Chapter 6- Prince Wynd and the Fight

5 0 0
                                    

*****

CHAPTER 6

Wynd Ryker

   "Ama!Parang awa mo na pagbigyan mo na ako."

  "Pagbigyan?Lagi ka na lang naming pinagbibigyan!Tumatakas ka pero ano?Dito din ang balik mo!Tapos ngayon gusto mo naman na makisalamuha sa ibang nilalang sa Unibersidad na yun?"

"Nais ko lamang makasalamuha ang ibang nilalang at matuto ng mga bagong bagay.Sawa na ako sa kastilyong ito Ama!Sana maintindihan niyo ako ni Ina."

  Nakakasakal na ang kanilang ginagawa.Para na akong ibong nakakulong sa isang hawlang ang mga magulang ko ang gumawa.

  "Mahal ka namin ng iyong Ina,anak.Sana maintindihan mo din kami.Iniisip lang namin ang makakabuti sayo.Maaari ka rin namang turuan ng mga magagaling nating kawal at mga tagapagbantay.Huwag ka lamang aalis dito sa palasyo.Alang-alang sa iyong ina."

  Hindi ko na alam ang aking gagawin.Mahirap na talaga ang aking kalagayan.Kailangan kong pumili kung aking kagustuhan o aking mga magulang.

  Iniibig ko sila,lalo na si Ina.
Hindi ko ninanais na siyay magalit saakin.

   "Anak..."

  "Ina..."

   "Sana ay huwag kang lumisan sa ating palasyo.Kung nais mong matuto sa mga bagong bagay na natututunan ng mga mag-aaral ng unibersidad ay nariyan ang iyong mga pinsan.Ang anak ng aking kapatid na namumuno sa lungsod ng Quitch.Ang kaniyang panganay na iyo ring ka-edad..si Khaii Dow.Master niya ang shadow manipulation. Tiyak akong matuturuan ka niya."

Royal GuardianWhere stories live. Discover now