EPILOGUE

1K 30 5
                                    

Tila namamalikmata ang tatlong matanda nang ganap siyang mapagmasdan suot ang traje de boda.

Nakapusod ang mahaba niyang buhok habang ang make up naman niya ay bahagya lang. Gayunpaman, litaw na litaw ang kasiyahan niya na makikita sa kislap ng kanyang mga mata.

Mangiyak-ngiyak siyang nilapitan ng tatlong matanda bago siya niyakap.

"Oh, my God! Mara, you're so beautiful! Kung buhay lang ang Tatay at Nanay mo, siguradong matutuwa ang mga iyon," puri ng kanyang Lola Charito na muli siyang pinagmasdan pagkayakap.

Nangilid ang luha niya sa sinabi ng abuela. Sobrang miss na nga niya ang mga ito. Muli niyang niyakap ang abuela at buong pagmamahal naman siya nitong inalo.

"Puwede ka pang umatras, Mara. Sabihin mo lang at ako ang tutungo sa kapilya't magsasabi kay Timo," pigil ang ngiti'ng wika naman ni Lola Augusta.

"Ikaw talaga! Umandar na naman 'yang katabilan ng dila mo! Aba'y ikakasal na sila, mano'y manahimik ka na la'ang!" saway naman ni Inang Chichay sa kapatid bago muling bumaling sa kanya. "Alam naming masaya ka, apo. Mabait si Timothy at ang pamilya niya kaya't alam naming maaalagaan ka nila ng maayos..." Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin dahil napahikbi na ito.

"Inang! Huwag kayong umiyak!" Muli niya itong niyakap bago hinalikan sa ulo.

"Chichay, huwag mo nang paiyakin ang apo natin at baka tuluyang humulas ang makeup niya, eh," pigil naman ng Lola Charito niya sa panganay na kapatid.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumungad sa silid niya si Estella habang karga ang anak, kasunod sina Beto at Rita.

"Wow!!!" sabay-sabay na bulalas ng mga ito pagkakita sa kanya.

"Para kang Hollywood actress, Ate Mara!" puri naman ni Rita na hindi napigilan ang paglapit sa kanya.

"Manang, nasa ibaba na ang sundo mo," pagbibigay-alam naman ni Beto na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"O, halina't baka akalain ni Timo, eh, tumakas ka," biro ni Inang Chichay na nakabawi na sa pag-iyak.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago tumayo at sinipat ang sarili sa salamin.

"'Lika na!" natatawang yaya ni Estella sabay abrisiete sa kanya.

~~~

Nanlalamig at hindi malaman ni Timothy kung ano ang uunahing gawin. Kanina pa siya paroo't parito sa paglalakad sa loob ng opisina ng ministro na magkakasal sa kanila kasama si Von.

"Chill, Pards! Inhale... exhale!" pagpapakalma sa kanya ni Von.

"Yeah, right! Wait 'til you're the groom!" sarkastikong anas niya sabay punas ng panyo sa batok niya. Pakiramdam niya kasi ay isang balde na ng pawis ang lumabas sa katawan niya mula pa kahapon dahil sa nerbyos!

"Yeah, funny! Anyway, we need to go and wait for her inside the chapel. Baka mauna pa sa iyo ang bride, that's not good!" anito.

"How do I look?" Marahan niyang inayos ang suot na barong-tagalog.

"Perfect! Now, go and get hitched!" Itinulak na siya nito palabas ng kuwarto.

~~~

Walang pagsidlan ang kabang nararamdaman ni Timothy ng mga sandaling iyon. Pagkapasok pa lang nila ni Von sa gilid ng kapilya papunta sa harapan kung saan niya hihintayin ang pagpasok at paglakad ni Amarantha, ay mistulang hinahalukay ang sikmura niya dahil sa antisipasyon.

Amarantha, Ang Blue-Eyed Probinsyana (To Be Published Under KM&H BPF Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon