Chapter 2

101 13 0
                                    


Sa mundong ginagalawan ko ,ang nakikita ng mga tao sakin ay pangit ,shokoy na bagay sa perya ,nerd at iba pang mga masasakit na salita  na ibinibigay nila sakin.

Masakit man isipin pero tinatanggap ko  nalang yun .I convince myself not to get away from those bullies dahil kakainin naman nila lahat yang mga sinasabi nila sakin sa tamang panahon .I don't care about them .

Habang naglalakad ako ay may narinig akong sabi .

"Uy Pre ,may laro daw si Linxy ngayon sa volleyball .Tara puntahan natin para maka-score na naman tayo muli"aniya .Nagulat ako,anong n-naka score ?Anong ibig sabihin ng score?

Umiling iling nalang ako sa naisip ko .May laro pala ngayon si Linda ?Maki-cheer nga .

"Tumahimik ka dyan Pre ,puro kalibugan yang iniisip mo"sabi naman nung isa at nag-aperan sila .Kinabahan ako ng bigla silang lumingon sa deriksyon ko .Sh*t .Nagkatinginan ang dalawa at nagtanguan .I think they have a bad intention to me .Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo ako .

"Hoy ikaw'ng Nerd the Gondol ka .Halika dito ,alam mo bang hindi maganda yang ginagawa mong kagaguhan ngayon ha?"Sigaw nila sakin .They're chasing me now .Mas nilakasan ko pa ang takbo ko .Ng makita kong naligaw ko sila ay dali-dali akong pumasok sa Dyanitor's Room.

Hingal ako ng hingal at napahawak sa dibdib ko .Muntik na ako nun ah?Sh*t .

Umupo ako sa sahig ng biglang may tumawag .I immediately pick up my phone .

"Hello?Ano na naman?Tell him ,that I won't do that .Hindi ko gustong mamahala?They chasing me?As if ,they can chase me?No,no .Your wrong .What ?Tsk .Just tell that Old Man to stop forcing me to do that thing .I don't want to be the  Hei-"Napahinto ako sa aking sasabihin ng may biglang kumalabog sa may bandang lagayan ng mga walis .

Muntik ng malaglag ang Cellphone ko sa pagkabigla. Baka nasundan ako ng mga gagong yun. Shit! Hindi pwede pangit na nga tong mukha ko bubugbugin pa nila. Shit! Lumingon lingon ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaki at nagkatitigan  kami. Shit! Nakita nila ako.

"Pre, ayon"sabi ng isang lalaki sabay turo sa akin.

Shit! Shit! Hindi ako dapat magpahuli sa mga Ungas na yan.
Nagbilang ako sa isip ko, isa, dalawa, tatlo, takboo .

Kahit saang deriksyon ako dumadaan para hindi lang nila ako maabutan. Hanggang makarating ako sa Gym kung saan naglalaro si Linda .

Pumasok ako sa mga nagkukumpulang tao.Mas safe ako dito dahil hindi ako makikita. Ang daming estudyante dito.Ang iba naghihiyawan. Tumingin ako sa harap kung saan naroroon si Linda. Pagtingin ko ay nagreply din siya ng tingin sa akin.Kinikilig ako at dahil don nabawasan din ang pagod at kaba na aking naramdaman sa pagtakbo.

Tumingin-tingin ako sa aking paligid kung safe na ba ako sa mga ungas na naghahabol sa akin.Pero nakaramdam ako ng hiya kasi ang mga katabi ko ay mga naggwagwapohan at naggagandahan mga estudyante at nahiya naman ako sa face ko pero inalis ko yun sa isipan ko basta makikita ko lang si Linda.

"Oh Linda,kay ganda mo talaga sana ay mag-"

 "Prrrttt, wrap up na muna"

Natigil ako sa aking pagsasalita ng narinig ko ang lakas ng ingay ng pito ng referee at magsisimula na pala ang laro.

Naghihiyawan ang mga studyante ng malaman na naka score ang team ni Linda at di rin ako nagpapatalo tumayo ako at nag Cheer sa admirer ko.

"Go!Linda!"

Sa lakas ng boses ko ay natahimik sila at lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin. Dahil sa kahihiyang ginawa ko nagpasya nalang akong umupo at tinuloy ang panunuod sa laro ni My love.

Disperado na kung disperado basta akin lang ang my love ko.

Itinuloy nila  laro at sa lakas ng spike sa kalaban nina Linda ay nawalan sila ng defense. At nakaramdam ako ng kaba na baka matamaan si Linda at masaktan.

"Go!!Gondol" nabigla ako ng may sumigaw na Gondol. 

Wala namang ibang tinatawag nila na ganoong pangalan kundi ako lang. Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang isang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan at nag aapiran pa. Alam kung sila ang sumigaw ng Gondol pero binaliwala ko nalang yun kasi wala naman akong mapapala. They're such  a bunch of losers .

Biglang tumingin sa akin si Linda at parang galit.Kasalanan ko ba yun na nawalan sila ng defense?
Pero di bale magalit ka nang magalit sa akin si Linda balewala sa akin yun dahil ganyan kita kamahal kahit malabong mangyaring maging tayo.

"Ppprrrrt,timeout!"sigaw ng referee

Ilang minuto din ang lumipas ay itinuloy na rin ang laro para  sa desisyon ng game.

Parang di ako komportable sa kinauupuan ko lalo't disesyon na ng laro kaya di ako nagpatinag at humanap sa harap ng kina uupuan ko.

At finally nakahanap ako ng blangkong upuan at sa harap pa at klarong-klaro ko si Linda.

Dito mas safe ako at wala nang manggugulo sa akin. Mas klarong-klaro na ang kagandahan ni Linda mula dito.

Mukhang hindi maganda ang naging laban nila. Klarong-klaro sa mga mukha ng mga kasamahan ni Linda na nahihirapan na sila. Masyadong malalakas ang mga kalaban nila ngayon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon biglang bumanat ng spike si Violet ,ang lider ng kabilang grupo. Mukhang hindi iyon inaasahan nila Linda.

Sinapak ni Violet ng pagkalakas-lakas ang bola dahilan para pumunta ito sa lugar kung saan nakapwesto si Linda.

Mukhang hindi ito napaghandaan ni Linda. Bumagsak ito sa kamay ni Linda pero tabingi ang kamay niya.

Lumipad ang bola sa ibang direksyon. P-parang papunta ito sakin .Shit! Pumunta sa  direksyon ko ang bola .

Hindi nga ako nagkamali at foooock .

Ang huli kong naalala ay nakarinig ako ng mga tawanan. Hindi man lang ako nakarinig ng mga sigaw para tulungan ako.

'At sa sandaling 'yon ay nilamon na ako ng kadiliman.

Anong nangyari?

***

Hey there kiddos !!

How's this  Chapter ?

Bitin?HaHhH .Good luck and Enjoy!

♡Collaborated

The Ugly's First HeartbreakWhere stories live. Discover now