Chapter 2

228 10 9
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nung biningyagan mo ko ng kasungitan mo! At simula nun hindi kana umalis sa isip ko.

Napadalas na din ang pag sakay ko ng PNR tuwing papasok ako sa school, Nagbabaka-sakaling baka makita kang muli at para masoli ko na rin yung Ballpen mong nahulog ng dahil sa katangahan ko.

Teka! lang nga! bakit ba wala akong ibang ginawa kundi ang isipin ka? Pake ko ba sayo?! Ang pagkaka alam ko ikaw ang nabunggo ko, Pero ba't ganun parang ako pa ata yung nabunggo mo at pati utak ko na apektuhan mo! Bwisit! Ang laki mong bukol sa ulo ko!  Langya naman kase eh! Sinong lalake ang makakalimot sa kagandahan mong taglay?!! Yung labi niyang mapula, Yung medyo singkit niyang mata at yung kutis niyang maputi na medyo Kalokalike si Park shin hye! Oh damn! in love na ba ako?! sa masungit na yun?! Kailangan ko na bang magpa konsulta sa Doctor? At baka may Aira disease na ata ako! Mukhang malubha na 'tong karamdaman ko, Apektado na pati puso ko!

Sabado ng tanghali, Nang niyaya ako ni Aya na samahan siyang bumili ng string ng gitara sa Sm Sta.mesa, Hay! nako! biglaan naman kung magyaya 'tong si Aya! Si Aya ay dati kong classmate sa JRU siya yung naging Best friend ko nung freshmen pa kameng dalawa kaso nagtransfer siya sa PUP nung nag 2nd year na kame. Kaya ngayon bibihira kaming magkita dahil naging busy na din kame sa pag-aaral.

Naisip kong sumakay ng PNR papuntang Sm Sta.Mesa mas makakatipid kase ako sa pamasahe pag nag tren nalang ako. Rason mo Luke bulok! gusto mo lang talaga siyang makita ulit!  Wala pang halos sampung minuto ng makarating na ako sa Sta.mesa station, Bigla ko nanaman naalala yung Aira lee na yun AKA "Ms.Sungit" laking bukol ka talaga Aira!

"Sa tingin ko malabong magkita pa kame nun." Malungkot kong sinabi sa sarili ko. Habang papalabas ako ng Sta.mesa station ng biglang tumunog ang phone ko at sinagot ko.

"Hello?" sabi ko.

"Luke! San kana?" tanong niya.

"Sino 'to at paano mo nalaman number ko?"

"Best mo 'to si Aya!"

"Oh! Ikaw pala yan! Aya, Nagbago kana pala ng number? Samantalang kakatxt mo lang sakin kanina gamit yung number mo ah? Wow! hanep daming pambili ng Sim." Pangaasar ko kay Aya at tumawa siya.

"Hindi, Nakitawag lang ako! Number ito ng friend ko, Nag expired na kase yung load ko eh." Sagot ni Aya.

"Ahh.. Ba't nagpapasama ka pa sakin eh! May iba ka naman palang kasama." Nagtatampong pagkasabi ko sa kanya.

"Uy! Nagseselos ang Best friend ko." Pangaasar niya. "Don't worry hindi siya lalake, Babae siya sumabay lang siya sakin pumunta dito sa Sm kase may bibilhin siya sa National Bookstore."

"Oy! Di ako nagseselos nu!" Itsura nito!

"Watever! Teka! Nasaan ka na ba?"

"Eto Pasakay na ako ng Jeep papunta diyan." sabi ko

"Oh! Sige.. sige.. dun nalang tayo magkita sa National Bookstore samahan ko muna yung friend ko." sabi ni Aya bago kame mag bbye sa isa't-isa.

Halos 12 minutes bago ako makarating ng Sm Sta.mesa, Dahil sa traffic. Naka tatlong text message na ako kay Aya na kung nasaan ba siya? Pero wala pa rin siyang reply sa akin, tinatawagan ko siya kaso hindi naman niya sinasagot! Naalala ko bigla na wala pala siyang load. Nako! Makakatikim ng Pektus de kalimot yung babaeng yun sa akin! Nililibot ko na yung National bookstore pero walang Aya akong nakita!

"Nasaan ba yung babaeng yun?!" Naiinis kong pagka sabi habang naghahanap sa kanya. Sinusubukan ko siyang tawagan ulit pero wala pa ring sumasagot.

Papalabas na ako ng National bookstore habang nagte-text para sabihin sa kanya na andito na ako sa Sm at maghihintay sa kanya sa labas ng National bookstore ng biglang may nabunggo akong babae sa harapan ko at nahulog yung dala-dala niyang notebook at ballpen. Kahit kailan tatanga-tanga talaga ako!

