Chapter 3

154 9 14
                                    

Ewan ko ba? Kung bakit trip ng tadhana ang pag bungguin tayong dalawa, Siguro yun ang paraan niya para malaman kung sino sa atin ang unang mahuhulog at kung sino naman ang sasalo. Piling ko ako yung unang nahulog sa ating dalawa dahil nabighani ako sa maala Park shin hye mong kagandahan at walang hiya ka naman!! Hindi mo man lang sinalo yung kalooban ko sayo! Sa gwapo kong to?! Di ka man lang nagkagusto? Chos!!

Kung babalikan natin kung papaano tayo nagkita at nagkakilala, Masasabi kong parang isa 'tong teleserye sa Tv, Ako si Joaquin at ikaw naman si Chichay ehem! ehem.. Maala Got to believe ang peg! Nagsimula ang lahat sa Magic, Magic Bungguan! haha.. with matching katangahan! 

Ang pinagkaibahan nga lang namin ni Joaquin, Bukod sa saksakan ako ng Kagwapuhan keysa sa kanya baka saksakan ng Kagagohan ang ibig mong sabihin Luke?!! Feelingerong frog! Hindi bala ng baril ang tumama sa ulo ko kundi isang malaking bukol, Bukol kakaisip sayo!

Iba talaga ang kagandahan mong taglay pati katangahan ko sumasa iyo na, Kaya bagay sayo si Chichay eh! kase "Nasa iyo na ang lahat" Napakanta langgs!!  Pero mas bagay tayo Aira. May ganun?!

Matapos kaming ipakilala ni Aya sa isa't-isa, bigla nalang ulit sumakit yung tiyan niya ma-jejebs na daw ata siya kaya nagpasiya siyang mauna ng umuwi sa dorm. At ayun naiwan kaming dalawa Nako! makakatikim na talaga sakin ng Pektus de kalimot yun si Aya iwanan ba kameng dalawa dito?! Pero sa isip-isip ko bakit hindi kaya siya sumabay umuwi kay Aya? Siguro may bibilhin pa siya? O kaya may pupuntahan pang siyang iba? O gusto niya lang akong makasama pa? Yun oh! sarap mangarap!

"Aira ba't di ka pa sumabay sa kanyang umuwi?" Medyo nahihiya kong tanong sa kanya.

"Ayoko pa kaseng umuwi sa Dorm eh! Mabobored  lang ako dun, And gusto ko munang mag palamig dito sa Mall." sabi niya.

"Ahh.. ganun ba?" Natatameme kong sagot. Sa mga oras na yun nagsimula ng dumaloy sa dugo ko ang katorpehan kong taglay.

"Ikaw saan ka na ngayon?" Tanong niya.

"Sa puso mo sana!" Bulong ko.

"Anung sabi mo?"

"Sabi ko kung, Ok lang ba sayo na samahan muna kita." para-paraan lang Luke!? 

"Osige, ikaw bahala!"

"Tara kain tayo." Anyaya ko sa kanya. "Nag lunch kana ba?"

"Hindi pa nga eh! Nakalimutan kong mag lunch bago umalis ng Dorm." sagot niya.

"Nako bawal ang nagpapalipas ng gutom, Tara saan mo ba gustong kumaen?"

"Libre mo? Nakakahiya naman."

"Anong libre? KKB nu!" Pabiro kong sabi sa kanya at biglang tiningnan niya ako ng masama. "Joke! Syempre libre ko, Ako nagyaya eh! Tska para makabawi narin ako sa pagkakabunggo ko sayo." Medyo seryoso kong tugon.

"Dapat lang nu! Baka nga sa susunod na bubungguin mo ko eh! Kotse na ang bumunggo sa akin sa sobrang pagka-Inlove ng katangahan mo sa kagandahan ko." Pabiro niyang pagkasabi sa akin at tumawa siya ng malakas.

"Mas bagay pala kayo ng notebook mo." Pagbibiro ko at hinampas niya yung notebook niya sa braso ko.

"Talagang mas bagay kame dahil mas Gwapo pa sayo 'to nu!" Sabi niya na may halong pang-aasar.

"Eh! Paanong hindi mas gagwapo sakin yang notebook mo eh? One direction yung design ng notebook mo! Anung laban ko naman diyan nu!?" Naasar kong sagot. "Pang Daniel Padilla lang kase yung kagwapuhan ko!" Payabang kong sabi habang naniningkit ang mga mata ko Feeling gwapo lang?!! at tumawa siya ng malakas.

I swear this time i mean it (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon