Chapter 1

165 13 2
                                    


"Opppss nandito na pala si Mr. Gondol the nerdy , natin!"

"Ang pangit niya talaga no?"

"Sino kayang gumawa sakanya , di kaya anak 'yan ng demonyo?"

"Di. Anak 'yan ng shokoy"

" hahahahahaha"

'Yan na lang ang lage kong naririnig sa tuwing pumapasok ako sa paaralan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganoon nalang ang galit nila sa akin , e hindi ko naman sila inaano .

Kung hindi lang talaga sa isang babae na pinagkakahugutan ko ng inspirasyon edi sana matagal na akong lumayas na malaempyernong paaralang 'to.

Si Linzxy Danielle Suzzanne lang naman ang dahilan kung bakit araw-araw akong pumapasok sa paaralan at laging nakakatanggap ng masasamang kumento galing sa mga bully kung kaklase.

Hindi ko nga rin alam bakit nagkagusto ako kay Linda gayong bully rin siya. Binubully rin niya ako pero sa tuwing binubully niya ako , mas lalo akong naiinlove sa kanya.

Magkapit - bahay kami niyan ni Linda . At magkatapat ang bintana ng kwarto namin. Sa tuwing may assignments kami , tinatawag ko siya sa kwarto niya para ipaalam sakanya. Pero ang totoo lang useless ang pagtawag ko sakanya dahil ako lang din naman ang gumagawa ng assignments niya e. Pag may kailangan siya , ang bait-bait niya sa akin pero pag wala , parang pinandidirian niya ako.

Sa paaralan , hindi nga niya ako pinapansin e. Lage akong nangingistalk sa kanya . Nagagalit na nga ako sa puso kong 'to e sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit si Linda pa na bully.

Queen Bee si Linda sa school. Oo Queen Bee sya ,minsan nga kung nginingitian ko sya piling ko nandidiri sya sakin .Ang sakit isipin pero di bale basta mahal ko sya ,gagawin ko lahat para sa kanya .Ang lakas ng tama ko sa babaeng yun ,hindi ko nga alam kung bakit .

"Uy ,tukmol!"may narinig akong sumigaw .Lumingon ako at  nakita kong may papalapit sakin na isang botelya ng Master at dahil hindi ako nakailag ,natamaan ako .

"Yan gamitin mo yan sa mukha mong kinakalawang .Magmaster ka Dre para naman kuminis yang mukha mong roughroad"sigaw ng isa sa mga klasmets ko at tumawa .Nakita ko pang nag-aprihan sila ng mga barkada nya at nagbulungan .

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad .I don't care about them as long as I'm studying here and as long as I can be able to see Linda everyday ay buo na ang araw ko .

Oh my Linda ,kailan kaya kita magiging akin .You can be happy with me,I can give love and happiness that you want .

Habang naglalakad ako ,nakita ko si Linda at ang mga kaibigan nya na naglalakad papuntang cafeteria .Tinignan ko si Linda sakin at nang tumingin sya sa akin ,biglang bumilis ang tibok ng puso ko pero inirapan niya lang ako.

" Ang ganda niya talaga kahit ganyan ang ugali niya" bulong ko sa sarili.

Pumasok na ako sa room namin at pagpasok ko , bigla nalang akong pinagbabato ng mga papel na basa at nagtawanan silang lahat.

"Hahahahaha nakakatawa ka talaga Gon's. Pwede ka na sa perya. Doon nababagay ang mga shokoy na katulad mo hahah"

Grabe na ang panlalait nila sa akin. Buti na lang at dumating ang prof namin.

"Anong nangyayari dito?"tanong ng Prof .He then looked at me .

"Mr.Dussells ,what happen to your face ?"nag-aalalang tanong ni Prof sakin .Ngumiti nalang ako sa Prof at umupo dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa sila.

DARATING DIN ANG PANAHON NA LULUNUKIN NYO 'YAN LAHAT ANG MGA PINAGSASABI NIYO.

'Sir,naghahanda po kasi yang si Gondol  sa palabas nya mamaya sa Perya.Hahahah' at nagtawanan ulit silang lahat.

Gondol? Bakit ba palagi nila akong tinatawag na Gondol eh may pangalan na man ako.

My name is Gondseil Dussells at tinatawag nila akong Gondol. F*ck this !

***

How's this  chapter ?

Hindi naman talaga Gondol ang pangalan nya ,Trip lang talaga ng mga kaklase nya .

Tsk .

♡Collaborated

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now