Corrine's POV
Waahhhhh!
Sa labas ng classroom namin may banner. Ang nakasulat:
HAPPY ANNIVERSARY, VERRiNE!! <3 <3 <3
Grabeh! Kagulat lang. Para naman kaming artista kung mkagawa sila ng banner para sa anniv namin. Psh!
Ayan tuloy pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Yung iba nga from other college pa.
Pero, sweet din sila ah! Di naman sila masyadong nag effort. Haha :D
Tapos mya mya may mga nag abot din ng gifts sa amin. Saka na namin bubuksan kasi hello? Nasa skul kami noh.
Di kami pumasok para lang magbukas ng regalo. Pumasok kami para matuto. (NAKS!)
Natigil lang yung kaguluhan namin dun sa labas nung pumasok na yung instructor namin. May kasama siyang babae at lalake. Yung babae sobrang puti. Parang labanos tuloy. Pero bagay naman nya. Yung lalake naman tsinito. Gwapo.
Yung lalake nga pamilyar sakin. Parang nakita ko na siya somewhere else. Di ko lang maalala.
Maya maya nkaayos na kami sa loob ng classroom. As always, serious si Sir Val. Instructor namin sa Basic Finance. Pero magaling naman yan magturo.
"Goodmorning Class." si Sir Val.
"Goodmorning Sir!" sabay sabay pa kami. Elementary lang? Haha. Dejokelang.
"Anyway you have new classmates." tumingin si Sir dun sa lalake at babae na nakatayo sa tabi niya.
"They are from Elite University. Nagtransfer sila dito. And sa section nyo sila nailagay."
Kami naman, napaW-O-W !!
Sikat kaya na school ung Elite University. And yung mga sobrang yaman lang talaga ang nag aaral doon.
I wonder bakit sila nagtransfer dito. Maganda din naman school namin but hindi singganda ng EU.
"Introduce yourself now so we can start the discussion."
Naunang nagsalita yung girl. Parang friendly naman siya kasi parang natural naman yung ngiti niya.
"Hello! I am Stephenie Valdez. But you can call me Steph for short. :) "
Nagulat kaming lahat nung sumigaw si Troy- ang playboy sa section namin.
"Ang ganda mo naman Miss Steph!"
Meron mga tumawa kaya ayun, namula yung Steph pero nakangiti lang. Tapos si sir parang di natuwa sa gnawa ni Troy pero wala naman siyang sinabi.
Sunod na nagsalita yung lalake.
"Hello. I'm Brent Harley Go. And, errr, girlfriend ko si Steph. Yun lang."
Napa "OOWWHHHHH?!!" naman kaming lahat. Protective lang? :D
"Okay. Is that all? - Sir Val.
Sabay namang nag "Yes Sir" yung dalawa.
"You may take your seats now."
Sa likod namin ni Denver yung vacant seats. Sa likod kasi kami. Yoko kasi sa harap eh.
Nang malapit na silang dalawa sa tapat namin, tiningnan ko yung lalake. Unexpectedly, tumingin siya sa akin tapos ngumiti.
Sandali akong nag-isip. Pamilyar yung ngiti na yun eh!
San ko ba yun nakita? Bat di ko maalala agad? Hmm.
Ahah!
Naaalala ko na!
BINABASA MO ANG
Love Twists
RomanceMahal mo ko pero mahal ko pa siya. Nung marealize ko na mahal na kita, huli na kasi wala ka na </3