A/N: sorry for having a long time to update guys after ng graduation naghanap agad ako ng work then nakapasa ako as call center agent 🙏😘
ZYANNE'S POV
Pag pasok ko Sa bahay nadatnan ko si pala Sa salang nakaupo at umiinom ng kape
"Pa, mano po" sabi ko kay papa.
"San ka galing anong oras na! Hindi ka manlang marunong magtxt para man lang alam namin kong may maantat kami o wala" biglang sulpot ni mama
"Pasensya na po ma, hindi ko rin po kasi namalayan ang oras" nakayuko kong sabi
"Kasi nag e-enjoy ka kasama nong lalaki . Manang mana ka talaga sa--"
"Stop! Tama na yan, kumain kana at pumasok kana sa kwarto mo zyanne!" hindi mahina ngunit hindi rin malakas na sabi ni papa agad naman akong sumunod sakanya . Ngunit dahil hindi ako gutom ay umakyat na ako sa kwarto ko
Nakahiga na ako sa kama ko pero hindi parin ako dinadalaw ng antok ko. Bumangon ako para kumuha ng tubig
Pababa na ako ng sala ng marinig kong nag uusap si mama at papa hindi ko naman ugaling makialam o makinig sa usapang matanda pero parang na curious ako bigla
"Hindi mo kailangang sabihin yun sa bata!" narinig kong sabi ni papa
"Ha!" hindi makapaniwalang sabi ni mama "At talagang sya ang kakampihan mo?" sabi ni mama
"Wala akong kinakampihan ang nililinaw ko lang na sana wag mong pagsabihan ng ganon ang bata" mahinhing sagot ni papa
"Hindi na sya bata Patrick! Kong tutuusin kailangan na nyang ma---"
"Zyanne!!"
Gulat akong napalingon ng may tumawag ng pangalan ko ng pasigaw at nakita ko si ate
"Jusko naman ate aatakihin ako sayo" hawak dibdib kong sabi kay ate
"Anong ginagawa mo dyan sa pinto nila mama?" Tanong ni ate sakin
"Ahh, wala naman napadaan lang ako ngayon ka lang?" pag iiba ko sa usapan
"mm. Kakarating ko lang galing trabaho ikaw? Bat di kapa tulog? May pasok ka bukas diba?" papalapit na tanong ni ate sakin
"Ha? Ahh oo, iinom lang ako tapos matutulog na sige goodnight ate" kumakaway na paalam ko kay ate
Agad akong pumasok ng kwarto ko at humiga
"sino kaya yung tinutukoy nila mama at papa kanina?" tanong ko sa sarili ko
Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako kakaisip kong sino nga bang bata iyon.
***
Dumating ang araw ng paligsahan
"Uy zyanne ano ba! Nahihilo na ako sayo ah! Kanina kapa pabalik balik dyan!" sita sakin ni sarah
"Eh kasi naman eh. Ito na talaga yun naiiyak na ako sa sobrang kaba" hindi parin ako mapakali habang kinakausap di sarah
"Wag ka ngang timang! Sa dami ng nakipaglaban sainyo na banda noon ngayon kapa natakot talaga" sarcastikong sabi ni sarah sakin
"iba naman to' noon ka campus lang natin ang kalaban namin ngayon ibang school na mas malaki na to" sagot ko sakanya
"Bahala ka nga dyan basta wag kang kakabahan okay? Kaya mo yan lalabas na ako papagalitan nanaman ako dito eh" sabi ni sarah sakin habang nag aayos at papalabas. Hindi ko na sya nagawang pigilan sa pag labas kanina pa kasi sya napapagalitan sa pag stay nya dito sa backstage