Chapter 11

3.3K 62 10
                                    

NAKAKALAT ang mga gamit ni Mang Semilyo, sa gitna ng mga iyon ay nakaupo si Angela. Kanina pa siya naghahanap ngunit mga litrato palang ang kanyang nakokolekta.

"Diary?" huminto siya sa paghahalungkat nang maagaw ng isang notebook ang kanyang atensyon.

Posibleng isinulat dito ni Mang Semilyo ang mga krimen na ginawa niya!

Agad niya iyong binuklat.

Nararamdaman na niya ang katotohanan...

Dear Diary,
 
          Naliligo kanina si Nida. Ang sarap-sarap pa din niya, gusto ko sana magsalsal kaso hindi na pala ako tinitigasa

Gross!

Muli niyang nilipat ang pahina.

Sa pagkakataong ito ay sigurado na talaga siya!

Dear Diary,

          Humahagulgol ako habang sinusulat ito. Paano'y tinadyakan ako ni Baby Raf habang natutulog—

Oh... so Raf pala ang pangalan ng batang iyon.

Sinabi niya na nga ba at may koneksyon ang batang iyon sa matanda.

Muli siyang nagpatuloy sa pagbabasa.

—punyetang bata iyon, nalunok ko tuloy ang pustiso ko, mabuti at naisuka ko agad, di bale ibababad ko nalang ulit ito sa swimming pool sa likod ng bahay.

Napangiwi siya. Kaya pala never siyang naattract sa pool ng Casa.

Muli niyang nilipat ang pahina.

Eto na talaga, promise!

Dear Diary,

          Nahuli ko si Nida na sinisilipan si Luke kani

Oh crap!

Inis niya na iyong isinara. Manang Nida at pustiso edition naman pala ang mga pinagsusulat ng bwisit na iyon. Wala man lang siyang napala!

"Okay na siguro ito?" pinakatitigan niya ang mga gamit na kanyang nakumpiska. Isinilid niya iyon sa loob ng dalang bag nang mapag-desisyonang lisanin ang kwarto.

I'm going home...

Natigil siya sa paghakbang nang makarinig siya ng igik na pag-iyak. Iyak iyon ng isang bata.

Pinakinggan niya iyong mabuti at wari niya'y nagmumula iyon sa likod ng bahay.

Maybe nasaktan niya lang ang sarili niya?

Ipinagkibit balikat niya iyon at muling humakbang.

"Isa! Papaluin ulit kita!"

Muli siyang natigilan. It was April's voice.

LAVISHWhere stories live. Discover now