Prologue

17.2K 155 0
                                    

"FOR REAL CRIS?!"

Hinampas ni Angela sa mesa ang ilang dokumento at papel na hawak .

"Real na real."

"Iba nalang ang ipagawa mo saakin 'kuya' please?"

Salubong ang kilay nitong nilingon siya.

"Ayan! Kinu-kuya mo lang ako kapag may kailangan ka!"

"Cris naman! This is too much! Alam mo namang—"

"Alam ko. Pero sa paraan na ito ka makakabawi kay Papang, wag mong sayangin ang opportunity Angela."

"I know.." napatitig na lamang siya sa bagong manicure niya na mga kuko.

Ngumisi si Cris at ginulo ang kanyang malambot at tuwid na buhok.

"Good, pag butihin mo kasi."

"I hate you!"

"Same here." tinatamad nitong wika. "Aalis na'ko."

She sighed.

Napabaling siya sa kawalan nang tuluyan ng makaalis si Cris. Mahirap ang pinapagawa ni Cris.

Isang private snipper ang kanyang kapatid, pinapanatiling misteryoso ang identity nito sa trabaho.

Mga malalaking tao ang target nito, samantala pilit namang inaalam ng mga drug lord kung sino ang unti-unting lumalagas sakanila.

Oras na malaman na si Cris ang nasa likod ng pagpatay ay hindi lang ang kanyang kapatid ang manganganib, maging sila na pamilya nito ay mapapalapit sa kani-kanilang hukay.

Ngayon ay pinapa-imbestigahan nito sakanya ang hinihinalang ahas sa bakuran ng Ebreo.

Kakailanganin niyang tumira sa mansyon na iyon upang mapadali ang kanyang misyon.

Ang problema ay kung paano niya maaatim na makasama sa iisang bubong ang dati niyang nobyo na minsan ng nagdala sakanya sa impyerno?

"Luke let me go please?"

Tigmak ng luha ang pisngi ni Angela habang nakaluhod na nagmamakaawa sa lalake.

"No." matigas na sagot ni Luke at marahas siyang itinayo .Hindi nito alintana na nakadress siya .

Galing sila sa birthday party ng anak ni Glenn—kaibigan nito.

"M-Masakit.."

Pilit siyang pumipiglas mula sa mahigpit nitong pagkakahawak sakanya.

"Nasasaktan ka?"

Mas lalo nitong pinisil ang kanyang braso. Nagliliyab sa galit ang mga mata nito.

"A-Ano bang problema mo?"

"Ang landi-landi mo kasi! Nakikipag-titigan ka sa kaibigan ko, harap-harapan pa sa mukha ko!"

LAVISHWhere stories live. Discover now