My thoughts are higher than your thoughts.
Yan yung isang parte sa verse na sinasabi ng Diyos na ang pag-iisip Niya ay hindi natin pag-iisip.Aaminin ko na isa ako sa mga bilyung-bilyon na kristiyano sa mundo na napapa-isip kung ano ang plano ng Diyos.
Minsan kase ang HIRAP intindihin.Sabi nga dun sa napanood kong pelikila "minsan kailangan mo lang maniwala"
Paano naman ako magiging masaya kung madaming problema na dumadating sa akin, sa amin ng pamilya ko.Ang dami kong sinabi pero di pa ako nakakapag pakilala.
Ako nga pala si Cayla isa ako sa mga leader na sa gawain ng Panginoon sa aming iglesia sa edad kong 23.Minsan nararamdaman ko na iniwan na ba ako ng Diyos?
Bakit parang ang tahimik Niya?
Bakit hindi na Niya ako kinakausap?
Bakit hindi ko marinig ang Kanyang boses?Hanggang kailan ba, O Yahweh,
Ang lingkod mo ay lilimutin?
Gaano ba katagal pa magtatago sa akin?Gaano pa ba katagal itong hapdi ng damdamin
At ang lungkot sa puso kong gabi't araw babatahin?
Kaaway ko'y hanggang kailan kaya ako aapihin?Tunghayan mo at tugunin,
O Yahweh na aking Diyos,
Ibalik Mo ang lakas ko nang hininga'y di malagotAng palalong kaaway ko'y huwag bayaang maghambog
At malugod na sabihing:
"Nagapi ko siya ng lubos! "
(Awit 13:1-4)Sa mga panahong ganto ang nangyayari sa ating buhay.
Madalas tayong makalimot aminin man natin o hindi.
Yun ang totoo.
Minsan nga last option pa si Lord.
Tapos ang lakas lakas ng loob natin na sumbatan Siya.Madalas pa nga nagrerebelde tayo sa Kanya.
Pero totoong may Diyos."Ang mananatiling tapat hanggang wakas ay siyang maliligtas! "
-Mateo 10:22Tiwala lang sa Diyos kapatid!
Siya lamang ang di nagbabago.
Siya lamang ang tumutupad sa Kanyang mga pangako.Sana samahan niyo ako na mapatunayan na HINDI TAYO IIWAN NI PAPABAYAN MAN NG DIYOS.
ANG MGA KWENTO, PANGYAYATI, PANGALAN, AY NAGKATAON AT ANG STORYANG ITO AY KALAHATING HANGO SA TOTOONG PANGYAYARI, SA BANAL NA SALITA NG DIYOS AT SA AKING IMAHINASYON.
A/N:
Sana suportahan niyo ang kwentong ito :)
God bless!
From cover photo and this photo credits to the real owner :)
BINABASA MO ANG
Kailan ka iniwan ng Diyos?
SpiritualPaano kung isang araw di mo na nararamdamang may Diyos? Sa dinami dami ng nangyari sa buhay mo wala namang Diyos na sumaklolo sayo. Ano ang gagawin mo?