Kabanta 3

6.5K 110 4
                                    

"Mabuti naman at naisipan mo ring umuwi, Lino. Akala ko nilayasan mo na ang dalawang buwang bayad sa upa. Naku, napudpud na ang tsinelas ko sa kapupunta rito para maningil ngunit bokya lang ang napapala ko. Ni isang kusing ay wala kang inaabot sa akin. Ano, makapagbayad ka pa ba o hindi at ng mapalayas na kita rito!" Bulalas ng ulikbang babaeng landlady. Tinuro-turo nito sa Magdalino na akala mo ay isang milyon ang nautang nito sa kanya.

"Pwede ho bang bang bigyan nyo pa ako ng isa pang araw na palugit, Aling Georgia? Delayed na naman po kasi ang sahod e. Magbabayad naman po ako pag may pera na ako!"

"Naku, naku, naku! Hindi na uubra sa akin iyang gasgas na linyang iyan. Kung susumahin, aabot na sa dalawang linggo ang palugit na ibinigay ko sa'yo. Tsaka, talaga bang sa call center ka nagtatrabaho? E, yung pamangkin ko nagko-call center din hindi naman delay ang sweldo, ako ba'y pinaglololoko mo?"

"Magkano ho ba ang bayarin ni Lino?" Sumingit na ako sa gitna na kanilang mainit na usapan. Nahahalata kong parang nilalamon na sa hiya si Magdalino sa pagbubunganga ng kanyang landlady na kumunot ang noo ng makita ako.

"E, sino ka na man?" Mataray na tanong nito sa akin.

"Pinsan niya po...at ako na ang magbabayad sa upa niya" Ang pagpapakilala ko naman upang hindi niya kami paghinalaan. Mukhang malakas pa naman kasi ang pang-amoy ng babaeng ulikbang iyon. "Magkano ho ba?"

"4 thousand"

Dumukot ako ng halagang sinasabi niya sa aking pitaka. "Hayan"

Nang akmang iaabot ko na iyong bayad ay pinigilan ako ni Magdalino. Nahihiya siyang inako ko ang bayarin niya sa renta ng kanyang bording house.

"——Huwag na, magbabayad din naman ako bukas. Magka-cash advance lang ako sa manager namin"

"——Anong huwag? E, kung papalayasin kaya kita ngayon din! Pambihirang batang 'to!" Ang pagsingit ng babae sabay abot sa pera sa aking kamay. Agad din siyang tumalikod sa amin.

"Salamat. Hayaan mo, babayaran kita sa susunod na mga araw. Ipinambili ko kasi ng mga school supplies ang mga kapatid ko gamit ang perang ipangbabayad ko sana sa renta" Si Magdalino nang makapasok na kami sa maliit na silid niya. Nakita ko ang tatlong plastic bag na nakapatong sa kanyang maliit na kama. Sinilip ko ang mga nilalaman no'n, mga notebook, papel at mga drawing materials ang aking nakita. At ang pangatlong plastic bag naman ay naglalaman ng mga de latang pagkain at noodles.

"Ihahatid ko nga pala ang mga 'yan bukas sa amin. Kung wala kang gagawin, baka gusto mong sumama"

"Sige ba. Saan ba ang sa inyo?" Ang naeexcite kong tanong. Ewan, para bang ayoko ng mahiwalay pa sa kanya.

"Sa Mati Davao Oriental. Apat na oras ang biyahe mula rito!"

"Okey, sasama ako sa'yo!"

Kinabukasan, bago kami tumungong terminal, sumaglit muna ako sa isang convenience store para dagdagan iyong grocery na pasalubong ni Magdalino sa pamilya niya. Bumili rin ako ng assorted biscuits na nasa lata at ingredients sa pagawa ng buko salad. Nabanggit kasi niyang maraming buko sa kanila. Dahil sa apat na oras iyong biyahe, nakatulog ako na nakasandal ang ulo sa kanyang balikat. Ginising na lamang niya ako ng dumating na kami sa kanilang bayan. Pagkababa ng bus, sumakay pa ulit kami ng single na motor o habal-habal. Binaybay namin ang makipot na kalsada sa gitna ng mga palayan. Sa tantiya ko mga dalawumpong minuto rin ang aming itinakbo hanggang sa huminto ang aming sinasakyang motor sa tapat ng isang bahay na halos dumapa na sa lupa gawa ng pagkakasira ng mga haligi nito. Yari sa nipa ang atip at ang dingding naman ay mula sa mga pinagtagpi-tagping karton at mga ritasong plyboard. May nakita din akong dalawa pang bahay sa may di kalayuan na mas maganda ng kaunti sa unang bahay na bumungad sa aking mga mata. Infairness naman, malinis ang paligid. At dama ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin.

MagdalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon