This story is work a fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places , or persons, living or dead, is entirely coincidental.
____
#LoveAtFirstSight.......
Maraming tao ang naniniwala sa love at first sight. At isa na ako dun. Minulat ako ni Mommy sa paniniwalang totoo nga iyon dahil iyon daw ang nangyari sa kanila ni Daddy.
Pero minsan napapaisip ako kung totoo nga ba iyon. Like duh? I'm already 19 years old and 3rd year college student but still NBSB. It's not like that I'm ugly ha. Everyone calling me as their Queen, Dyosa, Gorgeous and etc... Lahat ng magandang pwedeng itawag sa akin ay natawag na siguro ng karamihan. Hindi naman talaga ito big deal sa akin, nagiging big deal lang ito tuwing nakikialam na ang iba. Like, niririto ako kung kani-kanino lang. Tss.
Maski mga kaibigan ko, nagtataka na kung bakit hanggang ngayon, NBSB pa rin ako kahit maraming nakapilang manliligaw sa akin.
"Uh? You're not lesbian naman ano?" Isang araw habang nasa coffee shop kami ng dalawa kong kaibigan, bigla nila akong natanong. Tanong na di ko inaasahan.
Tumawa ako. "Of course not. I'm attracting to boys, okay?" Agad kong sagot. Well, hindi ako tao kung hindi ako makakaramdam ng konting paghanga sa iba. I have so many crushes in our school. Kaso hanggang doon lang talaga. Once na magkagusto sa akin iyong crush ko, bigla akong nawawalan ng ganang humanga sa kanya. I don't know why. But my friends said,
"Because you only want the chase, Andy." Naiiling na sabi ni Sarah sa akin.
Nagkibit ako ng balikat. "I think you're right. Kasi naman eh. I don't like boys that easy to get." Maarte kong sabi.
Nagtawanan silang dalawa. "Ewan ko ba sa'yo. Lahat na ata ng hot, sexy at gwapo sa school natin nanligaw na sa'yo pero busted pa rin. Hahaha! Gosh girl! Iba ka talaga." Natatawang aniya Karen.
Umirap ako. "Hindi ko rin alam eh." Muli akong nagkibit ng balikat.
"Baka naman hinihintay mo lang ma'love at first sight ka niyan?" Patanong na aniya Sarah.
Ngumiti naman ako. "I think so. Hahaha!" Muli kaming nagtawan hanggang sa,
"Caramel Macchiato for Andy!"
"Oh, wait. Yung order ko." Nagmadali akong tumayo papuntang counter.
Akmang kukunin ko na sana ang order ko ng biglang may naunang kamay na kumuha dito.
Taas kilay akong nag-angat ng tingin sa kung sino mang walang hiyang kumuha sa order ko ng bigla rin akong natigilan.
"It's mine." Aniya ng lalaking ubod ng gwapo. I can smell his masculine scent. Damn it! He is really good looking and fvcking hot slash sexy. Hmm. But I think he's older than me. Not because he's look like matanda na ha? Kakaiba kasi ang hubog ng katawan niya compare sa mga kaklase kong lalaki na kasing edaran ko lang. May kamukha pa siyang celebrity. Who is it again?
Aish. Never mind. Back to reality.
"Excuse me, Mr. But it's obviously mine." Ngumiti ako saka ko tinuro iyong pangalan ko na nakasulat sa lalagyan ng Caramel Macchiato. "Here's the proof." Muli akong ngumiti.
Tumaas ang kilay niya dahilan para matigilan na naman ako. Darn that eyebrows.
Dudugtungan ko pa sana yung sinabi ko ng bigla namang magsalita iyong barista.
"Maam, Sir, sorry....." Sabay kaming napalingon nitong lalaki sa harap ko sa barista. "Here's another Caramel Macchiato for Andy." Nahihiyang aniya ng baristang babae habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa nitong lalaking nasa harap ko.