CHAPTER 1

217 8 0
                                    

YOUR POV

11 na taon ang nakakaraan..

Naghahabulan kayong dalawa ng matalik mong kaibigan sa Hacienda niyo. Takbo dito, takbo doon. Para kayong sasakyan na may kargadang gas dahil antagal niyong mawalan ng enerhiya.

Tuwang tuwa lang kayo sa ginagawa niyong dalawa. Naglalaro, nagtatawanan. Hindi mo alam ito na pala ang huling araw ng pagtatagpo niyo ng matalik mong kaibigan.

Si Kim Taehyung, siya ang kaibigan mo simula ng lumipat ka dito sa Hacienda niyo. Taetae naman ang tawag mo sa kaniya dahil para sayo ay cute pakinggan. Makulit, malikot at madaldal si Taetae. May lahi siyang kalahating koriyano at kalahating Filipino. Kaya nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng tagalog.

Dahil sa hingal at pagod, umupo muna mayong dalawa sa ilalim ng puno at doon nagpahinga.
Nakangiti ka lang habang tinitingnan ka niya, habang siya ay nakanguso na. Hindi mo alam kung bakit kaya napatanong ka naman sa kaniya.

"Taetae, bakit mukang ang lungkot mo? Napagod ka ba? Sumakit ba ang puso mo?" takang tanong mo sa kaniya na nakatabingi pa ang ulo.

"Hindi naman, (y/n).. may naisip lang ako.." saka siya umiwas ng tingin sayo.

"Ano naman ang naisip mo, at mukang sobrang nakakalungkot niyan?"

"Eh kasi.."

"Eh kasi.. ano?"

"Wag kang malulungkot ha.." tumingin siya sayo at hinawakan ang kamay mo, tumango ka naman bilang tugon, "Babalik na kasi kami sa korea.. matagal na ulit bago tayo magkita.." malungkot na usal ng batang taehyung sayo.

Hindk mo alam ang sasabihin, parang bumagsak ang balikat mo dala ng kalungkutan. Napayuko at napatingin sa mga damuhan.

Hinawakan naman ni taetae ang baba mo at inangat para tingnan ka sa mata.

"Sabi ko sayo wag kang malulungkot eh.." bahid ang panlulumo sa boses ni Taetae.

"Eh, taetae, bakit aalis na naman kayo? Kala ko ba hindi tayo magkakalayo? Sabi mo dito ka lang ah?" nanlulumong sambit mo.

"I want to stay, pero kailangan ko din kasing bisitahin sila eomma and appa. They are too busy to come here, kaya ako na lang ang pupunta sa kanila. Atsaka may sakit ang kapatid ko ngayon eh, she needs her kuya to take care of her.." bumitaw ka naman sa pagkakahawak ng kamay niya sayo at tumayo saka humarap sa kaniya.

"Ganon ba? Wala na naman pala akong magagawa.." hindi mo na halos alam ang sasabihin.

"Pero promise.."

"Ano?"

"I will come back here! Pagbalik ko dito, sikat na akong artista! Promise ko yun sayo! At pagbalik ko dito, ikaw ang unang una kong hahanapin.." masaya ng usal ng batang taehyung sayo. Napangiti ka naman.

"Promise, Taetae?"

"Promise.." nakangiting aniya saka ka niya niyakap ng sobrang higpit.

Naglaro pa sila nang naglaro hangga't sa dumating na ang grandma ni Taehyung para sunduin siya. Bukas na ang alis nila papunta sa korea, mag-aayos pa sila ng gamit na kailangan dalhin.

Araw na ng pag-alis ni Taehyung. Habang ikaw? Nasa kwarto mo at umiiyak. Kahit na alam mong babalikan ka niya. Hindi mo naman alam kung gaano katagal ang paghihintay na iyon.

Umalis na nga si Taehyung sa Bansang pilipinas at doon na tumira sa bansang Korea. Naghintay ka ng napakatagal, umaasang babalik agad siya pero hindi.. matagal bago siya bumalik.

Never Have I Ever [ON-GOING]Where stories live. Discover now