(1) The Anniversary

58 4 0
                                    

Corrine's POV---

June 23, 2012

*yawn*

*yawn*

*yawn*

*inat, inat, inat*

Grabe, gusto pa talaga pumikit ng mata ko. Antok pa ako. -______- Huhu TT

Kaso di na talaga pwede, 9:00 pasok ko ngayon. Haayyy!

Teka, di pa ako nagpapakilala ah? Haha. Sensya na may memory gap eh :D

Ako nga pala si Corrine Jamie Villanueva. 19 na ako. BSBA ang course, 2nd year.

Maganda, maputi, di naman ganun katangkad. 5'4 lang naman ako eh. Di naman ako matalino pero di din naman bobo. Kumbaga eh, sakto lang.

Only child lang ako, pero yung parents ko nasa Europe. Andun din kasi Lolo't Lola ko sa father side. Dun daw nila gusto tumira. Ako naman, ayoko sumama. Basta. Ayoko eh. So yes, I'm living alone. Kahit kasambahay, wala. Sanay naman ako eh. Tsaka eto naman talaga ang gusto ko. Yung may FREEDOM ako.

Bumangon na ako ng higaan, nag-ayos, nagmumog, nagsuklay.

Bababa na sana ako. Nasa second floor kasi ng bahay yung kwarto ko nang makita kong may note sa may pinto.

"IWBYF"

Ano kaya toh?Ano kayang meron ngayon?

*isip isip isip*

Hmp. Parang wala naman eh.

So ayun, bumaba ako sa may kusina kaso laking gulat ko nang makita kong may nkaready nang breakfast.

At yung nakahain, mga paborito ko. May tortang talong, fried chicken, hotdog, banana bread at may leche flan pa. WOW TALAGAAA!

Tapos nagulat ako ng may yumakap sakin mula sa likod ko.

"Goodmorning CJ ko. Happy 2nd Anniversary. I will be yours forever. You know that."

Hinalikan nya ako sa may cheeks ko habang nkayakap parin sya sa may likod ko.

Npa OMG ako. Pano, nakalimutan kong anniversary namin ngayon. Waahhh! Tsaka teka? Yun ba yung ibig sabihin ng IWBYF sa note? Hm. Malamang nga =)

Haayyy! Ni wala man lang akong gift for him T^T

Oh, I almost forgot! Sya si Denver. Ang pinakamamahal kong boyfriend.

Ginamit nya siguro yung duplicate ng susi nitong bahay kaya sya nkapasok. Meron sya nun para daw kpag may emergency or pag may sakit ako, makakapasok agad sya.

Oo, minsan dalawa lang kami dito sa bahay but WE KNOW OUR LiMITATiONS.

Naramdaman ko na lang na kinurot nya yung pisngi ko, kumalas sya sa pagkakayakap at humarap sa akin.

"Ikaw ha! Kinakalimutan mo ang anniversary natin. Hmp."

Yung boses nya, may konting bahid ng pagtatampo. Kailangan lang yan ng lambing :D

Niyakap ko siya tapos sabi ko,

"Babe, sorry naman oh. Yung anniversary lang naman ang nakalimutan ko, dka naman kasama dun eh. Sobrang love pa rin kita noh!"

"Haha! Alam ko naman noh! Tsaka alam kong makakalimutin ka"

Grabe! Oo na. Ako na makakalimutin. Tanggap ko yun.

"Tsaka ndi kita masusurprise ng ganito pag naalala mong anniv. natin ngayon =). At kahit magka Alzheimer's pa ang CJ ko at makalimutan mo lahat ng tungkol sa atin, mahal na mahal pa rin kita."

CJ ko. Ganyan talaga tawag nya sakin. Ayoko nga sana kase tunog lalake. Pero nasanay na ako at gusto ko, sya lang tumatawag sa akin ng ganun. Corrine ang tawag sa akin ng iba.

"Ang sweet naman! Mas mahal kaya kita! Tsaka nasurprise mo talaga ako. I really am so thankful at ikaw ang naging boyfriend ko."

"Swerte mo kamo kasi ikaw ang niligawan ko. Haha"

Ayan, tumakbo na naman pagiging loko niya XD

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Joke lang babe! Di ka mabiro. Halika kain na tayo!"

Tapos ayun nga, kumain na kmi. Pagkatapos, naghugas ako. Naligo.

Nag aantay lang sa sala si Denver habang naghahanda ako for school.

Same school kami, same course. Classmates kami kaya halos araw araw na magkasama.

Ewan ko ba, parang di namin kayang magkalayo. Sabi nga ng iba, buti daw di kami nagkakasawaan.

For what reason naman na magkasawaan kami di ba?

Madami pa namin kaming hindi nagagawa lalo na yung ginagawa ng mga mag-asawa kaya hinding hindi kami magsasawa sa isa't-isa.

Gentleman kasi si Denver. And may respeto siya sa akin. Lalo na sa mga magulang ko.

Open na kasi kami sa family ng bawat isa. So ayun.

Pagkatapos nun, pumasok na kami.

Pagdating namin sa room namin, pareho kaming gulat na gulat ni Denver.

Grabeh! Anu tohh??????

--------

Ang weak naman ng chap.1. Haha ;D

My apology for the flaws. <3 :)

Love TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon