-Chapter 22-

59 1 0
                                    

-Chapter 22-

(REINN)

Isang linggo na ang nakalilipas simula ng nakalabas ako ng ospital. Hay, na-miss ko ang fresh air at school. Two weeks na kasi akong di pumapasok. Nilagay ko ang libro ko sa locker at sinara ang locker ng biglang may humawak sa balikat ko.

"Hey Reinn!" ani ni Stephen. Kasama niya si Travis. Himala, at di kasama sina Perth. Na-miss ko tuloy sila. Haha!

"Hello." bati ko sa dalawa. Nagsimula na akong maglakad papuntang canteen. Lunch break na kasi.

Habang naglalakad ay pinatong nina Stephen at Travis ang 'mabibigat' nilang kamay sa balikat ko. Di na ako umangal pa pero nang makita ko ang masasamang tingin ng mga estudyante ay parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko.



"By the way, where's your friends?" tanong ni Stephen. Nag-Amerika lang ng isang buwan at naging 'spokening dollar' na 'tong lalaking 'to.

Lumingon ako sa kanya. "I dunno. Probably, in the Principal's Office." sabi ko.



Last week kasi, dumating ang mga mababait kong kaibigan. Si Audrey at si Laura ay nagpa-emergency flight pa daw para lang maka-uwi dito. Syempre , mayayaman. Si Karyl at Devonne naman ay lumuwas daw ng banggitin daw iyon ng kamag-anak nila dito sa school. Tapos ngayon sabi nila, mag-aaral daw ulit sila dito upang bantayan ako. Sinabi kong 'wag na pero nagpupumilit parin sila. Kaya ngayon, para akong isang rich kid na madaming body guard. Si Kuya kasi, umalis na naman dahil tawag daw siya ni Daddy kaya pinabantayan niya ako. At sa isang linggo rin ay sa bahay titira sina Laura at Audrey para daw may kasama ako.

"Woah! wait." inalis ni Travis ang pagkaka akbay sa akin. "Anong na-kain niyo at nag e-english kayong dalawa?"

Instead na sagutin ko siya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakakatamad magsalita. I swear, I may sound weird pero inaatake ako ng katamaran na magsalita.

"Hey, wait for us!" di ko na namalayan na naiwan ko na pala ang dalawang kasama ko. Pagdating namin sa cafeteria, natanaw ko agad ang table nila Audrey. Um-order muna ako bago pumunta sa table nila.



"Ganyanan na pala." sabi ko, kinokonsensya sila. Well, ganito naman talaga kami. Sa totoo lang, ang babaw mg kaligayahan namin.



"Weh? baka ikaw. May bago ka na kasing friends eh. Nawala lang kami..." pangongonsensya ni Karyl. Mga baliw talaga 'tong mga kaibigan ko.

Naki-table din sa amin sina Stephen at Travis. Nag-kwentuhan kaming lahat tungkol sa pangyayari sa school habang wala sila. Syempre, with the exception of that 'incident'.

Habang nagkwekwentuhan kami ay napansin ko na wala sina Perth, Xander, Luis, at Keith. Sayang, aasarin ko pa naman din si Laura kay Xander or Luis. Hahaha!

"By the way, nasaan sina..." Micah. I was about to say that name but everytime I mention it, my heart shatters. "Keith? Himala, at wala sila." tanong ko kay Stephen. Katabi ko lang kasi siya.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Stephen. I knew it. He knew that I really meant to say 'Micah'. Nakita kong pinasadahan niya ng tingin si Travis at nararamdaman ko rin ginagawa nila ang lahat para di mag-iba ang expression niya.

Like what he did, I also tried my best not to change my face's expression. Di ako bata na gigising na lang sa umaga at di na matatandaan ang nangyari. And I also knew that Kuya might've asked Micah to avoid me. And it somewhat hurts.



"They we're practicing at the court. They're school varsities, you know." cool niyang sagot. Stephen had changed. Not a lot, but he changed. Especially the way he speaks, para na siyang Amerikano.

The Fangirl (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon