Emma
“eeeeekkk!!! Ang gwapo gwapo niya and those abs! Oh my gosh Yayeng, I’m so in looooovee!” Hawak ko ang aking magkabilang pisngi habang nakatingin sa pictures ni Tyler---ang aking eternal crush. Nagpost na naman ng entry ang aking prince charming sa blog nitong milyon ang followers. Nagtatawa naman ang bestfriend kong si Harry (palayaw niya Yayeng) sa akin habang nakaharap ito sa sarili niyang laptop. Nasa kwarto niya kami, sa ibabaw ng kanyang kama. Magkaharap kami na pinamamagitan ng magkatalikod naming laptops.
“You’ve told me that for like, a thousand times.”
“Eh sobrang di ko mapigilan eh!” hanggang tenga ang aking ngiti habang nakatingin kay Harry. Kung titingin ako sa salamin baka makakita pa ako ng fireworks sa aking twinkling eyes! Nilingon kong muli ang picture ni Tyler na half naked sa suot nitong board shorts habang nasa beach. Hindi ko na naman napigilan ang pag-tili. Binato ako ng unan ni Harry this time dahil maingay daw ako. Tumama sa ulo ko ang unan pero hindi sapat iyon para mapigil ang momentum ng aking kalandian (na minsan-minsan lang naman! Pag nakikita ko lang si Tyler). Kinuha ko ang unan at sinubsob ko ang aking mukha para sa doon tumili ng malakas.
“Huy! Yung unan ko mangamoy panis na laway!!” sita ng mahaderong lalaki habang tumatawa ito.
“Hoy! Mabango laway ko ha! impakto ka!” Binato ko siya ng unan ngunit nasalo naman niya iyon. Binalik ko ang tingin sa laptop. Binasa ko ang nilalaman ng bagong entry ni Tyler. Kaya pala hindi ko siya nakita this summer, he spent his vacation on a beach. And he looks so hot in board shorts. He’s blogging about surfing na hindi ko naman iniintindihan dahil naaagaw ang atensiyon ko ng pictures niya.
Nilagay ko ang mga palad ko sa aking dibdib. I can feel my pounding heartbeat. Tyler is the only one who can make my heart pound this way. And whenever I see him, I feel really good about myself and I accounted it for me being in love with him. Lagpas tenga pa rin ang aking ngiti.
“Hey, you’re drooling!” pukaw ni Harry sa atensyon ko.
I dreamily looked at Harry. Sinakyan ko ang sinasabi niya. Nilagay ko ang aking hintuturo sa ilalim ng aking panga at pinahid ko pataas. Nang dumapo ang hintuturo ko sa aking mga labi, umakto ako na animo’y binabalik ang kunyari ‘y laway na tumulo sa aking bibig.
“ssshhhhhrrrrrpppp!!!!” I sounded while looking at Harry na hindi na maipinta ang mukha sa pandidiri. “hmmmmmm, yummy” in hoarse voice.
“Yuck, Beng Beng! Yuck!”
----------------------------
First day ng school.
Normally makikita ang mga normal na estudyante sa Club Fair organized by senior students. Sa event na ito, mabibigyan ng chance ang mga mag-aaral ng Darwin University na mamili ng club na sasalihan nila. Pagkakataon din para makimingle sa mga bagong estduyante.
I have always believed that I am not normal. Kaya naman instead na nandoon ako sa fair, nandito ako sa botanical garden na nasa likuran ng campus--nagbubungkal ng lupa. Mahal ko kasi ang mga halaman na nandito. Sari-sari ang makikita rito, mula sa orchids, vines, mga punong namumulaklak at iba pa. Napakalaking fulfillment para sa akin kapag nakikita ko silang namumulaklak, para ko silang mga babies. When these plants are in full bloom, this botanical looks like a paradise of flowers. Kahit yung mga puno na nakapaligid. Kapag namumulaklak sila, napakasaya ko. Pakiramdam ko ako ang diwata na dahilan ng pamumukadkad nila kaya naman inaalagaan ko silang mabuti kahit hindi naman ako ang care-taker ng garden na ito. I took a fallen yellow flower and put it on my right ear.
Nuong bata pa ako,(well bata pa rin naman ako ngayon) unlike other girls, I never dreamed to be a princess. I always dreamed to be the fairy. I would want wings than tiaras. Kahit sabi pa ni Harry na mas bagay sa akin ang broomstick kesa magic wand (And yes, I already gave him the justice he deserved, binato ko siya ng walis na hawak ko that time and then I did a witches’ eerie laugh). At kapag nandito ako sa Botanical garden, feeling ko isa talaga akong diwata. This is a paradise for me. I love everything here. Yeah, even this tiny little caterpillar on my hand. Normal girls would shriek by the sight of this little creature but I’m not normal so instead, I am amazed, grateful and, well, basically almost all of the good feelings in the world. I smiled at the tiny creature.
“Malapit ka nang maging paru-paro.” Nilagay ko ang uod sa ilalim ng isang halaman. Mabuti na lang kahit may mga uod dito sa garden, hindi nila pinapapangit ang dahon ng mga halaman.
Sa ikalawang buwan, sabay-sabay na mamumulaklak ang mga halaman at puno sa garden na ito. Hindi na ako makapaghintay na makitang muli iyon. Tatayo na ako ng makaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong nakitang tao.
Guni-guni ko lang siguro iyon.
ooooOOOOoooo
The Prince
She’s not a sight to behold for the standard of the world…
But everything around her seems to glow.
She makes everything beautiful.
She radiates her beauty by the things she does.
And by bringing out the beauty in the things around her.
I left her talking to that caterpillar.
Mahirap na, baka mahuli pa niya ako.
ooooOOOOoooo
Emma
“Yayeng, four o’clock.” Bulabog ko kay Harry sa pagmumuni-muni niya. Unang araw namin sa subject na Filipino. Common subject namin ang Filipino at iba pang minor subjects kaya naman kahit Business Managemant ang course niya at Psychology ang sa akin, magkaklase kami.
“Huh?” kunot noong tanong ng aking bestfriend. Inginuso ko sa kanya ang dalawang babae na kanina pa siya ini-spot-an. I teasingly smiled at Harry.
“Kanina ka pa yan sila tingin ng tingin sa iyo.” Maraming nagkakagusto sa aking bestfriend. Kung magiging honest ako, I would admit that he is one of the most handsome guys in the university. Kaso hindi ko inaamin sa kanya dahil minsang ginawa ko iyon, hindi na nya nakalimutan at lagi niyang ibini-bring up kapag nag-aasaran kaming dalawa. Siyempre, the fewer rebuttals he has, the more chances of me winning! The frequent I win, the happier I become! Pero ngayon, I am building his confidence up dahil recently, iniwan siya kanyang girlfriend. It’s a long story.
There’s one thing funny about Harry, kapag tinutukso siya sa girls, nagba-blush siya, katulad na lang ngayon. Obvious na Obvious dahil isa siyang tisoy. And him blushing is one of my amusements in life.
“I know.” He stared at me for few seconds and then looked away. Probably he’s still thinking about his ex. And as his bestfriend, It is my responsibility to help him move on.
“You know, maganda iyong isa. Beauty queen type. ‘yung mga tipo mo.” I remembered Clarette—Harry’s ex girlfriend and Ms. Business Management. I called her Clorettes though, bagay sa mga mababaho ang hininga. “She might check you out later.”
“hindi makakalapit sa akin ‘yan.” He declared.
“You’re gonna ward her off?”
“No, I’m well guarded.” He seriously said without looking at me.
“well guarded?”Kumunot ang noo ko. I don’t understand what he’s saying. Then he looked at me.
“I’m guarded by a vicious witch.” Then he gave me a crooked but mischievous smile. Naningkit ang mga mata ko. He just called me a witch again?! Kumukulo ang dugo ko pag tinatawag niya akong mangkukulam and he just pulled the trigger! Mangkukulam pala ha?! hinampas ko siya ng malakas sa braso.
“hoy! Huwag mo akong simulang asarin kung hindi kukulamin kita! You very well know that I can use voodoo dolls and can craft vicious spells! I will make fleece and flies colonize your pubic hairs!” pananakot ko sa kanya. I am about to follow it up with a witchy laugh--
“Ehem”
Someone just cleared his throat behind me. I am still hissing at Harry when I checked the guy behind me. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung sino iyon.
“Hi Emma, that’s a very interesting talent.”
Ooooowwwww eeeeeeemmmmmm geeeeeeeeeeee!!!!
It’s Tyler!!!
BINABASA MO ANG
The Fairy and the Prince
RomanceMayroon siyang secret admirer. Pag sinabi niya iyon kay Harry--- her bestfriend, siguradong pagtatawanan siya ng malakas nito. Baka masapok lang niya ang lalaki. She silently wished it is Tyler, ang crush niya since high school. But that will foreve...