-Chapter 11-

60 3 0
                                    

-Chapter 11-

(REINN)

"Friendzoned". 'Yan dapat ang title ng story na ito. "Friendzone" yan dapat ang pangalan ko. Akala ko pa naman sa 'Sweeran'(Swift & Sheeran) lang nangyayari yun. Tsk, tsk, tsk!

"Hoy Mads! What's with that face?" aba, ume-english na si koya!

"Tss. Wala." ayokong sabihin na nagda-daydream ako dahil makakahalata siya.

"Tara na nga!" sambit niya habang inaalis na ang saksakan ng tv. Paalis kami ngayon para mamili ng pang nochè buena. Ayaw niya pa kasi bumili noong nakaraang araw kaya eto kami makikipag-last minute shopping.

Nag-motor kami ni kuya papuntang grocery nang mapabilis ang paghahanda. Pagdating namin ay agad kaming pumasok para mamili. Si kuya ngayon ang kumukuha ng bibilhin at ako naman ang taga-tulak ng cart.

"Reinn, punta ka dun sa may section ng veggies. Kuha ka ng patatas at kinchay." ni-liko ko ang cart at pumunta sa may vegetable section para kumuha ng patatas at kinchay. Ano kayang lulutuin niya?

Kumuha na ako ng patatas at kinchay. Syempre, pinili ko ang maganda ang quality at fresh.

"Oh, Reinn!" naka-salubong ko si Micah habang inikot ko ang cart pabalik kay kuya. Nginitian ko lang siya.

"Cedric!" nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na linapitan si Micah at nilagay ang gulay sa cart na dala niya. Parehas pala kaming tagatulak.

"Oh, mom. She's Reinn by the way." ngumiti ako sa mom niya. But i thought wala na yung mom niya?

"Oh, hi. Im Martha Lawrence. Nice to meet you.' nakipag-shake hands siya sa akin. "Don't be confused dahil stepmom lang ako ni Cedric."

"Uhm, hello po." nakita ko naman sa pheriperal view ko si kuya. Pagkalapit niya ay magsasalita sana siya nang mapansin niya ang mom ni Micah.

"W-wait. Are you..?" Nakunot ang noo ng mom ni Micah. Nagkatinginan kami ni kuya. "..Are you somehow related to Bruce Taylor Gomez?" kilala niya si daddy?? What I mean is, di sinasabi ni dad ang name niyang 'Taylor' pag nagpapakilala at ang mga importanteng tao lang ang nakaka-alam dun.

Tumango kami ni kuya.

"Oh my God! I knew it! You looked so much like you dad..." she was reffering to kuya Skandar.

"... And you really had Bette's beautiful face!" reffering to me.(Bette- Betty)

But how did she knew mommy and daddy? At bakit ako napapa-english?

"Your face tells me that you have so many questions unanswered. Don't worry, I'll tell you if you'd come to our house. Can you?" kung bata lang siguro si ma'am Martha nagpu-puppy eyes na siya.

Napa-buntong hininga ako. Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni kuya.

"Okay po. We'll come." di nag-aalangan na sabi ni kuya. Kapal face kasi eh.

Natuwa si ma'am Martha. Nagpaalam na sila sa amin at umalis. Si kuya naman, di ako tinigilang asarin hanggang pag-uwi ng bahay.

"Mads, diba marunong kang mag-bake?" sabi ni kuya habang inaayos ang mga pinamili namin. Nagka-bright idea ako.

The Fangirl (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon