Naghahanda ako ngayon dahil mamamasyal kami ni Camilia. Bukas na ako mags-start sa trabaho ko, kaya sinusulit na namin ngayon.Naka off shoulder dress ako ngayon at naka sandals. Parehas kami ni Camilia. Bestfriend goals daw.
"Oy! Zarina, kain muna tayo. Nagugutom na ko."
Kaya naman pumasok kami sa isang kilalang restaurant at dun kumain.
Sa kalagitnaan nang pag-kain namin, biglang nagsalita si Camilia.
"Uyy! Bessy! Diba si Nicolas yun? At kasama niya girlfriend niya?"
Lumingon ako kung saan nakatingin si Camilia. At tama nga siya si Nicolas at yung girlfriend niya.
Nakasabit ang braso ni Nicolas sa bewang nung babae at yung isang kamay naman nung babae ay nakadantay sa dibdib ni Nicolas. Nagtatawanan silang dalawa habang pumipili ng order.
"Grabe ang ganda talaga ni Tania."
Tiningnan ko yung Tania, at tama siya Maganda nga ito. Morena siya samantalang Maputi naman ako. Mas matangkad ako sa kanya ng konti. Pero maganda talaga siya.
Biglang nagtama ang paningin namin ni Nicolas. Malamig ang titig niya samantalang blanko naman ang sakin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
"Uhh....Camilia are you done?"
Oo nga pala hindi ko pa rin naikekwento kay Camilia yung tungkol sa nangyari samin ni Nicolas.
"Yes."
"Can we go outside na? Shopping ulit?" Nakangiting aya ko.
Ayokong makita na ulit si Nicolas. Dahil namumuo yung galit ko sakanya.
Tumayo na kami ni Camilia at lumabas. Nakita ko pang sinundan kami ng tingin ni Nicolas. Gago siya! Nasa harap niya yung girlfriend niya!
"Uhm...Zarina pwedeng hintayin mo muna ako dito? C.R lang ako."
"Yah. Sure!"
"Okay." Aniya at umalis.
Nakatayo lang ako dun, ngunit tanaw ko parin si Nicolas at yung girlfriend niya.
Nakita kong kinausap niya yung girlfriend niya at lumabas. Shit! Papunta siya sa kinaroroonan ko! Malalaki at Mabibilis ang mga hakbang niya.
Kaya naman umalis muna ako sa lugar na iyon. Nakita kong sinusundan niya pa rin ako. Kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa mapunta ako sa may garden ng mall.
Luminga-linga ako sa paligid at nabunutan ng tinik ng makitang wala na siya. Nailigaw ko na ata.
"Shit!"
Napamura ako ng may mabangga akong dibdib paglingon ko sa kaliwa. Tumingala ako at nakita kong si Nicolas iyon!
"Nicolas! Anong ginagawa mo dito?! Asan yung girlfriend mo?!"
Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang girlfriend niya. Ngunit nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sakin!
"Fuck! Back off jerk!" Sigaw ko at tinulak ang matigas niyang dibdib.
Narinig ko siyang tumawa.
"Anong ginagawa mo dito?! Pumunta ka na sa girlfriend mo! Baka hinahanap ka na! Iniwan mo pa kasi!"
Sunod-sunod na sabi ko. Kinakabahan ako sa kanya!
Sumeryoso siya at tumikhim bago magsalita.
"Let's talk" Aniya
"Were talking."
"No. About what happened...to us"
"Sorry, pero okay nako. Ayoko nang pagusapan pa ang tungkol don."