"Sorry Miss hindi ko sinasa---" Napatigil ako sa pagsasalita nung nagkatinginan kame habang pinupulot yung notebook at ballpen niya, Laking gulat ko na si Aira lee AKA "Miss sungit" pala yung nabunggo kong babae at nakatingin na siya sa akin ng masama. Oh my!!

"Ikaw nanaman?! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako??! Pagtataray niyang sinabi sa akin.

"Hindi kita sinusundan nu! Sadyang tanga lang ako! Kaya nabungo kita!" Sagot ko. " Or unless kung tipo mo ko at talagang sinasadya mong magpabungo sakin!" Payabang kong salita sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay. Nako di na kita matansyang babae ka!

"Wow naman! Lakas din ng Self-Confidence mo nu! Bagay kayo ng notebook ko!! Pareho kayong makapal!!"

Speechless.. Natatameme ako sa asar!! ggrrrh!!!

"At please lang kailan ba ako tatantanan ng katangahan mo?!! Mataray niyang tanong.

"Eh! sa anong magagawa ko kung crush ka ng katangahan ko?? at piling ko na-inlove na siyang bungguin ka!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Yung totoo Luke? yung katangahan mo ba yung may gusto sa kanya o ikaw mismo?! The moves langss!

"So ako pa talaga mag aadjust sa katangahan mo??" Sabi ni Aira habang nakatingin siya sakin ng masama. Hindi na maipinta yung mukha niya sa sobrang inis kahit siguro si Leonardo da vinci hindi na maipipinta yung mukha niya.

"Ok! Look, Im sorry hindi ko talaga sinasadyang mabunggo ka, Sorry kung ikaw ang nakakasalo lagi ng katangahan ko. Maniwala ka man o sa hindi aksidente lang talaga ang lahat ng nangyari at hindi talaga kita sinusundan." Mahinahon kong pagpapaumanhin sa kanya.

"Para saan pa ang sorry mo kung minahal nako ng katangahan mo?" May ganun Te??!

"Hayaan mo pakiki usapan ko, Sorry na please oh". Pagmamaka awa ko sa kanya. "Panung sorry ba gusto mo? Sooooorrrryyyy po!!" Kathryn Bernardo ikaw ba yan?

"Oo na! Sige na, Sana sa susunod tingnan mo na dinadaanan mo ng wala kang nabubunggo sa harapan mo." Mahinahong pagkasabi niya sa akin at napangiti ako. Nawala ata yung kasungitan niya? May! Hi-ma-LA!!

"Oo, sorry ulit ha." Nakangiting sagot ko at ngumiti din siya sakin. OM! Ang ganda niya talaga!!  Nang biglang may tumawag kay Aira.

"Aira! andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap eh." Laking gulat ko na si Aya pala yung tumawag sa kanya at nagulat din si Aya ng nakita niya ako. "Oh! Best! Andito ka na pala? Teka! teka, Magkakilala kayo?" Tanong ni Aya saming dalawa.

"Hindi kami magkakilala." Sabi ni Aira. "Siya yung Best friend mo?" Tanong ni Aira kay Aya.

"Oo Aira." Nakangiting sagot ni Aya.

"Nabunggo ko kase siya habang nag tetxt ako sayo." Sabi ko kay Aya at tumango lang siya. "Speaking of txt bakit di mo man lang sinasagot yung tawag ko? Kanina pa kita hinahanap saan ka ba galing?" Naiinis kong sabi kay Aya.

"Sorry best kasi naka silent yung phone ko, Galing akong CR sumasakit kase tiyan ko, Napadami ata kain ko ng kamote kanina sa Dorm eh! Piling ko ma-jejebs ako!" Paliwanag niya sakin at sinamangutan ko siya.

"Ayan kase eh! Sinabihan na kita na wag masyadong madami ang kainin dahil mahina panunaw mo." Sermon ni Aira kay Aya at tumawa si Aira. Shemay! Ang ganda mo pag tumatawa ka!

"So siya pala yung kaibigan mong sinasabi mo sa akin na kasabay mong pumunta dito?" Tanong ko kay Aya at tumango lang siya.

"Ayt! nakalimutan kong ipakilala kayo sa isa't-isa. Aya this is Luke Best friend ko simula nung freshmen kame sa JRU. Luke this is Aira Dorm mate ko and school mate ko din sa PUP."

"Hi! Aira, Nice to meet you again and i hope maging peace na tayo sa mga nangyari before." Ngumiti ako  sa kanya at inabot ko yung kamay ko para makipagshake hands at inabot niya din yung kamay niya. Kilig much langss!!

"Sorry din sa mga nangyari ah, Nice to meet you too Luke." Nakangiting pagka sabi ni Aira sa akin.

"Yung moment na nahawakan ko yung kamay niya, Yung puso ko naglulundag sa tuwa."

Falling in love with you is one of the best gift i ever had in my life.

I swear this time i mean it (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon