Chapter 3
Tatlong linggo na ang nakalipas pero ganun parin si Ian. Mas lalo pa nga siyang lumalala dahil twing gabi siya saamin kumakain. Feel na feel niya yung good treatment ni kuya sakanya.
Si mommy at daddy din natutuwa kay Ian. Tss. Naiinis ako! Ganun na lang ba talaga 'yon?!
Mabuti na lang at sabado ngayon, walang Ian ang mang-iinis saakin.
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila Kelly. Nandon daw kasi si Yona, isa din siya sa mga kababata 'ko.
Pinapasok agad ako ng security guard nila Kelly kasi kilala naman nila ako. Halos bahay 'ko na din ituring yung bahay nila Kelly noh. Close na close 'ko yung Mommy at Daddy niya pati yung alaga nilang aso. Madami na nga din akong damit na naipon dito kila Kelly dahil twing matutulog ako dito iniiwan 'ko na yung damit 'ko. Para kasi pagbalik 'ko may isusuot ako.
"Hannah!!" sigaw ni Yona pagkapasok 'ko ng bahay nila Kelly. Ibang iba talaga si Yona, siya parin talaga pinaka maganda saamin tatlo.
"Lalo kang gumanda ah. Siguro may boyfriend ka na."
"Broken hearted siya Hannah kaya siya nandito." sabi naman ni Kelly.
"Ano nangyari?" tanong 'ko. Nakangiti lang saakin si Yona.
"Aalis na 'ko. Pupunta 'ko ng New York. Magpapaalam lang ako." sabi niya habang nakangiti. Alam 'ko naman na pilit lang yung ngiti niyang 'yon. Inakap 'ko siya ng mahigpit.
"Yona, kung ano man yung nangyari nandito lang kami ni Kelly. Mag-iingat ka don huh." sabi 'ko sakanya. Naramdaman 'kong tumutulo na yung luha ni Yona.
"Salamat Hannah.. Dalawin niyo 'ko ni Kelly huh."
"Oo naman!" sabi 'ko.
Kumain kami ng favorite namin ice cream, spumoni. Bata pa lang talaga kaming tatlo spumoni na yung favorite namin. Hindi ata kami makakatulog ng hindi kumakain ng spumoni.
"Wuzzup girls!" napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Halos manlumo ako ng makita 'ko sila. Si Ian, DJ at kuya Marco.
"Hey! Ian, DJ and kuya Marco! Na-miss 'ko kayo!" bati sakanila ni Yona.
Lumapit sila kay Yona at isa isang kiniss si Yona sa cheeks. Ganyan din kami dati twing magkikita kita. Kaya lang nagbago lahat 'yon dahil kay Ian at DJ.
"Long time no see!" sabi ni kuya Marco.
"Pansin 'ko lalong gumanda si Yona." sabi ni DJ
"Yona, kumusta na?" tanong naman ni Ian.
"Maganda parin ako. Kayo ang kumusta na? Kayo, Ian at DJ okay na kayo? That's good news!" sabi sakanila ni Yona.
Bigla naman nawala yung ngiti ni Ian at DJ dahil sa sinabi ni Yona.
"Ano ba yung kinakain nyo? Pa-share naman." sabi ni Ian tapos kinuha yung ice cream 'ko at kinain.
"Spumoni girls parin kayo hanggang ngayon. Ang tanda niyo na!" sabi ni Ian habang kinakain yung spumoni 'ko. "Sino nagsabi sayo na kainin mo yung spumoni 'ko?!" mataray na tanong 'ko sakanya.
Ngumiti siya saakin ng matamis. "Ikaw naman Hannah, ngayon lang ulit ako naki-share ng spumoni sayo nagagalit ka pa. Hindi mo ba na-miss na magka-share tayo sa ice cream?"
Inirapan 'ko na lang si Ian. Tss.
Nagpunta na lang ako dito sa garden nila Kelly. Iniwan 'ko silang tawanan ng tawanan don. Miss na miss siguro talaga nila yung isa't-isa.
Three years ago, masayang masaya din kaming anim non. Ganito din 'yon. Tuwing dadalaw si Yona dito parang may party palagi kasi buo kami.
Si Yona kasi four hours pa ang biyahe niya papunta dito saamin kaya padalaw dalaw lang siya. Pero nung grade one to grade four dito din sila sa Imperial Estates nakatira.
BINABASA MO ANG
I am The Play Boy's Crush (ShortStory)
Historia CortaI loathe him for I don't know reason, maybe because he is irritating. He is play boy and I really hate him for being that. But, one time I found myself missing him. What should I do? I am the Play boy's crush. Am I lucky? -Hannah