"Bessssssssssy! Oh my god!"Nagulat ako ng may biglang sumigaw. Nilingon ko kung saan nanggaling yon. At nakita ko ang bestfriend kong si Camilia.
Oh My God! I miss her so much!
Patalon siyang yumakap sakin. Muntikan na akong tumumba.
"Oh My God! Hindi mo naman sinabing ngayon ka pala uuwi! I miss you so much"
"I miss you too."
Kaibigan ko na si Camilia simula noong bata pa kami, hanggang ngayon.
"Hindi mo naman sinabing ngayon na pala uwi mo! Sana man lang nakapaghanda ako."
"I want to surprise you."
"Wow! Taray, nangibang bansa lang um-e-english na!"
Nginitian ko nalang siya.
"Ay! Tara coffee muna tayo. Kwentuhan mo ako sa mga nangyari sayo sa ibang bansa."
--
Umorder lang ako ng isang Strawberry shake, ayoko kasi ng kape. At isang Chocolate Coffee naman kay Camilia.
"So...how's States?"
Sumimsim muna ako ng shake bago sumagot.
"Okay naman, Medyo naging busy lang ako lately dahil sa work."
"Oh eh, Bakit ka napadpad dito?"
Natawa ako. Kahit kailan talaga itong babaeng to.
"You're so mean!" Biro ko.
"Bakit nga?"
"I'm staying here for goods."
"For goods?" Tanong niya.
"Yah. Dito muna ako magtatrabaho. Ang toxic na kasi doon." Suhestiyon ko.
"Trabaho nga ba talaga? Oh baka naman dahil kay..."
Sumeryoso ako.
"I don't want to talk about it."
At dahil nga siya si Camilia, hindi siya nakinig.
"Alam mo ba, balita ko may girlfriend na siya at maganda daw!"
Hindi ako kumibo.
"Hoy Zarina!" Tawag niya.
"Whatever"
Sa totoo lang nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect na magkakagirlfriend agad siya. How could that possible?
Namuo ang sobrang galit sa sistema ko. Pero hindi ko iyon ipinahalata.
Pero hindi pa rin mawala-wala yung tanong ko sa sarili ko.
Bakit hindi man lang niya ako tinanong kung bakit umalis ako? Alam kaya niyang aalis ako? Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Dinelete na ba niya number ko?
Pumikit ako at hinilot ang sentido ko. Sumasakit lang ulo ko.
"Hey, Zarina are you okay?"
"Ah...Yeah! I'm okay" Masiglang sabi ko, para hindi na siya magalala.
"You sure? Parang lutang ka kasi eh."
"Siguro pagod lang sa biyahe. Matagal-tagal kasi eh." Sabi ko
"Okay, Then let's just talk tommorow. Wala ka pa namang work bukas diba?"
"Wala pa. Next week pa ang start."
"Then see you tommorow. Oh! By the way pinalitan mo na ba number mo?"
Umiling lang ako.
"Uyy! Baka hinihintay mag-text O kaya tumawag si..."