(FLASHBACK)
Coreen's POV
Ang tagal ni Denver. Inip na inip na ko. Hay!
May usapan kasi kami ngayon dito sa Crista's. Favorite rastau namin. Masasarap kasi mga pagkain dito at hindi masyadong mahal.
Mag-iisang oras na nga yata akong naghihintay. Grabe lang? Oo eh. Di ko naman siya macontact. Haist!
Humanda sakin yung lalaking yun bukas! ><
Nakatayo na ako para umalis nung biglang sumakit yung paa ko. Anu ba naman yan! Ngayon pa ako inatake nito. Psh! Nasprain kasi yung paa ko noon tapos mula nun, may mga times na nahihirapan na akong igalaw yung paa ko. Pero minsan lang naman.
At dahil ndi ko ineexpect yun, na-out of balance ako. Waahhhh! Nakakahiya. Omigod madami pa namang customers ngayon T^T
Sinubukan ko tumayo kaso wala eh, masakit pa din. Tsk!
"Miss, are you okay?" boses ng isang lalaki.
Bago pa ako makasagot, namalayan ko na lang na inaalalayan na nya akong tumayo.
Pinaupo nya ako dun sa inupuan ko kanina. Nakita ko yung mukha nya. Cute. Maputi. Tapos nagulat ako dun sa sumunod na sinabi nya. Hindi sa akin nya yun sinabi kasi ndi naman sa akin siya nakatingin.
"Hey! Masyado ba talagang maganda ang girlfriend ko para pagtinginan nyong lahat?"
Tumingin ako sa paligid ko. Waahhh! Halos lahat nga sila nakatingin sakin. I mean. Sa amin? Urgh! Nakakahiya talaga. Haayyyy! And, wait! Girlfriend???? Waahhhhh! Denveeerrrrrrr! Where are you??? =.=
"Wag mo silang pansinin. Sinabi ko lang na girlfriend kita. Anyway, Okay ka na ba? What happened?"
Ah. Sabi lang pala nya. Kala ko. Uhh. Nvm.
"Ah, yung paa ko kasi biglang sumakit. Ganito talaga ako mula nung ma sprain yung paa ko nung 4th year."
"Oh, I see. May maitutulong ba ako?"
"Naku! Nakatulong kna. Enough na yun. Tsaka,uhm, medyo okay na rin naman ako."
Medyo naigagalaw ko na nga yung paa ko. Maya maya wala na ito.
"Uhh, wala ka bang kasama?"
"May hinihintay lang ako. Kaso di na yun darating siguro."
Ayoko na sabihin na boyfriend ko yung hinihintay ko. Nakakahiya.
Nakakapagtaka nga lang kasi parang ang gaan ng loob ko sa lalaking ito.
"Eh ikaw, wala ka bang kasama?"
"Wala. Di na rin siguro yun darating."
"Pareho pala tayo."
Ngumiti lang siya. Perfect smile. Lalong nagpatingkad sa kagwapuhan niya. Hm.
Maya maya tinanong nya ako kung okay lang ako. Sabi ko oo kasi okay na talaga yung paa ko.
Sabay na kaming lumabas ng Crista's. Ipinara lang nya ako ng taxi. Di daw nya ako maihatid kasi wala siyang dala na sasakyan. Sus! Okay lang naman yun sakin. Tsaka di din ako nakakasigurado. Baka mmya may iba itong balak sa akin.
Pag-uwi ko, naisip ko na ang awkward naman. Nag-usap kami pero ni hindi man lang namin nalaman ang pangalan ng isa't-isa.
(PRESENT)
Brent.
Brent pala ang pangalan niya.
Last year ata nangyari yun. Di daw nakarating si Denver noon sa date namin kasi biglang inatake sa puso yung papa nya. Pero ngayon, okay na si Tito. Para ngang hindi nagkasakit eh.
Tumingin ako sa likod ko kung san nkaupo sina Bent at Steph.
Kaso, ayun. Nakatingin na naman sakin si Brent at nakita ko ulit yung perfect smile nya.
BINABASA MO ANG
Love Twists
RomanceMahal mo ko pero mahal ko pa siya. Nung marealize ko na mahal na kita, huli na kasi wala ka na </3