CHAPTER 17

771 50 3
                                    

Bago pa makapasok ang wheelchair ni Nina na itinutulak ng daddy nito, ay napigilan na sila ng ama ni Timothy.

"I'm sorry, Darren, but I'm afraid your daughter has no place here anymore," matigas na pigil ng matanda sa awtoritadong tinig.

"Rodolfo, she will be discharged tomorrow. Please let her see him for the last time," nakikiusap ang daddy ni Nina.

"It will not change anything, Darren. Ama ka rin, alam kong naiintindihan mo ang nararamdaman ko ngayon," matigas pa rin ang desisyon ng matanda na hindi palapitin si Nina sa anak.

"I-i'm sorry for everything, Dad," humahagulgol na anas ni Nina bago ginagap ang kamay ng ama ni Timothy.

Marahang tinanggal ng matanda ang pagkakahawak ng dalaga at nagpakawala ng buntung-hininga. "You don't have to address me like that anymore..." bago bumaling sa ama ng dalaga, "Darren, please."

Walang nagawa ang mag-ama kundi tuluyang lumabas ng kuwarto. Nina was crying out loud like a little girl.

Tuluyan nang isinara ni Rodolfo ang pinto at dumiretso sa kama at marahang hinaplos ang buhok ng anak.

'I will not allow anybody to hurt you anymore, anak. Tama na ang dalawang beses kang nasaktan,' usal nito bago hinalikan sa noo si Timothy. Pagdaka'y lumapit sa kanila at nagbigay-galang kay Lola Charito.

"Salamat sa Panginoon at maigi na ang kalagayan ni Timothy," wika ni Lola Charito habang hawak ang kamay ni Mara.

Umupo si Rodolfo sa sofa at animo nabunutan ng patalim sa dibdib. His eyes were glowing from happiness.

"Oo nga po. Tuwang-tuwa nga po ang Mommy at mga kapatid niya nang sabihin ko. They're coming here next month," nakangiting wika nito habang ang mga mata ay nasa anak pa rin.

"Naku at maigi naman," tugon ng matanda.

~~~

Hindi nagtagal ay umuwi na rin sina Lola Charito at Rita. Kasama niya si Von sa paghatid sa mga ito hanggang sa makasakay ang nga ito ng taxi.

"How are you coping up, Mara? I mean, since you came here in Manila, nakailang beses ka nang tumapak sa hospital. It's tiring, I presume," tanong ni Von kay Mara habang pabalik na sila ng silid ni Timothy.

Nagpakawala siya ng hininga bago sinagot ang tanong ng binata.

"Lahat ng nangyayari sa atin ay pagnanais ng Diyos, kahit pa nga hindi ito naayon sa kagustuhan natin. Sino ba naman ako para magreklamo, 'di ba. Oo't nakakapagod, pero sa mga pagkakataong ganito kasi, doon ka magkakaroon ng pagkakataon na mag-isip, eh. Tulad kay Lola, kung hindi pa siya nagkasakit, hindi kami magiging malapit sa isa't isa ng tulad ng ganito -"

"At hindi mo makikilala si Tim," nakangiting putol nito.

Napangiti siya dahil totoo naman ang lahat ng sinabi ng binata. Maya-maya ay napatigil siya sa paglalakad at humarap dito. "Pwede ba akong magtanong ng tungkol kay Timothy?" medyo alanganin pa siya, hindi niya kasi alam kung papaano sisimulan ang mga tanong na nasa kanyang isipan.

Tumigil din ang binata sa paglalakad at humarap sa kanya bago nagkibit-balikat.

"Of course. Ano 'yon?" tugon ng binata.

Amarantha, Ang Blue-Eyed Probinsyana (To Be Published Under KM&H BPF Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon