"Bakit?"

1 0 0
                                    

Bakit ba ko nagtanong pa?
Kung mga bagay ay halata naman na.
Bakit ba ako umaasa?
Kung ang oras na hinihingi mo'y wala lang sa kanya.

Bakit ko ba naihahalintulad ang sarili ko sa iba?
Iba na napaglalaanan niya ng panahon,
Ngunit ako? Akong umaasa, kailan?
Kailan kaya bibigyan ng oras?

Oras para kausapin, kasamahin..
Pero sino nga ba ako sa kanya?
Isang hamak na taong kailanma'y di mapaglalaanan ng panahon.
Na magiba man ang ihip ng mundo, hindi ikaw ang unang maiisip nito.

Masakit na di ka kasama sa prinsipyo.
Mas masakit na wala siyang oras sayo.
At pinakamasakit na ito'y dahil mas nais niyang gawin ang kanyang mga gusto.
Mga gustong tumatakip sa salitang "ako".

Ako na siyang naghihintay,
Sa tirang oras na kanyang ibibigay..
Kahit masakit ako ngayo'y tatahimik,
Walang tamis na salitang lalabas sa bibig hangga't masagot ang tanong na "bakit?"

||created: 5:07 am, February 6, 2018

Poetry (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon