Chapter: 6

56 6 3
                                    


"May tao ba loob?" kinatok ko ng comfort room at nagbabakasakaling baka may tao nga.

Tok-tok-tok-tok

"May tao ba sa loob? Bakit ka umiiyak? May problema ba?"

Sino ba 'tong babaeng 'to.

Kung di talaga 'to bubuksan sisipain ko 'to.

Venice's POV

Haysst bakit ngayon pa ako dinalaw.
Ngayon pa talaga na may program kami. Sayang ang cocktail ko kung matatagusan lang. Buti at nalaman ko at hindi pa tumagos.

Nandito ako ngayon sa cr at hindi ko na mapigilang di umiyak. Paano ako lalabas dito?

Wala akong dalang napkin. Ano ba naman 'to lintik.

"May tao ba sa loob?"

Omaygadddddd......sino 'yan..bakit ba ako minamalas.

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ang lupit ng tadhana sa akin. Gusto niya ba akong ipahiya. Hindi ako pwedeng lumabas.

"Hindi mo ba 'to bubuksan? Sisipain ko na 'to"

Ano????? Advice ko sayo, huwag na huwag mo talaga 'yang gagawin kasi magsisisi ka talaga.

Grabe napakaimpatient naman 'tong taong 'to.

Pwede ba umalis ka nalang.

"Umalis ka nalang! "
Sigaw ko sa kanya at sana sa panahong 'to ay aalis na siya .
Nakakahiya.

"May problema ba? May maitutulong ba ako"

Hayssttt...

Gondseil's POV

"may maitutulong ba ako?"

Nagbabakasakali lang namang may maitulong.Ano ba kasing problema niya Valentines na valentines umiiyak. Hiniwalayan ba siya?Mga lalaking gago nga naman .

"MAY NAPKIN KA BA?" Wah!Sya yung nagsalita?Hindi ako babae para magkaroon ng napkin at teka-kaya ba sya umiyak dahil niregla?Ano namang masama kung nireregla?Matanong nga si Mama mamaya .

"T-teka wala akong napkin .Hindi kasi ako babae ,lalaki  ako"sabi ko sa kanya. Pasensya wala kasing lalaking nireregla.

"Ah sorry. Pero pwede bang bilhan mo nalang ako please"what?bakit sa akin pa sya nagpapabili ng napkin. Hindi ko nga alam kung anong gusto nya large ba o ano. Haist!

"Sorry pero di ko alam kung anong klase napkin ang gusto mo at tyaka hindi ko din alam kung anong size nyang ano mo-"

"Hoy hoy kung sino ka mang lalaki ka wag masyadong bastos hindi naman kailangan ng size ng basta kata please bilhan mo na ako. Maawa ka sa akin, di ako makakalabas dito kasi tatagusan ako at mapapahiya kaya please tulungan mo ako sayang tong damit ko kung matatagusan lang. Huhuhu"

shit umiiyak na naman sya? Hay! Ang sakit sakit na nga ng puso ko ngayon may nangugulo pa. Magmomoment na sana ako dito sa CR kaso may istorbo tapos gusto pang mag pabili ng napkin.

"K-kas---"

"Segi na pls..huhuhu"

Hayst...mga babae talaga. Bakit ba hindi nalang sila maghanda ng maraming maraming napkin para sa kanila?

"O-oo segi segi. Pero di ko---"

"Kahit ano nalang"

Hindi pa nga ako nakatapos sa pagsasalita nagdemand na 'tong babaeng 'to.

"Oo na bibili na po"

~~¤¤¤¤¤~~

Nandito na ako ngayon sa harap ng convenience store. Alam niya ba kung gaano ako napahiya kanina.

May nakatuxedo ba namang pumupunta sa store at bibili lang pala ng napkin. Hayst. Ang creepy talaga ng word napkin.

Buti nalang talaga lalaki ako at gwapo pa. Hahaha talaga naman e.

"A-ale m-may n-napkin ba k-kayo?'' nakakahiya sobra oh Linda.

Aba aba ? Bakit ba tatawa-tawa ang aleng 'to? Bakit ako pa ba ang nag-iisang lalaki na bumili ng napkin dito? Well , sali na pala ako sa Guinness Book of World Record nito ng di ko man lang namamalayan.

"Iho , nakakatuwa ka tingnan. Alam mo bang malabo na ang mga lalaki ang bumibili ng napkin sa isang babae? Nakakasiguro kong proud na proud ngayon ang girlfriend mo"

Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to.

"Ano bang klase?"

"May iba't ibang  klase pa pala ?"

"Oo iho"

"Ikaw nalang ang pumuli doon iho"

Hayyy....hiyang-hiya na talaga ako rito.

Nasa tapat na ako ng mga lines ng napkin at alam niyo ba? Ang dami pala talagang klase.

Ano bang kailangan niya sa mga ito?

Ahh kahit ano na nga lang.

Vennice 's POV

"OH HETO NA!"

Galit ba siya? Alam niya bang ang tagal niya dumating.Pagalit-galit pa ,babayaran ko naman yan!Hindi ko yan hihingin .Tsk.

"Ba't ka ba sumisigaw !" Irita kong sabi .Grr.Langya talaga ng lalaking yan.Kapag nakalabas ako dito,aguy-lagot talaga yan sakin .

"Alam mo ba ang hiya na dinaranas ko?" Tanong nya sakin .Ba't naman nya ko tinatanong sakin?Nandun ba ako nung oras na napahiya sya?Wala naman ah!Kaya

Anong pakialam ko?

"Akin na nga 'yan"

Iniscan ko ang mga pinamili niya.

Grabe may modess , sister , wings , whisper at lahat ng klase ng napkin nandito na  at may ph care pa. Sinong nagsabi sa kanya na kailangan ko 'to?Baliw na lalaki tu .

"Bakit ang dami ng mga pinamili mo?"

Natatawa ako sa mga pinamili niya sobra. Lalaki nga talaga.

Gondseil's POV

"Bakit  ang dami ng pinamili mo?"

Aba aba alam ko bang may klase pala yang mga ganyan.

"Hindi ko nga alam kung alin ang gusto mo. Kaya magpasalamat ka nalang kasi ng dahil dyan sa pesteng napkin na yan napahiya tuloy ako" kanina kasi habang kumukuha ako ng napkin ang daming nakatingin sa akin tapos ang ina tumatawa.

May narinig pa nga ako na kahit maghiwalay pa sila ng girlfriend nya hinding hindi sya bibili ng napkin mas mabuti pa dawng tawas ang bilhin nya kaysa napkin.

"Tyaka bakit may pH care dito?"sigaw uli nya. Argh! Bakit ang daming tanong ng babaeng to. E malay ko bang hindi na pala kailangan ng PH care. Kasi napapanood ko kasi sa TV yung comercial na ginagamit yun. Basta napanood ko lang kaya binili ko.

"Wag la na ngang maraming reklamo dyan. Tyaka magpasalamat ka, kasi pera ko ang ginamit sa pagbili nyan"

"Sabi ko nga tatahimik na ako"

***

♡Collaborated

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now