Chapter 12

3.2K 58 10
                                    

"HIJA!"

Nang makaapak sa hacienda ay agad siyang dinaluhan ni Chol, ang kanyang ina. Mababakas ang galak sa makinis nitong mukha. Yes, matanda na ito ngunit ni-wrinkles ata kahit sa noo ay wala ito. If only she could imagine kung gaano ito kaalaga ng kanyang ama.

"Ang tagal na nating hindi nagkita! Bakit ngayon mo nalang ulit ako dinalaw? Ha?" hinaplos nito ang kanyang buhok habang may namumuong luha sa kulay gabi nitong mga mata.

"Nag-unwind lang po ako." pagsisinungaling niya. Niyakap niya ito. Wari niya'y wala itong kaalam-alam sa pinagawang misyon ng kanyang ama.

"Bueno, hindi kana aalis diba? Ang tagal na nating hindi nag-bonding. Remember? Sabay nating niluluto ang parehong putahe pagkatapos ipapatikim natin iyon kay Arnaldo at Cris?"

"Then, sasabihin ni Papang na pinaglalaruan lang natin sila kasi pareho naman daw masarap at malasa."

Pinisil ng ginang ang kanyang baba. "Kaso kokontrahin ni Cris kasi lasang medyas lang naman daw."

Pagak siyang natawa. "Pero habang sinasabi niya iyon, tinatakbo niya na yung dalawang mangkok, hanggang sa mag-hahabulan na sila ni Papang para lang pag-agawan yung dalawang ulam."

Wala sa mga sarili silang nagtawanan. That was her favorite moment of her life. Madaming death threat ang nakapatong sakanilang pangalan, still nagagawa pa din nilang mag-saya na para bang walang mga sindikato na lihim na nagmamasid sakanila, na para bang anytime hindi bobombahin ang kanilang hacienda. Kung nakikita lang ng iba kung paano pagulungin ni Cris ang General sa tuwing kapwa hindi na unipormado ang dalawa.

"Wish we can entwine those moments here in present." malungkot na ngumiti ang ginang.

Gamit ang daliri ay pinunasan niya ang papatulo nitong luha. "Mang, kakauwi ko lang e. I was expecting na masaya ang ibubungad niyo saakin."

"Hindi mo naman ako masisisi, ikaw na nga lang ang anak kong babae, ikaw pa yung hindi nakatira dito sa atin."

"Ma'am Chol, pinapatawag po kayo ni Don Arnaldo sa taas."

Muli siyang sinulyapan ng kanyang ina. "Mauna na muna ako sayo, Angela. Iwan ko muna kayo ni Eva, tutal ang tagal niyong hindi nagkita."

Agad niyang binalingan ang babae na kadarating lamang. Mestiza ito na may nagma-may-aring maalon at itim na itim na mga buhok, kahit maluwag ang suot nitong kupas na damit ay hindi pa din naitago ang kurba ng katawan nito. Wari niya'y ka-cup niya ito ng bra, habang ang pang-upo naman nito ay umumbok pa din sa suot nitong maluwag na pajama.

"Natutuwa ako na nakauwi kana ulit Angela." nanatili itong nakayuko.

Namilog ang kanyang mata nang mabosesan ito. "Oh... God.."

Natawa ito sa naging reaksyon niya.

"I-Ikaw na ba yan, Eva?!"

"Akala ko pati ako nakalimutan mo na—" hindi niya na ito pinatapos pa. Agad niya itong tinakbo ng yakap.

Isa talaga ito sakanyang hinanap nang muli siyang tumapak sa hacienda. Paanong hindi? Si Eva lang naman ang kasa-kasama niya noong mga panahon na pinatapon pa sa kampo si Cris. Tatlong taon ang tanda nito sakanya, hindi niya lang ito basta tinuring na kalaro, ito din kasi ang tumayong ate sakanya, kaya naman kapatid na din ang turing niya dito.

Mabilis siyang kumalas dito. "Kamusta kana?!" kulang nalang ay iyugyog niya ang balikat nito.

"Ayos lang ako. Ikaw nga yung dapat kong kumustahin e."

"Actually, may ibibigay ulit ako sayong mga bra. Magka-size pa din ba tayo o baka mas malaki na 'yang sayo?" pumamewang siya at pinakatitigan ang suso nito.

LAVISHWhere stories live. Discover now