FBB Prologue

25 1 0
                                    

"NASA IYO NA ANG LAHAT, MINAMAHAL KITA PAGKAT. NASA IYO NA ANG LAHAT, PATI ANG PUSO KOOOO~!"

"SABAYAN NIYO KO GUUUYYYSSS!!!!"

At lahat nga sila sinabayan ang idol nila.

"NASA IYO NA ANG LAHAT, MINAMAHAL KITANG TAPAT. NASA IYO NA ANG LAHAT PATI ANG PUSO KOOOO~!"

"KYAAAAAAAA~!!!"

"MARRY ME WEYNEEEE~!!!"

"WE LOVE YOUUU WEYNEEEE~!!!"

"PAKIIIISSSS WEYNE WAAAAHHH~!!!"

"OH OH OH OHHHH! NA-NASA IYO NA ANG LAHAT!"

"OH OH OH OHHHH! NA-NASA IYO NA ANG LAHAT!"

"WAAAAAHHHHHH~!!!"

"KYAAAAAAAAAAA~!!!"

Nagwawala na ang madla!!!!

"THANKYOU GUUUYYYSSS!!! SEE YOU NEXT TIME!!! ILOVEYOUUU ALL~!!!"

At namatay lahat ng madla...

Namatay sa kilig!!!

Namatay sa saya!!!

Namatay sa tuwa!!!

"WAAAAHHHHH~!!!"

"WE LOVE YOU TOO WEYNEEEE~!!!!"

"KYAAAAAAAA~!!!"

-

From: Babes<3

Babes! San ka? Tapos na ang concert. Uwi na tayo bilis!!!

To: Babes<3

Andito ako sa parking lot babes! Nakaabang ako sa kotse ni Weyne kyaaaa~! Punta ka din dito dali!!!

From: Babes<3

Hay nako Danielle! Bat andiyan ka? Pano ka naman nakapunta diyan? Die hard fan ka talaga no! Tss. TARA NA UWI NA TAYO!!!

To: Babes<3

Hay nako Happy! Suportahan mo na lang ako o? Bilis na punta kana muna dito!!!

From: Babes<3

Sige na nga leche kang babae ka, pasalamat ka at bestfriend kita! Die hard biatch este fan hahaha!

Yung katext ko? Si Happy Manuel, bestfriend ko. Babae yan ha! Babes lang talaga tawagan namin hehehe ^_^

Bakit ang tagal naman ata ni Weyne lumabas?

Pagkatapos na pagkatapos ng concert niya tumakbo na ako agad dito sa parking lot, at pano ko nalaman na kotse niya to?

Oh well! According nga kay Happy, Im a die hard biatch este fan hahahaha!

Maya-maya pa may narinig akong ingay,

"So ikaw pala ang girlfriend ni Weyne?"

"Pano ka naging girlfriend ni Weyne ha!?"

"Siguro nilandi mo ng bongga yung idol namin no?!"

"O baka naman ginayuma mo?!"

"Aba matinde! Di ka naman maganda para patulan lang ni Weyne baby!"

Nakita ko sa di kalayuan ang limang babae na nakapabilog sa isa pang babae, familiar sila. Ahh, sila yung sa harapan namin ni Happy kanina. Yung mga grupo ng babae na todo makatili, kabasag eardrums! Di na tuloy ako naririnig ni Weyne ko.

Pero teka? Anong sabi nila?

Girlfriend ni Weyne?

So, may girlfriend na si Weyne?

Waaahhh!!! Bakit diko alam?

Akala ko pa naman die hard fan ako!

Kotse niya alam ko pero yung may girlfriend siya diko alam?

Waaahhhh!!! Di nako die hard fan!!!

Pero, ANO!?

Girlfriend?!

Waaaahhhhhh!!!!

GIRLFRIEND!!!!????

SI WEYNE KO MAY GIRLFRIEND!?!?!

"HOY! BAKIT NIYO SIYA SINASAKTAN!?"

Napatigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang boses na yon.

Napatingin ulit ako sa limang babae kanina, nakaline na sila ngayon at nakayuko.

Pero nakakuha ng attention ko e yung isang lalaki at babae sa harapan nila, pareho silang familiar. Nakayuko yung babae at gulo-gulo yung buhok niya tapos yung lalaki parang nakayakap siya dun sa babae na para bang pinoprotektahan niya.

"W-weyne, h-hindi naman t-totoo diba? N-na s-siya yung g-girlfriend mo?" tanung ni girl 1.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako papalapit sakanila.

Sabi na e, kaya familiar yung lalaki, si Weyne pala to.

Waaaahhh!!! Si Weyne pala to!!!

Teka asan na ba yung cellphone ko!?

Kelangan kong magkaroon ng picture kasama siya kyaaaaaa!!!!

"Oo tama kayo. Siya ang girlfriend ko."

Silence…

Kroo… Kroo…

Silence…

"Waaaahhhhh!!!!"

"Huhuhuhuhu!!!!"

"Bakit Weyne!!!!???"

Isa-isang nag-iyakan at nagwala yung limang babae.

Huh? Totoo?

May girlfriend na si Weyne ko?!

SAKSAK PUSO,

TULO ANG DUGO!

PATAY, PATAY, PATAY NA AKO!

HUHUHUHUHUHUHU!!!!!

"WEYNE KO! M-MAY GIRLFRIEND KA NA!?" sigaw ko kahit sobrang lapit ko naman sakanila.

Nakuha ko lahat ang attention nila maliban sa babae na sinasabi nilang girlfriend niya.

Lahat sila nakatingin sakin maliban sa babaeng 'girlfriend' ni Weyne ko!

Parang nanigas sa kinatatayuan niya yung babae.

Hindi ko alam pero imbis na kay Weyne ako lumapit sa 'girlfriend' niya ako lumapit.

Para bang may nagtutulak sakin na pumunta at lumapit sakanya.

Paglapit ko, unti-unti kong hinarap yung babae saken.

"D-DANIELLE! S-SORRY! L-LET ME EXPLAIN!!!"

SAKSAK PUSO,

TULO ANG DUGO!

PATAY, PATAY NA PATAY NA TALAGA AKO!

"H-HAPPY?!?!?!"

First blood,

"I-ikaw ang g-girlfriend ni W-weyne?"

"I'll explain---"

"SAGUTIN MOKO HAPPY!!!"

"OO GIRLFRIEND KO SIYA!!!"

Double kill,

"Kaya kayo, wag na wag niyong sasaktan si Happy. DAHIL GIRLFRIEND KO SIYA AT BOYFRIEND NIYA AKO!"

GG na sir </3

Hekhek! What can you say? :)

PLEASE!!! Vomment and follow :)))

@nhicspastrana

Follow me on my instagram and twitter account: @nicasexxyy THANKSSS! ♥♥♥

Fangirl meets her Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon