Kabanata 1

16.9K 158 6
                                    

Pangkaraniwan lang naman ang kwento ng buhay ko. Walang masasabing kakaiba na kadalasan ng naririnig sa mga drama sa radyo, nagiging paksa sa mga soup opera o mga drama anthology sa telebisyon at maging sa mga printed stories gaya ng mga pocketbooks o sa mga kilalang blogging sites sa internet. Ngunit hindi naman umiinog ang kwento tungkol sa masalimoot kong buhay kundi sa isang lalaking nagpabago sa aking mga pananaw, ang nagturo sa akin kung paano bigyan ng kahalagahan ang mga bagay-bagay...maliit man o malaki. At mas lalong hindi ang manghusga sa kapwa na walang sapat na basehan. Lahat kasi tayo at may tinatagong lusak, kaya bago natin pahirin ang sa iba, iyong sa sarili muna natin ang siyang unahin.

Solong anak ako ng mayamang pamilya na nakatira sa isang exclusive subdivision sa Makati. Mula preschool hanggang sa nagsenior highschool ako ay sa isang pribado at prestihiyosong unibersidad ako nag-aaral. Sunod ako sa luho. Lahat ng nanaiisin kong bagay ay agad kong nakakamit sa isang iglap lang na hindi na kailangan pang paghirapan. Ika nga nila, parang magic lang. Sa edad na labing walo, nakamit ko ang pinapangarap na mamahaling sasakyan. Kaya naman narating ko na ang halos lahat ng sulok ng Pilipinas kasama ng aking mga tropa para mamasyal. Busy naman ang mga magulang ko sa pagpaparami ng kayamanan namin kaya free ako sa lahat ng bagay na nais kong gawin. Nang iluwal ako at nagkamalay, wala akong natatandaang nagkabonding kami. Walang tatay na kumalong sa akin kapag ako'y nadadapa. Walang Nanay na nagturo sa akin kung paano isulat ang unang letra ng aking pangalang, Daniel. Namulat ako sa kamusmusan na tanging tutor at isang yaya ang nasa tabi ko na gumagabay sa akin hanggang sa ako'y nagkaisip. Mga magulang ko? Deadma. Iniasa na nila sa pera ang pagpapalaki sa akin. Sabagay, ayos lang sa akin. Nasanay naman akong wala sila sa tabi ko. Nasanay na ako na tanging yaya ko lang ang kasama sa tuwing may gaganaping family day sa school. Hindi na ako nagkukumahog sa pagdedemand ng oras mula sa kanila basta ba hindi nila makakaligtaang depositohan ang account ko sa bangko dahil doon kami hindi magkakasundo.

Lumaki akong spoiled. Matapobre at mayabang. Kunsabagay may maipagmamayabang naman. Pera? Itsura? Sasakyan? Meroon ako no'n kaya pakialam ko ba sa sasabihin ng iba. Inggit lang sila. Kasalanan ko ba kung nasalo ko ang lahat ng kasaganaan ng magsaboy ang Diyos ng grasya sa buong sanlibutan? Hindi naman diba? Aminado akong isa akong silahis. Subalit hindi ko naman iyon pinapahalata lalo na sa mga magulang ko. Laman ako ng mga gay bars tuwing weekends. At kapag may natitipuhan akong lalaki, walang kahirap-hirap ko iyong makulembat. Galante kasi ako kapag magpapamudmod ng datung kaya naman lagi akong dinidikitan ng mga barakong lalaking nagtatrabaho sa bar na aking pinupuntahan. Hindi lang isa, kundi tigdalawang lalaki ang kinakama ko sa isang hotel kapag taglibog ko. Siyempre, iyong maitsura at maskulado ang dinadala ko. Sayang naman ang perang binibigay ko kung papatol ako sa mga pipitsuging kolboy na napupulot lang sa tabi-tabi. Dahil nabelong ako sa upper class, dapat lang na iyong may class ding mga bayarang lalaki ang aking makaulayaw at higit sa lahat, malinis at walang sakit.

Nang magbiyente ako, napasukan ko na ang lahat ng bisyo, maging ang pagdodroga lalo na kapag makipagsex. Heaven kasi sa pakiramdam kapag sabog na nakikipagtalik. Iyong pakiramdam na ipinaghehele ka sa ikapitong alapaap. Naranasan ko rin ang makipag-groupsex sa kinabibilangan kong bisexual group sa messenger. Siyempre, may pera ako at gwapo kaya bentang-benta. Pero lahat iyon ay may proteksiyon. Hindi ako nagpapatira o titira kapag walang kapote si Manoy. Dahil sa pagkalulong ko sa mga bago kong hilig at pagamit ng ipinagbabawal na droga dahil sa implwensiya sa maling barkada, napabayaan ko ang aking pag-aaral. Lumagapak ako sa ikalawang taon ko sa Engineering. Dahil doon nakuha ko ang atensiyon ng aking mga magulang. Napaka-ironic lang, kung kailan naligaw ako ng landas ay saka ko pa naramdaman ang pagiging magulang nila sa akin.

Kaliwat-kanang pananabon ang nakamit ko mula sa kanila. Kesyo saan daw sila nagkulang gayung binibigay naman daw nila ang lahat ng kailangan ko. May nalalaman pa silang ang lahat ng pagpapagod nila sa pag-aasikaso ng mga negosyo ay para sa kapakanan ko. Kapakanan ko o kapakanan nila? Bulyaw ko sa sarili habang umiiyak sa loob ng aking silid. Oo nga't binibigay nila ang lahat ng mga nainisin ko subalit hindi man lang nila naisip na hindi lang naman ang mga materyal na bagay ang kailangan ko. Hindi naman ako aso na solved na kapag hahagisan ng buto. Siyempre tao ako. Anak nila. Nangangailangan ng pagmamahal at ng kanilang pagkalinga bukod sa pagkain, damit at pera na ibinibigay nila sa akin. Ako pa ngayon ang lumalabas na masama gayung napakalinaw namang nang dahil sa kanilang kapabayaan kaya ako napariwara.

MagdalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon