YOUR POV
Kumawala ka sa yakap at tiningnan siya sa mata. Nakangiti siyang pinupunasan ang mga luha sa pisnge mo.
"From now on, liligawan na kita ha?" malawak ang ngiti ni Taehyung sayo, hindi mo alam pero biglang tumalon ang puso mo, "Sorry ha? Kung natagalan ang pagbabalik ko.."
"Ayos lang, muntik na nga kitang sundan doon eh.. Kaso nga lang baka hindi mo na ako kilala," ngumuso ka pa at nagulat ka ng bigla ka na lang niyang halikan, "Yah! Kim Taehyung!"
"Hahahah.."
"Pilyo ka talaga! Hindi pa nga tayo eh!"
"Ehhh.. Hahah Liligawan pa ba kita? Eh alam ko na naman ang sagot mo?" natawa ka sa kaniya.
"Aba ang confident mo naman ata? Hindi porket gwapo ka na--"
"Bakit? Hindi ba ako gwapo dati?" ngumuso siya.
"Gwapo naman, kaso nga lang iba na kasi ngayon. A mixture of hot, cute and handsome ang datingan mo eh, tsh."
"Oh, bat parang galit ka?"
"Eh, andami ko ng kalaban diyan sa puso mo!"
"Ikaw lang naman ang laman nito eh.. love.."
"Hahahha! Love mo muka mo! Baliw!"
Nagtatawanan lang kayo hangga't sa maisipin ni taehyung na lumabas kayo para kumain.
"Love.."
Nakatingin ka lang sa labas ng bintana ng sasakyan ni Taehyung, malalim ang iniisip.
"Love..."
"Hmm?"
"Love, okay ka lang?"
Napalingon ka sa kaniya at malawak ang ngiti niyang palipat lipat ang tingin sayo at sa daan. Matamis ang mga ngiti niya, yung matagal mong inasam na ngiti niya.
"Hahaha wag ka ngang ngumiti ng ganiyan, love..
"Bakit naman, Love? Hahahah.."
"Eh ang gwapo mo kasi, love eh..."
"Hahaha eh love, hindi ko mapigilan eh.. Napapangiti ako tuwing tititigan o masilayan lang kita eh.."
"Hahahah baliw ka love.."
"Baliw sayo love .."
Nagpatuloy ang tawanan niyo sa loob ng sasakyan, ngunit tumigil lang ang kasiyahan ng itabi ni Taehying ang sasakyan para sagutin ang tawag mula sa telepono niya.
"Yeoboseyo? Sejin Hyung?"
["Taehyung! Nasan ka na?! May concert ka bukas diba? May rehearsal tayo ngayon! Kung Ano ano ang pinagkaka-abalahan mo! Mahalaga ba yan?!"]
"Mianhae, Hyung.."
["Pumunta ka na dito ngayon na!"]
"May kasama kasi ako ngayon, Hyung. Ihahatid ko lang siya tapos didiretso na ako diyan."
["Bilisan mo! Marami pa tayong aasikasuhin!"]
*TOOT*
Pinatay na ni Seijin ang tawag, napayuko naman si Taehyung sa manibela. Habang ikaw naman ay nakatitig sa kaniya, hinihintay mo siyang magsalita..
"Love.."
"Yes, love?"
"Okay lang ba kung--"
YOU ARE READING
Never Have I Ever [ON-GOING]
RomanceYou always need to choose. You always have to make the right decision. Story kung saan ikaw ang bida. Kim Taehyung Story.