naman. Ang bilis ng karma HA HA HA" sarkastiko niyang bigkas habang nagvavacuum.
Di ko nalang siya pinansin at tumungo sa kusina para kumuha ng yelo. Siguradong bukol to.
Naabutan kong kumakain sila Laryx ko at si kuya, kasama ang mga barkada nila, ng tanghalian sa kusina ng aming mansyon.
Kaya naman pala nagvavacuum na naman si manang Cedes ng buong bahay. Nagtutuwad na naman siguro dito yun.
Ang tanda tanda na e nagpapacute pa!
Napatingin silang lahat sa akin dahil padaskol akong lumalakad, nagulat din naman ako na nandito na pala sila. Buti pala ay fresh na ko.
Ang simangot kong mukha ay napangiti ng makita si Laryx.
"Hi baby girl! Gising ka na pala. Tara kumain ka na ng brunch mo" sabi ni kuya habang namumungalan..
Hays kaya nagiging baboy e. Tinawag pa kong baby talaga e no.
Nakakahiya kay Laryx!
Nga pala, barkada ni kuya si Laryx same age sila, 18 samantalang ako ay 16.
"Di na ko baby! Kuya naman e! Di pa din ako gutom. Mamaya na ko after niyo." Namula ang pisngi ko nang matawa si Laryx. Ang gwapo naman talaga nito.
"Goodafternoon Jia" bati sakin ni Laryx habang nakangiti na nagpalaglag ng panty ko. Joke.
"Goodafternoon kuya Laryx" kimi akong ngumiti at hiyang hiya sa kanya.
" Parang may naamoy akooo." Mapangutyang sabi ni Ulik, isa sa mga barkada nila. "May crush ka ba Jia kay Laryx? Iba ang ngiti mo" pagtutuloy niya
Hay eto talagang Ulik na to sarap ilulob sa dagat na puno piranha madalas e no.
"Tsk. Mali ka. Hininga mo lang yung naamoy mo. Toothbrush toothbrush din ha?" Sagot ko sa kanya.
Inamoy naman niya ang kanyang hininga. Abat talagang uto uto din no. Pag ata sinabi kong makikita niya nag soulmate niya pag tumalon siya sa building ay tatalon ito.
"Hindi naman e. Denial ka pa. Yieee si Jia! Aminin!" Tuloy pa din siya sa pangngutya. Nakakahiya na! "Jia Taba! May crush kay Laryx na macho"
Nakangiti lang si kuya Laryx sakin. Buti nalang at parang di naman siya naniniwala kay Ulik. Hayop talaga na to! Ang galing manghuli!
"Ulik Ulik-ba! Walang nagkakagusto kasi mukhang tustadong palaka!" Sambit ko sabay balik sa salas. Akala niya ha! Di niya ko maiisahan.
Narinig kong nagtawanan silang lahat habang naglalakad ako.
Actually di naman ako mataba. Malaki kasi ang dibdib ko at dahil Maluluwag na shirts at jogging pants ang suot ko pag nandito sa bahay ay nagmumukha akong mataba. Comportable kasi itong isuot.
Napahiga nalang ako sa sofa at inisip kung pano mapapansin ni kuya Laryx. Oo kuya ang tawag ko sa kanya at little sister lang ang tingin niya sa akin. Lahat silang barkada ni kuya ay parang mga kuya ko na din kaya ang hirap magpapansin sa kanya.
"Hay nako" buntong hininga ko dahil wala akong maisip na paraan para mapansin niya ko. Napahawak ako sa noo ko.
"Aray!" Oo nga pala. F ck!
May bukol nga pala ko. Kaya pala parang may nakalimutan akong kunin kanina.
YUNG YELO!
Bwisit kasing ULIKba yun e.
—
BINABASA MO ANG
Inseparable
RomanceSpg (not suitable for young readers or closed minded people) Tagalog Story with some English languages "No one can separate me from you. Now that I have the power, I can't let anyone take you away from me. I'll kill them with my bare hands"- Laryx...