Bago ako operahan pinaliwanag sa mga magulang ko ang posibleng mangyari.
Andun din ang iba kong mga kapatid sa church para ipanalangin ang operasyon ko.Alam kong pwedeng hindi na ako mabuhay pero higit sa lahat alam kong di ako iiwan ng Diyos.
"Hihinatyin ka namin anak."mangiyak ngiyak na sabi ng nanay at tatay ko.
"Lumabas ka diyan ha?ililibre kita ng madaming gummy bears!" nakangiting wika ng bestfriend kon si Susi.
Madami pa silang sinabi pero wala na akong naintindihan dahil unti-unti nakong binabalot ng antok.
Pagmulat ko nakita ko ang sarili ko sa operating table.
I saw how careful the doctors are,para bang ingat na ingat silang magkamali.Then I heard a voice "Anak halika,napaka kalamdo ng boses niya ang sarap pakinggan tingnan mo turo niya sa mga tao sa labas ng operatin room na matyagang nanalangin para sa akin. I heard their cries for you Anak baling Niya sa akin alam kong mas okay ka dito pero di mo pa oras,oras na makabalik ka sa lupa gawin mong testimonya ang iyong buhay.
"Opo Ama sabi ko sa Kanya alam kong Siya ang Diyos kung titingnan mo siya nakakasilaw talaga siya siguro baka nakakabulag din.
"Panginoon gusto ko lamang itanong kung nasaan ka sa panahong kailangan po kita?bakit hindi kita maramdaman?" tanong ko sa Kanya.
Ngumiti muna siya bago sumagot. Anak gusto kong sabihin sayo na sa panahong tahimik ako nais ko lamang tingnan kung hangang saan ang pananampalataya mo at noong hindi ka makalakad hindi ang wheelchair at tungkod ang tumulong sayo,Ako iyon anak pasan pasan kita sa aking likuran." pagtatapos ng Panginoon.
" Sige anak bumalik ka na sa iyong katawan,hihintayin kita sa heaven pagdating ng panahon." nakangiting wika ng Panginoon.
***
Pagkatapos noon nagising ako na nasa isang pribado na akong silid.
Nalaman ko din na nag-agaw buhay ako at hirap na hirap ang mga doctor na i-revived ako.Pero noong idedeklara na nila akong patay bigla na lang tumibok ang puso ko.
Naniniwala ako na Diyos ang may kagagawan nun.
Hindi pala Niya ako iniwan.
Akala ko lang pala iyon.
Nilagay lang ng kaaway sa isip ko para magalit ako sa Diyos."Pero sa kabila nun at ng aking mga pagkukulang naging tapat ang Diyos sa aking buhay." masaya kong wika sa akin sarili.
Pagkalipas ng ilang araw at inuuwi na ako dahil sabi ng doctor naaring kong itutuloy ang pagpapalakas sa bahay.
***
At eto na araw ng linggo.
Habang nakaupo ako sa wheelchair dahil mahina pa ako.Habang nag-aawitan ang lahat.
Pumikit ako at inangkin an kantang inaawit namin bilang personal na panalangin sa Diyos."Kailan ka iniwan ng Diyos?
Kailan mo naranasan na Siya ay wa-la?
Anong sakit ang hindi Niya pinagaling?
Anong problema ang hindi Niya binigyan ng kalutasan?
Di ba't wala?lahat ay di lingid sa Kanya.
Kaya't wag mabahala.
Hindi tayo kailanman bibiguin at hindi papabayaan ng Diyos!"Ang sarap mabuhay kase alam ko na hindi pala nagpapabaya ang Diyos at hindi Siya nakakalimot sa mga anak Niya.
Tulad ng isang guro kapag exams tahimik lamang Siyan nagmamasid pero handan umaalalay at sumaklolo sa huli.
***
A/N:Tapos na maikli lamang ito.
Nawa at patuloy tayong lumapit sa Diyos dahil hindi Siya mapapagod na mahalin at tanggapin tayo kahit anong mangyari.#KristiyaKnows
Huwag mong isipin na iniwan ka ng Panginoon dahil hindi mo siya maramdaman, feeling mo ang layo niya, sa tuwing maisip mong hindi Siya nakikialam sa mga bad trip na pangyayari sa buhay mo. Alam mo sa totoo lang nag-uusap na kayo kapag nagtatanong ka ng bakit ganito Lord, di ko maintindihan, bakit nagyayari 'to, bakit di na katulad ng dati ang buhay ko?Isa sa mga dahilan kung bakit hinahayaan ng Lord na maramdaman mong malayo Siya sa iyo because He wants intimacy He wants you to be more closer to Him kasi love na love, na love, na love at walang katapusang love na love ka Niya o di ba? Kaya kapag feel mong malayo Siya 'wag kang lumayo talk to Him at promise He will answer all your bakits.
Kala mo lang yun malayo Siya... di naman eh... love na love na love ka nga Niya eh.
God bless!
BINABASA MO ANG
Kailan ka iniwan ng Diyos?
SpiritualPaano kung isang araw di mo na nararamdamang may Diyos? Sa dinami dami ng nangyari sa buhay mo wala namang Diyos na sumaklolo sayo. Ano ang gagawin mo?