Chapter 16

2.7K 42 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Angela nang may maiigsing mga braso ang yumakap sakanya. It was Raf, masarap ang tulog nito habang nakadantay pa ang binti sakanyang tiyan.

Lumingap siya sa paligid. Nasa kwarto siya ni Luke ngunit wala ito.

"Lucrecio?"

Bumangon siya. She checked herself nang matapat siya sa salamin. Naka-night gown siya. Mabuti naman at mismong damit niya na ang ibinihis ni Luke sakanya. Hindi niya na kasi maalala pa kung paano siya nakapag-bihis. Ang alam niya lang ay pagod na pagod siyang nakalabas sa banyo at agad na nakatulog sa kama nito. Hindi kasi siya tinigilan ni Luke nang makisabay ito sa pagligo. Halos bumaha sa banyo nito nang magiba nila ang bathtub nito, hindi pa siya nito tatantanan kung hindi pa nasira ang tubo ng shower nito.

Tatawa-tawa siyang napailing sa isiping iyon.

Agad niyang dinampot ang mansanas na nakapatong sa side table ng kama. May sticky note doon.

"I'll be right back..."

Iyon ang nakasulat sa papel.

Agad niya iyon hiniklat at mabilis na kinagatan ang mansanas. Napukaw ang kanyang atensyon nang mag-vibrate ang cellphone na katabi niyon.

Umarko ang kanyang kilay.

Sobra naman ata ang pag-mamadali ni Luke para maiwan nito ang phone nito?

Dinampot niya ang telepono at walang pagdadalawang isip na in-unlock iyon. Nangunot ang kanyang noo.

From: Jeric

Sir, wer na ba u? Dito na resulta.

Pumaling ang kanyang ulo. Seems like importante nga ang lakad nito.

Mabilis siyang tumayo, magbabakasakaling nasa baba pa si Luke at maihabol pa niya ang telepono nito.

"Miss, san ka punta?" nalingunan niya si Raf, kababangon lamang nito, magulo ang buhok nito habang kinikisap ang pupungas-pungas nitong mata.

Nilapitan niya ito at muling ini-higa sa kama. "Bababa ako saglit, hintayin mo'ko dito ha?"

Sunod-sunod itong tumango at muling ipinikit ang mga mata. Kinumutan niya ito bago tuluyang tumungo sa baba.

Nadaanan niya si Alex sa dining area, abala ito sa nilalantakan nitong ice cream sa lamesa, ni-hindi nito napansin ang kanyang presensya.

Dumiretso siya sa dirty kitchen. Nadatnan niya doon si Manang Nida na nagliligpit ng mga kasirola.

"Manang, nakaalis na ba si Lucrecio?"

Dahan-dahan itong pumaling sakanya. "Kanina pa..."

"Naiwan niya po kasi itong pho—" natigilan siya nang mapukaw ng isang mangkok ang kanyang atensyon. Iyon ang pinag-lagyan niya ng sopas na may halong kemikal... at wala na iyong laman!

"M-Manang, sinong kumain ng sopas sa mangkok na yan?" ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Ah, ito ba?" Napangiti ang matanda. "Sinalin kasi ni Luke sa tupperware ang laman nito, babaunin nalang daw niya."

Shit.

Bumilis ang kanyang paghinga. "It can't be..."

"Ano iyon hija?"

Hindi niya na pinansin pa si Manang Nida, dire-diretso siyang lumabas sa kusina. Kailangan niyang puntahan si Luke, hindi dapat nito makain ang sopas!

LAVISHWhere stories live. Discover now