Chapter 1

311 15 10
                                    

"Shocks! Late nako sa 1st Subject ko!" Natatarantang sigaw ko habang nagmamadali akong magsuot ng Uniform. "Ma! baon ko po! pahanda na po para direderetso na po ako, late nako Ma eh!" Sabi ko kay Mama ng matapos akong makapagbihis ng Uniform. Nagmadali akong bumaba sa sala para manalamin at mag ayos ng buhok.

"Luke, Anak bakit kase ngayon ka lang kumilos?" Tanong ni Mama habang inaasikaso yung baon kong kanin.

"Pasensya na Ma kase po tinapos ko pa pong gawin yung power point presentation namin para mamaya."Nakangiting sabi ko habang abala akong mag ayos ng buhok ko sa salamin.

"Ahh ganun ba? next time anak gawin mo ng mas maaga para hindi ka na le-late, Ok."Malambing na Sermon ni Mama matapos gawin yung baon kong kanin at pinaghahainan na niya ako ng plato para mag agahan.

"Opo.. Opo.. Di na po mauulit Ma." Nakangiting sagot ko. "Ayy! Ma wag niyo na po akong paghainan, Sa school nalang po ako kakain nagmamadali na talaga ako Ma eh."

"O sige pero dalawang baong kanin ang babaunin mo ok?"

"Ma bibigat yung bag ko niyan eh! Dagdagan niyo nalang po yung baon kong pera." Pabirong kong sabi kay Mama.

"Hay! nako anak kaylangan natin magtipid at malapit na ang Midterm mo, Konting tiis lang anak kung di lang tayo nakatira sa Apartment eh. Hindi na tayo nagbabayad ng upa di ba? Kaso kailangan kong pagkasiyahin yung pinapadala ng Papa niyo sakin, Hindi kase sapat yung pinapadala ng Papa mo para sa inyong dalawang magkapatid kaya tiis-tiis lang muna". Homily ni Mama sakin at natawa ako.

"Ma naman di naman mabiro." Nakangiting sabi ko habang niyayakap ko si Mama. "Alam ko na po yan Ma, kaya nga po nagsisikap akong mag aral para Pagka Graduate ko eh! Makatulong na po ako sa inyo at ako na po magpapa-aral kay bunso." Malambing kong pagka sabi kay mama at napangiti siya sakin.

"Basta anak wag muna mag aasawa ah?" Sabi ni Mama at nagulat ako. Girlfriend nga wala ako eh! Asawa agad? Bulong ko sa sarili ko.

"Ma naman asawa agad ang nasa isip, Eh! ni hindi nga sumagi sa isip ko ang mag Girlfriend." Ang sabihin mo Luke pano ka magkaka Girlfriend eh! Bukod sa walang nagtatangka sayo ay hinaluan mo pa yang pagkatao mo ng pagiging Torpe!!  Sabi ko sa isip ko.

"Nagpapa-alala lang anak." Nakangiting sabi ni mama.

"Pero Crush po, pwede po?" Pabirong hirit ko at tumawa si Mama. "Osya Ma! at ako'y mahuhuli na sa klase." Sabi ko bago ko kinuha yung dalawang baon kong kanin at pinagkasya ko sa bag na parang hindi pa ata magkakasya dahil sa mga libro kong dala.

"Osige anak mag iingat ka ha." Nakangiting sabi ni mama at kumaway siya.

"Opo Ma." Sagot ko bago ako kumaway sa kanya at lumabas ng pintuan.

"Hay! Late na ko takte naman!" Daing ko habang naghihintay ako ng Jeep sa kanto malapit sa 7 -eleven.

Lumipas ang Sampung minuto hindi parin ako nakakasakay ng Jeep badtrip! Pano ba naman kase lahat ng jeep na pinaparahan ko ay puno na ng pasahero. Nagpasiya akong sumakay na lang ng PNR di kalayuan sa kantong pinaghihintayan ko ng jeep.

"Hay buti nalang may alternatibong sakayan papuntang JRU." Bulong ko sa sarili ko matapos akong makapag bayad ng ticket galing Paco station papuntang Sta.Mesa station.

Wala pang sampung minuto nang makarating ako sa Sta.mesa station, Halos makipag gitgitan ako sa sikip makalabas lang ako ng tren. "Sa wakas! Nakahinga din ng maluwag."Sabi ko sa sarili ko at napatingin ako sa relos ko. "Shocks! 15mins nalang mag iistart na yung Class ko sa MGT 27."

Nagmadali akong tumakbo papalabas ng Sta.mesa station, Sa sobrang dami ng tao at sa pagmamadali ko na rin hindi ko na namalayan na may babae pala akong mabubunggo sabay nahulog ang mga dala-dala niyang libro.

"Sorry miss, Late na kase ako  sa 1st Subject ko eh! Hindi kita napansin sorry po ulit." Pagpa-paumanhin ko habang tinutulungan ko siyang pulutin yung mga libro niyang dala.

"Bulag ka ba?!! para hindi mo mapansin kung sino nasa harapan mo?!" Pagtataray niyang sigaw sakin at nagkatinginan kame habang inaabot sa kanya yung librong pinulot ko. Shet! ang ganda niya.

"Sorry talaga miss, Hindi ko sinasadya."

"Next time tingnan mo dinadaanan mo!" Sabay kinuha niya yung librong inabot ko sa kanya. Ang ganda niya sana kaso ang sungit naman!

"Sorry po ulit." Sagot ko, hindi na siya nag react at bigla nalang tong umalis. "Babaeng yun! Ang ganda sana saksakan naman ng kasungitan! Sa bagay hindi naman niya ako kilala." Bulong ko sa sarili ko at may napansin akong Ballpen sa lapag, Pinulot ko at sa tingin ko sa kanya yun. Tatawagin ko sana siya kaso di ko na siya nakita. Napansin ko na may nakaikot na pangalan dun sa may ballpen.

Binasa ko..

Aira Lee BS-Psychology

"The moment i first set eyes on you, I haven't been able to stop thinking about you, Aira."

I swear this time i mean it (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon