CHAPTER 4

1.2K 92 105
                                    

Love moves in mysterious ways. Timothy experienced being inlove. Head over heels pa nga eh. 'Yon nga lang, naunsyami! And now, his bestfriend is inlove, okay na sana, eh, kung hindi nga lang naging mabait. Paano, pati ang bestfriend ng nagugustuhan nito ay nagkagusto rin rito. So, bilang isang matalik na kaibigan, kailangan niya itong back-upan.

They went to the Palacio Del Cafe, the well-known cafe in town lalo na sa mga estudyante. His friend, Von, will meet Trish to set things straight.

"Ready?" tanong niya sa kaibigan bago sila nagdire-diretso sa mesa ng mga ito.

Bumukod ang dalawa sa kanila para makapag-usap ng maayos. Habang nakikipagkulitan siya kina Chase at Melrose, ang mga kaibigan ni Trish, ay narinig na lang nila na medyo nagkakainitan na ang dalawa. Maya-maya pa ay iniwan na ng dalaga ang kaibigan niyang si Von. Mabilis naman na nagsisunuran ang dalawa nitong barkada.

"Huwag mong sabihing nagkatotoo ang hula ko?" pauna niya.

Tumango ito at pagkuwa'y sinabunutan ang sariling buhok.

"Mababaliw na talaga ako!" anas nito.

Nagulat pa siya nang bigla na lamang ay may lalaking umupo sa harapan nila.

"She's a monster! I know!" wika nito matapos ibaba ang dalawang tasa ng hot chocolate, pagkuwa'y bumaling ito sa kanya. "Nagkita na tayo noon sa bar, kaso lasing ka na. Brandon, Pare," pakilala nito sa kanya.

"Timothy," pakilala naman niya bago nakipagkamay rito.

Nalaman niya na kapatid pala ito ni Khel, ang minamahal ni Von, and before he know it, parang tanga lang si Von na ultimo rito ay nagtapat na mahal nito si Khel!

"Dude, hindi si Khel ang kaharap mo. Kapatid niya 'yan kaya medyo zzziiippp," pigil niya kay Von habang iminumustra ang pagtahi sa bibig.

Love drives people in the verge of craziness, he realized.

Iiling-iling pa siya nang mapako ang atensyon niya sa glass door ng Café. Papasok noon ang isang foreigner na may kasamang matandang babae na akay-akay nito.

Tila namamalik-mata niyang tiningnan ang babae. Of course, having been living abroad for so many years, marami na siyang nakilalang ganoon ang hitsura, pero iba ang aura nito. In fact, kung hindi dahil sa foreign-look nito ay aakalain niya na probinsyana ito dahil sa suot nitong damit.

Napangiti sya. Although he grew up in a very modern family, gusto niya pa rin sa babae ang ugaling may pagka-Maria Clara. Actually, Nina was a very timid girl noong makilala niya ito, although pagkaraan lang ng ilang buwan ay nagbago agad ang ugali nito. But that didn't stopped him from loving her. Afterall, that was just his preference.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang babae na noon ay nakatalikod na sa kanila. She's petite, wearing an almost floor-length faded floral skirt and her long-sleeves polo was buttoned until her neck.

A foreigner farmer? A very strict teacher? tanong ng isip niya habang amused na nakatitig dito.

Mistulang lumipad sa tutok niya ang mga anghel sa langit nang humarap ang kasama nitong matanda.

"Wait guys, want more drinks?" pagdaka'y tanong niya sa nag-uusap na sina Von at Brandon. Tumanggi ang mga ito at pinabayaan na lang siyang umorder.

He approached the counter and pretended to just about to order.

~~~

Mahigit dalawang linggo makaraang makalabas ng ospital si Lola Charito ay nagyaya itong maglakad-lakad sa park na ayon dito'y paborito nitong puntahan bago ito magkasakit. Palibhasa'y isa ang malumanay na ehersisyo sa bilin ng doktor na kailangan nitong gawin ay pumayag na rin siya lalo't maganda ang panahon.

Amarantha, Ang Blue-Eyed Probinsyana (To Be Published Under KM&H BPF Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon