Chapter 10

7 2 2
                                    

Zyanne's POV

Kakababa ko lang galing ng terrace at pakiramdam ko medyo gumaan ang dibdib ko

"Zyanne waiiit" tawag sakin ni adrian huminga ako ng malalim bago ako umikot paharap sa gawi nya

"dalian mo, sa susunod wag ka ng susunod sakin" sabi ko sakanya ng magtama ang paningin naming dalawa

"Pwede ba? wag kang masungit? kahit ngayon lang please" sagot nya sakin at natigilan naman ako

napangisi pa ako bago muling magsalita sakanya

"Ha! may pagkamangha ang tono "ako pa masungit ngayon? sino bang nauna satin? diba ikaw ? tinawanan moko samantalang unang pagkikita palang natin yun ? at ang worst ikaw palang IKAW palang ang nakagawa nun sakin!!" sambit ko at nagbuntong hininga bago sya inirapan

"Wag ka ngang sumigaw kaharap mo lang ako oh! okay! Im sorry okay ? Im really really sorry alam kong mali yun kaya nga nagtext ako sayo That night di ba? Kung gusto mo umpisahan ulit natin" sagot nya sakin at napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya

Anong umpisahan ? Ee wala nga tayong nasimulan ! Sya pala yung nagtext, sorry na di ko alam tss

'Lakas maka K-drama' *insert song* starting over again by Toni Gonzaga' bwaaaahahahaha

nasa ganun parin akong posisyon ng ilahad nya ang kamay nya sa harap ko

"Hi, Im Adrian Franciso and you are?" sabi nya at ngumiti pa, totoo nga ang sabi ni sarah na kapag ngumiti sya sino man ang makakita ay mamamangha bibihira ko lang sya makitang ngumiti palagi kasi syang mukhang seryoso yung kala mo problema nya kung bakit bilog ang globo fierce lagi ang lolo nyo.

"Im Zyanne Khim Gabriel" sabi ko habang nilahad ang akig kamay at bahagyang ngumiti sakanya

"Nice meeting you zyanne? can we be friends?" sabi nya at napatango naman ako

"Friends" sabi ko pa "tara na? baka hinahanap na tayo gutom nadin ako eh" pahabol ko at tinapik pa sya sa balikat nya senyales na sumunod sya

"magugutom ka din pala, tara kakain din ako" sabi nya at sumunod sakin papasok sa bahay

"oh? buti nandito na kayo kain ka muna zyanne , ako ng bahala sa ibang bisita" salubong sakin ni sarah at tinanguan ko lamang sya bilang sagot at ngumiti bago tuluyang maupo

Tinignan ko sya bago syang muling makapasok sa kusina at kumuha na ako ng pagkain ko, ng mapansin kong nakatayo sa gilid ko si adrian parang body guard ang akto nya at nang lingunin ko sya ay nagtama ang paningin naming dalawa

"bat nakatayo ka dyan? sabi mo kakain ka din?" sabi ko sakanya at bahagyang tinaas ang isang kilay ko habang hawak ang isang kutsara na may kanin

"di mo manlang ba ako yayayain? kahit maupo manlang?" sabi nya sa malumanay na salita, batid ko ang tinutukoy nya

"Oh! Adrian kain tayo, halika upo ka" sabi ko sakanya at nameke ng ngiti

'arte arte! Kala mo babae di pa magkusa kulang nalang hilaan ko pa sya ng upuan nya tss!'

naupo sya sa harap ko at kumuha ng pagkain, nasa ganong posisyon kami ng mapansin kong nakatitig sya sakin hindi man ako nakatingin sa kanya ay malakas ang pakiramdam ko at nakikita ko sya sa gilid ng mata ko

"wag moko tignan naiilang ako" sabi ko sakanya ng di parin humaharap pero imbes na sagot ay ngisi lang ang natanggap ko

Tumayo ako bilang hudyat na tapos na ako kumain at dumeretso na ako sa kusina eksaktong nang nasa gilid na nya ako ay bigla syang tumayo dahilan para mabigla ako at mapatingala ako sakanya at nakita ko sya na nakangisi sakin' bahagyang nanlaki ang mata ko sa pagkabigla, ramdam ko ang pagkailang sakanya

"excuse me" sinikap kong wag mautal at piliting wag syang tignan bago ako dumeretso sa kusina , ramdam ko ang pagkailang ko sa di maipaliwanag na dahila , hindi ko alam kong bat ganon pati ang kilay ko ay salubong napabuntong hininga na lamang ako habang nasa harap ng lababo

"Zyanne , tapos kana? Mag a'alas onse na kasi mauuna na kami, baka di na ako payagan ulit ni mommy" gulat ako ng magsalita si sarah mula sa likuran ko at agad na napaharap sakanya sinikap kong wag ipakita sakanya ang pagkabigla ko pinilit akong ngumiti sakanya

"ahh! Mm , oo naman salamat ha? Paki excuse parin ako sa mga teachers natin ah? Salamat ulit sars" bukal sa kalooban ko ang paghingi ng salamat sakanya hindi lang sa ngayong araw kundi sa lahat ng ginagawa nya para sakin ^_^ nginitian ko sya ay ayan nanaman ang traydor kong mata sa pag labas nya ng tubig , niyak nya ako ng mahigpit at sinuklian ko din ang yakap nyang yun

Ako na ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa at nginitian sya

"Hindi ko kayo maaaring ihatid sa labas, bawal daw yun eh sabi ng mga matatanda pamahiin daw" sabi ko at tumango sya bago ako talikuran, sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko

Pagkatapos nun nag stay pa ako sa kusina ng ilang minuto bago lumabas magdamag akong nagbantay sa coffin ni lolo, nakakagtaka na di manlang ako makaramdam ng antok ng gabing yun nakatulala lang ako sa harap ng coffin nya habang inaalala ang masasayang araw kasama ang lolo

"Zyanne ?" natinag ako ng tawagin ako ng nakatatandang pinsan ko

"mm, ate? May kailangan ka?" sabi ko at umayos ng pagkakaupo

"hindi wala eh bat di kapa magpahinga? Putok na ang araw oh" sabi ni ate Czarinna sakin habang tinuro pa ang labas ng bahay at napabuntong hininga nalang ako ng makitang pa taas na ang haring araw

"Sige na take a rest, ako na munang bahala total nakapag pahinga naman na ako" mababakas sa boses ni ate Czarinna ang pagpupumilit sakin kaya ayawan ko man wala na akong choice kundi tumango sakanya at gawaran sya ng ngiti bago tuluyang umakyat sa kwarto


Nang maihiga ko ang katawan ko sa kama ay tsaka ko lang naramdaman ang pagod, naghikab pa ako tumitig ako sa kisame at nakita ko ang itsura ni lolo na tumatawa


"Goodnight lo' I miss you so much , I love you" bulong ko habang hinayaan ko ang mata kong umiyak at di namalayang nakatulog na pala ako ng ganon ang posisyon


~To be Continue~

Diary Ng Babae (On Going Super Slow Update)Where stories live. Discover now