Pangako sa kung saan,
Madalas maging suntok sa buwan.
Pagpatak ng luha sa mga mata'y,
Tila segundong nakalimutan.Sinasabi'y waring hanging lumampas,
Damdaming parang alon na pabalik-balik humampas.
Sakit ay parang litid na nilalaslas,
Kailan kaya ang laban magiging patas.Paki mo'y wala naman ng maihahalaga,
Sapagkat ang pagiisip mo'y sarado sa sariling pagpapasya.
Ikaw lang ang tama, sa mata mo'y wala ng iba.
Na kahit anong sabihin desisyon mo ang sasabihing naiiba.
Kinalimutan ang nararamdaman upang hindi maapektuhan,
Nais lumayo o mawala na lamang ng tuluyan.
Ngayo'y di na ninanais pa ng matinong usapan,
Kalimot, yan na lamang ang gustong simulan.created:
|12:41 am
|03-29-2018