FBB 3

8 1 0
                                    

Happy's POV

At ayun umuwi na nga ako sa Pilipinas, hindi naman ako ganun naging malungkot dahil kay Danielle, atska madalas din kaming mag-usap ni Winter. Pero walang may alam nito, kahit si Danielle.

Hindi naging madali yung long distance relationship namin ni Winter pero kinakaya namin. Pero miss na miss ko na siya huhuhu!

Mabilis na namang dumaan ang panahon at 1 year na agad ang nakalipas pero kami ni Win ay going strong padin hanggang sa isang araw hindi siya nagparamdam sakin at umabot ito ng 1 week. Lagi akong umiiyak nun, hindi ko alam kung anong nangyayari. Kung ok ba kami? Kung may nagawa ba ako? O kung anong nangyayari sakanya?

Tapos isang araw may tumawag sakin, di naka register yung number pero feeling ko importante kaya kahit di ko kilala sinagot ko na.

"H-hello?" nag aalangan pa akong magsalita.

"HAPPY!!!" sigaw ng nasa kabilang linya, nailayo ko yung phone ko sa tenga ko.

Pero wait, familiar yung boses niya ah...

Parang si...

"W-winter?" nauutal kong tanong.

"Oo Happy! Ako to! Where are you? Let's meet! Nasa Pilipinas ako."

Nasa Pilipinas ako...

Nasa Pilipinas ako...

Nasa Pilipinas ako...

Paulit-ulit sa tenga ko yan habang nasa taxi ako, magkikita kami ni Winter. Andito siya, hindi na ako masyadong nagtanong sa phone dahil gusto kong itanong sakanya in person.

Pagdating ko sa meeting place namin tumakbo agad ako palapit sakanya at niyakap ko siya.

"I miss you..."

Yumakap na din siya sakin, "I miss you more!"

Nagpunta kami sa isang coffee shop para dun nalang mag-usap.

"Kelan ka pa nakabalik?" tanung ko sakanya pagka-upong pagka-upo namin.

"Kahapon lang." tapos nagsmile siya.

Pero paano?

"Kaya ba hindi ka nagparamdam ng isang linggo dahil dito?"

Tumango lang siya.

"Sorry, diko na sinabi. I wanna surprise you." ngumiti siya tapos hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Ok lang, ang mahalaga andito ka. Pero p-paano?" nautal pako hahaha, nagaalangan kasi akong itanong e.

Tumingin siya sa mata ko, nagkatitigan kami.

"My mom and I had a deal..." tapos parang nag iba yung mood niya pagkasabi nito o baka imagination ko lang.

"What was the deal?" tanung ko.

Umiwas siya ng tingin, "Not now Happy, pero sasabihin ko din sayo soon." tapos tumingin ulit siya sakin at nagsmile.

Nagsmile nalang ako at tumango. Ok lang kung di na niya sabihin ang mahalaga andito siya.

"Are you staying for good... o aalis ka din?" tanung ko.

Nagsmile siya, "Im staying for good." nagdiwang lahat ng lamang loob ko lalo na yung puso ko sa narinig ko hahaha.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa di namin namalayan na late na pala kaya hinatid na niya ako.

Fangirl meets her Bestfriend's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon