"Nasaan na?"

4 0 0
                                    

Nasaan na yung salitang,
"Hindi kita ipagpapalit"?
Di ba't minsa'y mga pangako,
Ay tuluyang napapako?

Nasaan na yung salitang,
"Mahal kita"?
Di ba't minsa'y pagpapahalaga,
Ay nawawalan rin pala.

Panaghoy ng puso'y,
Gusto na lamang ikubli.
Sa sobrang pait ng nararamdaman,
Nais ng itapon ang masakit na nakaraan.

Pagod na ako..
Pagod ng hanapin ang "Nasaan na".
Na dahil sa patuloy na pag-asa'y,
nasasaktan lamang sa kanya.

Tama na siguro ang minsang,
Naranasan ko't hinanap ang mga bagay na "Nasaan na".
Ngayo'y titigil na't di na aasa,
Sapagkat ako'y pagod ng hanapin ang "Nasaan na".

||March 20, 2018
||7:41pm

Poetry (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon